7위 ❝When We Are Infatuated❞
7위 ❝When We Are Infatuated❞
CHAPTER 7: When We Are Infatuated
NARRATION
"GUSTO naming ipaalam sa inyo na simula na bukas ng bag inspection sa entrance ng school." Anunsyo ng class monitor na si Miggy sa buong klase.
"Kagaya dati, no harmful things shall be brought inside the campus, pati na rin harmful chemicals. Just in case you are asked to bring such, ask the assigned teacher to sign a letter of request and approval," dagdag pa nito.
Hindi kagaya sa ibang section ay wala naman masyadong nagreklamo sa klase nila. Mukha namang matitino lahat ng nandito maliban sa iilan.
"I'm telling you this not just as your class monitor but as the SC president as well. You should also watch proper school attire and never forget to bring your ID. Violators will receive demerits and there will be no exception." Miggy flipped the paper he's holding and announced another matter.
"Malapit na rin magsimula ang school festival natin." Excitement covered the four-cornered room. They can visualize already how exciting that day will be.
"We have discussed few things about it already. May mga confirmed booth na and it will be posted on the announcement board tomorrow. As for our class, hahayaan ko kayong mag-decide kung anong gusto ninyong booth na i-manage natin. Tell me as soon as possible para ma-reserve natin iyon for our class."
Miss Shin was just silently watching Miggy do his task. Hindi niya maiwasang mamangha sa pagiging responsable ng binata. Miggy ended his short announcement with greetings and proceed back to his seat.
"Thank you, class monitor. Malinaw naman na siguro sa inyong lahat ang sinabi ni Miggy?" Paninigurado ni Miss Shin ng makabalik siya sa harapan.
"I will be the one to appoint kung sino ang mag-ma-manage ng booth natin. Of course, appreciated ang mga mag-vo-volunteer." Marahang tumango ang buong klase kahit na wala ni isa sa kanila ang gustong mag-volunteer para sa booth nila. They would rather enjoy the festival than be busy on that day.
Magsisimula na sana ang klase nang mapansin ni Miss Shin ang isang bakanteng upuan.
"Is Miss Limbo not here?" One student confirmed Oli's absence while Miggy worriedly looked at her empty seat. He was excited to come to school this morning since he was not able to see her yesterday. Ngayon naman ay si Oli ang wala.
"Pres, masyado kang nag-aalala. Baka may lagnat lang." Napansin ni Hansel ang nag-aalalang mukha ng kaibigan kaya agad niya itong kinausap.
"Baka nga." Miggy shook his head and went back to listening to class that just started. Tahimik siyang nakikinig sa guro sa unahan habang okupado pa rin ang isip sa kung bakit wala ang bagong kaibigan. He kept looking at the door just in case Oli's just coming late.
Hanggang sa may ideyang pumasok sa isip niya na hindi rin niya pinagdalawang-isip pa.
"Hoy pres, itago mo phone mo!" mahinang sigaw ni Dion mula sa likuran ni Miggy nang makitang nakalabas ang cellphone nito.
"Shh."
Miggy tapped the record button on his phone. Inilagay niya ito kung saan hindi agad makikita. Pero sinigurado niyang malinaw ang pagkakarecord ng lecture.
"Oli should not miss today's class." He said and curved a smile.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Nina nang mapansin ang pagmamadali ni Miggy sa pag-uwi nang dumating ang dismissal time.
"We have to update the announcement board," paalala ni Nina bilang Secretary ng Student Council.
"I have assigned it to Silver," sabi naman ni Miggy patungkol sa SC Vice President.
"Bakit ba nagmamadali ka? I heard you just moved to the dorm. Ang lapit-lapit ng dorm." Miggy heaved a sigh. Gusto niya nang umalis pero mukhang hindi siya madadali dahil sa pangu-usisa ng kasama.
"You should go home, Nina. Baka abutin ka ng gabi sa daan." Paalala ni Miggy sa taga-hanga na agad namang napangiti. Nabubuhayan na naman ang paghanga niya sa binata.
"I knew it. Worried ka na sa akin ngayon. By the way, we just moved out. Punta ka sa bahay kapag may time ka," paanyaya ng dalaga.
"Thank you sa invitation." Ngumiti ng tipid si Miggy saka tuluyang umalis.
Samantalang sa invitation ng mama ni Oli, oo agad ang Kuya Miggy n'yo. Nang makalabas ng campus ay agad na pumara ng taxi si Miggy at sinabi ang address ni Oli. Medyo malayo ito sa school niya kaya matagal ring bumyahe si Miggy para makarating doon. Naisip niya rin tuloy kung anong oras ba gumigising si Oli para makapasok ng tama sa oras gayong malayo ang bahay nila. Mas makakabuti talaga kung ang mga katulad niya nakatira sa malayo ay sa dorm na tumitigil.
"May problema po ba?" Medyo malapit na sila sa bahay ni Oli nang tumigil ang taxi.
"Sorry bata, nasiraan 'ata tayo ng makina." sambit ng driver.
"Okay lang po, malapit naman na po ako." Bumaba siya ng taxi nang ibaba ng driver ang bintana ng sasakyan.
"Bata ito, o." May iniabot na pera ang driver sa kaniya pero agad niya itong tinanggihan.
"Naihatid n'yo naman po ako ng ligtas at malapit na rin po ako. Hindi na po kailangan," sabi niya at pilit na tumatanggi.
"Sige bata, salamat." Nakangiting kumaway si Miggy sa driver saka tinahak ang daan papunta kina Oli.
Nina frowned with her squinted eyes. Hindi niya balak na sundan si Miggy pero nagkataong dito rin sa lugar na ito ang bahay na nilipatan nila. Sigurado siyang hindi rito sa lugar na ito ang bahay ni Miggy.
Pinasundan kaagad ni Nina ang binata sa driver ng kotse nila. She made sure she will not be too close kaya tumigil agad sila sa hindi kalayuan.
Miggy pressed the doorbell but received no answer. He tried not to sound annoying pero nakatatlo na siyang pindot dito nang may lumabas na matandang lalaki mula sa kabilang bahay.
"Nako, hijo, wala ang mga tao d'yan, nasa ospital." Ani nito.
"Hospital? Bakit po?" nag-aalalang tanong ni Miggy.
"Dinala iyong anak nila. Hindi ko rin alam kung bakit. Balik ka na lang bukas."
"S-Sige po." Miggy felt a heavy weight in his heart. He took a strong grip on his phone and heaved a sigh while Nina watched him leave the house. She's still confused why Miggy is around the area.
Pasado alas-otso na ng gabi nang maisipan ni Oli na lumabas ng bahay at bumili sa pinakamalapit na convenient store para bumili ng makakain. Sanay na ang paa niya sa pagpunta rito dahil madalas siyang bumibili rito. She's just thankful enough na hindi na niya kailangan pang tumawid para makarating dito.
"Same?" nakangiting tanong ni Jenny, ang cashier ng store. Close na silang dalawa at alam na ni Jenny ang madalas bilhin ni Oli kaya siya na ang kumukuha nito.
Nakangiting tumango si Oli saka umalis saglit sa counter si Jenny. Bumalik naman itong dala na ang mga bibilhin ni Oli. Matapos ma-encode at magbayaran ang dalawa ay saglit silang nagkwentuhan dahil wala namang masyadong customer.
"Kamusta school?" tanong ni Jenny.
"Nag-a-adjust pa ako pero, so far so good."
"Talaga? Marami bang gwapo-" Hindi man nakakakita ay pilit na tiningnan ni Oli si Jenny ng masama.
"Sorry na. Bulag ka nga pala." Napakamot naman sa ulo ang dalaga. "Marami kang kaibigan?" sunod na tanong nito.
"Hindi naman madami pero, sa tingin ko naman totoo iyong iilan."
"Hay. Sabagay, it's better to keep true friends kahit kakaunti. Kesa sa mga plastik na bunch of bananas." Parehas na tumawa ang dalawa nang biglang bumukas ang pinto.
"Good evening po!" Masiglang bati ni Jenny sa customer. Nagpaalam naman na si Oli. Her wristwatch signalled her to distant herself from the customer- from Nina.
"Oli?" Nina tilted her head as the blind girl passed her by.
"Ano pong hanap-" hindi na tumuloy pa si Nina sa pagbili at agad na sinundan si Oli sa paglabas nito mula sa store.
"Oli?" Oli flinched a bit. Bigla ba namang may magsalita sa tabi niya tapos hindi niya pa nakikita.
"Nina?" A hint of recognition on her response.
"Dito ka rin ba sa area na ito nakatira?" tanong ni Nina at tumango naman si Oli. Hindi niya alam kung anong dapat na maramdaman dahil ito ang unang segundo na matino ang tono ng boses ni Nina sa kaniya.
"I just moved here. Sabay ka na sa kotse namin." Nina offered as a black car stopped in front of them. Kahapon lang ay halos magsabunutan silang dalawa tapos ngayon nag-aala-anghel itong kasama niya at nag-a-alok pa.
"Hindi na, salamat na lang." Paalis na sana si Oli ng maramdaman niya ang mahigpit na pagkapit ni Nina sa pulsuhan niya.
Her wristwatch quickly responded to her tensed heartbeat. Agad namang napatingin si Nina sa relo ni Oli na agad na tinakpan ng dalaga.
"Interesting . . ." mahinang sabi ni Nina saka kumurba ang mapang-asar na ngiti sa labi.
"I don't accept rejection. Let's go!" Ipinulupot ni Nina ang kamay niya sa braso ni Oli saka sila sumakay sa kotse.
"Block 4."
Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nila Oli mula sa convenient store kaya agad silang nakarating. To Nina's surprise, it's the house Miggy went earlier.
"Salamat sa paghatid," sabi ni Oli at ngumiti ng tipid nang makababa mula sa sasakyan.
"Sure." Paalis na sana si Oli ng muli siyang tawagin ni Nina. Hindi talaga maganda ang kutob ni Oli sa mga kinikilos ng dalaga. Hindi naman sa mapanghusga siya, sadyang hindi lang maayos ang relasyon nila ng kasama. Itinago niya ang kamay sa likuran niya saka palihim na may pinindot sa gilid ng suot na relo.
"Bring cutter tomorrow."
"Cutter? Bakit?"
"Kailangan natin ng cutter for activity tomorrow. You need to bring one." Paalala ni Nina saka ngumiti.
"Sige, salamat." Hinintay ni Nina na makapasok sa loob ng bahay si Oli bago itinaas ang bintana ng kotse at sumandal.
"I won't give Miggy to you, Oli. Not a chance."
To be continued. . .
When we are infatuated, we find ourselves doing new things for the sake of love. Don't worry, that's normal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top