3위 ❝Because There Is You❞
CHAPTER 3: Because There Is You
Miggy Agoncillo's P.O.V.
"116, 117, 118 . . ." Mahinang nagbibilang si Oli ng bawat lakad niya. Siguro ito rin 'yong sinasabi niya kahapon habang naglalakad kami. She must be counting her steps. Tiningnan ko ang bawat hakbang ng paa niya at sinabayan ito.
"One hundred . . ." Oli halted her steps.
"One hundred nineteen." Paalala ko. Her unaware eyes met mine. Hindi niya siguro alam na nag-sakto ang mata naming dalawa. She looked at me as if she's asking what I was saying.
"Nasa 119 na ang binibilang mo, Oli." dagdag ko.
"Ah, tama. 119." Muling kaming naglakad habang itinutuloy niya ang bilang niya.
"Binibilang ko ang footsteps ko. By 147 steps nasa classroom na tayo." She explained.
I found myself smiling as I follow her. Never in my life before na naka-encounter ako ng katulad niya. Despite her condition, she can live normally.
Sana ako rin.
How I wish despite what happened in the past, I can still live normally now.
"Miggy?" Sabay kaming napatigil nang marinig si Miss Shin.
"Yes, Miss Shin?"
I was instructed to go to the Principal's office. Hindi ko alam kung bakit pero siguro naman hindi masamang bagay iyon. It's just that it's been a misconception among students na kapag napapa-office ka, masama ka. But sometimes, I do wish I would be called for that reason.
"Oli, can you come with me? Kailangan ko lang pumunta sa office." tanong ko sa kasama ko. Hindi ko naman kasi siya pwedeng basta na lang iwan dito.
Oli scratched her head. "Paglalakadin mo ba ulit ako pabalik?" She awkwardly smiled.
"S-Sorry. Hindi kasi kita pwedeng iwanan na mag-isang naglalakad."
Pumayag rin naman si Oli. Sabi niya sa ngayon daw ay apat na destinasyon na ang kalkulado ng mga hakbang niya. Classroom, Teachers's Office, C.R., at Principal's office.
I left her at the bench outside the office and strode inside after knocking on its door two times. Sinalubong din naman ako ng malawak na ngiti ng principal namin.
"I know class just started yesterday and you are already here." Inayos ni Mr. Salcedo ang salamin niya saka naupo sa swivel chair katapat ng lamesa niya.
"May problema po ba?" tanong ko at sinagot niya ako ng pag-iling.
"Not a problem. I am just glad to tell you that you will be representing our school this year."
"Represent? Saan po?" He handed me a long brown envelope that was on top of his table and to my surprise, I saw a familiar paper inside it which reads a familiar school.
"One University is requiring all Universities to send one student. You will be staying there for a month wearing our school uniform and bearing the school's name."
Naramdaman ko ang awtomatikong pagkurba nang ngiti sa labi ko. It's my dream college university at hindi ko maitago ang saya. It's a good opportunity and a credit as well.
Pero sa kabila ng pasasalamat at saya ay hindi ko maiwasang magtanong.
"Nag-undergo po ba ng process ang pagpili ng representative?"
"With your potential and image in our school, I don't think kailangan pa ng process. You are overqualified, Miggy Agoncillo."
My excitement quickly turned its back on me. Ang kaninang puno ng saya ay napalitan ng pagkadismaya. "But Sir, you can't just pick me without any process. I am sure marami pa pong mas deserving kaysa sa akin."
"Ayaw mo ba sa opportunity na ito?"
Hindi ko magawang sagutin kaagad ang tanong niya. Alam ko sa sarili ko na gusto ko ang oportunidad na ito. Pero kagaya ng lagi kong nararamdaman, I feel undeserving.
"The decision is final. You will be the representative of our school."
Hindi ko na naman nagawang ipaliwanag ang sarili ko. It's like eating whatever is served on the table, grabbing whatever there is to grab without even giving a second thought.
"Miggy?" Oli stood from her seat the moment I went out of the office. Alam kong hindi niya ako nakikita but I don't want to share the bad vibe I have this time, so I forced a smile.
"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"H-Huh?" Mukhang hindi yata lumusot ang pagpapanggap ko sa harap ng bulag na si Oli.
"Mata ko lang ang hindi nakakakita, but I can sense na wala ka sa mood." Bahagyang akong napangiti sa sinabi niya.
"Sometimes I doubt na bulag ka talaga. Alam mo lahat."
"Kasi ang bagal nang lakad mo papunta sa 'kin. It's not your usual steps. Kaya ko nasabing may mali." I slightly nodded at pat her head.
"Don't worry, okay lang ako."
"Sinong nagsabing nag-aalala ako sa iyo?" Tinanggal niya ang kamay ko saka umiling.
"Nag-aalala ako kasi baka bagalan mo ang lakad mo at hindi ka makasabay sa bilang ko." She smiled.
CLASS 2-A
"MAY big news! May big news!"
"Si Oli Limbo! Si Oli Limbo!"
"Ano? Pwede ba huminga ka nga muna ng malalim?"
"Bulag si Oli!"
"Ano?"
"As in! Na rinig ko sa faculty room kanina. Bulag si Oli at wala siyang sinabi na kahit ano tungkol doon."
"You mean, she's trying to deceive us? Huh! And to think that she's been clinging to Miggy . . . Oli Limbo . . ."
"Anong nangyayari rito?" Hindi ko alam kung classroom ba itong pinasok namin o ano, pero sobrang gulo at ingay nila. I saw Nina crossed her arms and smirked. Ano na naman kaya ang lalabas sa bibig niya?
"Miggy, you are not just the class monitor but also the president of the student council. Hindi mo dapat sirain ang image mo." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nina at sa tingin ng mga mata niya.
"Ano bang sinasabi mo, Nina?" Biglang tumahimik ang buong klase. Maybe it's the first time they will see Nina and I arguing. Pero sa totoo ay hindi ito ang unang pagkakataon.
We have argued for many times. I can't even tell if those were still arguments when it's always for the same reason. Oli, on the other hand, excused herself and went back to her seat.
"Well, sa pagkakaalam ko, Axis University is a school for smart and talented students, not a place for people with disabilities." Napatigil si Oli sa ginagawa niya nang marinig ang sinabi ni Nina. Maging ako ay nagulat din dahil sa pagkakaalam nito, bukod sa akin at kay Oli, si Miss Shin lang ang nakakaalam tungkol doon.
"Classmates!" Mas nilakasan pa ni Nina ang boses niya para makuha ang atensyon ng buong klase pati na rin ang mga bagong papasok palang sa loob.
"May kaklase nga pala tayong bulag. Oli, tama ba?" Nangibabaw ang bulungan sa loob ng klase. Agad kong sinaway si Nina pero hindi siya nagpapigil. Ano bang problema niya kay Oli?
Slowly standing from her seat, I noticed Oli taking a strong grip of her skirt. Mukhang gusto niyang magsalita para patulan si Nina, but before she could even utter a word, ako na ang nagsalita.
"Ano naman ngayon kung bulag siya?" All eyes shifted from Oli to me. Unti-unting pinakawalan ni Oli ang palda niya.
"There's nothing wrong about being blind." I said while looking at her . . . Then to Nina. "But having an eye na puno naman ng panghuhusga? Iyon ang mali."
To be continued. . .
There are so many things to be bothered about. Countless times we felt scared and helpless. But because there is "you", I am not afraid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top