EPILOGUE

KESHA

NAKATINGIN ako sa pader kung saan nandoon ang mga diploma naming magkakapatid.

I was looking at my certificate... certificate that proves I already graduated with a degree...

Wala man ako katulad ng mga medalya o ribbon katulad ng mga kapatid ko ay masaya naman ako dahil kahit paano ay nakaya kong magtapos ng pag aaral. Kahit pa ang dami-dami kong pinagdaanan habang nag aaral ako.

"Bakit tinitignan mo ang mga iyan?"

Napalingon ako sa likod ko kung nasaan nanggaling ang boses na narinig ko. Nakita ko si Papa na nakangiting papalapit sa akin.

"Wala naman po, hindi lang po ako makapaniwala na nakapagtapos ako ng pag aaral. Sa dami po ng pinagdaanan ko ay nakatapos din po ako," tugon ko at muling bumalik sa pagkakatingin sa mga diploma namin.

Halos dalawang taon na ang lumipas at panatag na ang kalooban ko. Patuloy akong naglilingkod sa simbahan na kinabibilangan ko ngayon.

Nakakatuwa pa dahil nitong nakaraan taon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na imbitan sila sa simbahan...

Naalala ko halos hindi na ako makahinga no'n sa sobrang kaba habang nagsasalita sa kanila.

Ipinagpapasalamat ko sa Diyos dahil unti-unti na ding nagbabago sila Mama sa pagtrato sa akin ng mga panahon na iyon kaya madali ko silang naimbitahan.

Katulad noong graduation ko, akala ko ay hindi rin nila ako sisiputin ngunit mali ako ngayon dahil nandoon sila. Lahat sila kahit ang mga kapatid ko ay nandoon at nakikisama.

Hindi man sila katulad ko na naging active sa simbahan-masaya naman ako dahil nandoon sila tuwing linggo at sama-sama kaming sumasamba.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Papa at nakitingin din sa mga diploma namin.

"Malakas ka namang bata kaya nakaya mo... pasensya na kung hindi kami nakatulong sa iyo sa mga panahon na iyan," usal ni Papa.

Ngumiti lang naman ako nang muli kong maalala ang mga bagay na iyon. Sinubok lang ako at dinala sa pinaka lowest point ng buhay ko kaya siguro naranasan ko iyon.

Lagi lagi kong babalikan iyon lalo na tuwing nanghihina ako dahil isa iyon sa naging stepping stone ko para makapunta ako dito.

Pero may tanong pa din akong gusto kong masagot nila Papa.

"Pa, pwede po akong magtanong?" tanong ko dito sabay harap sa kan'ya.

Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"Sige, ano ba iyon?" tanong nito.

"Nagtataka po kasi ako, bakit po parang galit na galit sa akin si Mama?" tanong ko dito.

Tumango naman ito na parang nag-iisip isip.

"Plano kasi namin noon na hanggang tatlo lang ang anak. Hindi naman namin plinano na sumunod ka kaya naman sinubukan nito na uminom ng pills pero hindi na niya iyon natuloy dahil nagkaroon ng side effects sa kan'ya kaya naman bigla kang nabuo na hindi naman inaasahan," paumpisa nito kaya napatango na din ako.

"Kaya naman nang lumabas ka at muli kang nasundan-doon na nagkaroon ng inis ang mama mo sa iyo... Ikaw ang inisip nitang may kasalanan kaya nasundan nang nasundan, umabit na nagkaroon siya ng depression dahil sa panganganak niya... matagal na naming napag usapan iyon na hindi mo naman kasalanan na nabuo ka at nasundan pero matigas talaga ang mama ninyo kaya naman ikaw ang napagbuntungan niya hanggang sa lumaki ka na ay nakikita niya mahina ka sa mga academics, doon mas naisip ng mama ko na sana ay hindi ka na lang niya nabuo... sana ay mapatawad mo ang mama mo," saad nito sa akin.

Nasaktan ako pero hindi ko naman kailangan magdamdam pa katulad noon lalo na at okay naman na kami ni Mama. Gusto ko lang malaman kung bakit...

"Ganon po pala... ngayon po ay naiintindihan ko na... hindi na nga po ako planado, hindi pa po ako nakakapagbigay ng maipagmamalaki," mahina kong wika.

Nakita kong lumungkot ang mukha ni Papa kaya naman hinawakan ko ang kamay nito.

"Pa! Okay na ako. Hindi po ako galit, bukod doon matagal ko na pong napatawad si Mama, kayo po... kalimutan na po natin iyon at maging aral sa ating lahat..." nakangiti kong wika dito.

Ngumiti lang naman ito sa akin at muling tumingin sa harap kaya naman ginaya ko na ito.

"Ngayon lang ako hihingi ng tawad muli sa iyo... patawarin mo kami sa mga nagawa namin ng mama mo. Iba-ibang masasakit na salita ang narinig mo sa amin na humantong sa pagkukwestyon mo sa sarili mo... pero gusto ko lang malaman mo na, walang mali sa iyo... kami at ang mga tao sa paligid mo ang mali..." rinig kong wika nito.

Hindi na ako umimik pa at hinigpitan na lang ang hawak sa kamay niya.

Naalala ko na nakita pala ni Papa ang mga suicidal letter ko. Ayon pa lang ang papel na hawak nito noong araw na inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kanila. Sinabi niya iyon sa akin noong gabi na umuwi kami galing ng simbahan.

Hindi naman naglaon ay sinamahan na din kami ni Mama doon pati na ang mga kapatid ko.

Kung dati ay lagi akong nasa isang tabi habang sila ay nagsasaya dito, ngayon ay hindi na. Nasa tabi ako ni Papa at nakaangkla sa braso nito.

KINAHAPUNAN ay nagpaalam ako kila Papa na pupunta ako ng simbahan dahil muli kaming bibisita sa charity na tinutulungan namin.

Matagal na itong ginagawa ng simbahan pero hindi nila ako agad sinama dahil ayaw nilang matrigger ang mental ko.

Ang charity kasing pinupuntahan nila ay isang mental rehabilitation kung saan karamihan ng nandoon ay mga pinaparehab ng pamilya dahil sa matinding- depression, anxiety, trauma at iba pang mental health issues na nag kacause sa isang tao ng self harm at minsan ay humahantong sa pagpapakamatay.

Kaya naman nang makita nila Ate Cloe at Patrice na bumubuti na ang lagay ko ay sinimulan nila sa aking sabihin iyon at yayain.

Noong una ay ayoko dahil kinakabahan ako pero hindi kalaunan ay naisip kong sumama dahil baka makakita ako ng katulad ko na nakaranas ng katulad ng naranasan ko.

Gusto kong makatulong din katulad ng ginawang pagtulong sa akin.

Hundi man ako expert o nakapag-aral ng ganong larangan pero kahit paano ay makita man lang nila na may naghahalaga sa kanila ay malaking tulong na iyon.

Ayon kasi ang sinabi ng counselor na patuloy akong sinusubaybayan. Hindi naman agad sa gamot nakukuha ang medikasyon ng isang taong may sakit sa mental, ang unang una dapat ay makita ng mga taong iyon na may handang sumuporta at tumanggap sa kanila o sa amin. Kaya nga ganon ang gusto kong gawin ngayon.

"ETO na pala si Kesha! Tara na at baka mahuli tayo doon," saad ng isa sa mga leader namin.

"Sorry po natagalan. Traffic po kasi e," saad ko sa kanila.

"It's okay, kararating lang din namin halos," usal nito sabay ngiti. "Let's go na!" yaya muli nito sa amin.

Tumabi ako sa paglalakad kay Ate Cloe at Patrice. Kusa namang umangkla si Pat sa akin at nakipagkwentuhan.

Halos isang oras din ang itinagal namin sa byahe nang makarating kami sa rehabilitation.

"Hello po sa inyo! Magandang hapon, pasensya na po kung natagalan kami. Traffic po kasi," usal ng leader namin doon sa coordinator ng facility.

Habang nag uusap sila doon ay luminga linga na ako ng tingin at hinanap ang batang nakausap ko nitong nakaraang nag punta kami doon.

She look so lonely that time kaya naman naisip kong kausapin siya. Para kasing nakikita ko din ang sarili kong mga mata sa kan'ya noon...

Ung naghahanap ng kausap at karamay. Yung gustong mag kwento pero wala namang mapagkwentuhan.

Agad ko din namang nahagip ang bulto nito sa gawing kanan ng facility, katulad noong nakaraan nandoon ito at nakayuko lamang... malayo na naman siya sa iba...

Nagpaalam lang ako kila Patrice na pupuntahan ko siya na agad naman nilang tinanguan.

"Coreen!" tawag ko dito nang makalapit ako.

Nakita ko na umangat ang tingin nito sa akin. Masaya akong kumaway sa kan'ya at ngumiti...

"Kumusta ka?" tanong ko dito nang makalapit ako.

Tumingin muna ito sa akin bago nagsalita...

"Ate Kesha, bakit ako nandito? May mali ba sa akin? Ayaw na ba sa akin ng pamilya ko?" tanong niya kasabay ng mga luhang tumulo sa mga mata nito.

Tanong ko din iyan noon... tanong na pilit kong hinahanapan ng sagot... tanong na nabuo ng makipot at bata kong isip... tanong na naging dahilan kung bakit ako muntikang magpakamatay... at tanong din kung bakit ako napunta dito...

Katulad ng ginawa sa akin ni Patrice noon, na kahit wala akong sinasabi at hindi ngumingiti sa kan'ya ay nandiyan pa din siya para ngitian at kawayan ako.

Kaya naman ibabalik ko lang ang ginawa nila... ibabalik ko sa iba, para makatulong sa katulad kong noon ay hirap na lumalaban sa hindi nakikita ng iba pero pinakamalakas na kalaban ng tao,

Ang isip...

"What's wrong with you?" pag uulit ko ulit sa tanong nito. Itinaas ko ang mga kamay ko at ginawang ekis ang mga ito. "Walang mali sa iyo, Coreen... walang mali sa atin," saad ko dito at ngumiti.

Walang mali sa taong average lang, walang mali sa taong may pinagdadaanan at lalong walang mali sa lahat ng tao dahil lahat ng tao ay ginawa ng Diyos na unique.

All we have to do is accept our flaws at tanggapin ang kapwa natin. Tulungan dahil iyon ang kailangan nila at hindi ang panghuhusga.

🌻🌻WAKAS🌻🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top