Chapter 18

KESHA

"KESHA! Dito ito sa kabilang dulo, 'di ba?" Napatingin ako sa kasama ko na bigla akong tinawag.

Nasa stage ito at ikinakabit ang isang lettering na gawa ko.

"Oo! Diyan iyan," nakangiting usal ko dito at muling balik sa pagpipinta ng backdrop na gagamitin para sa drama presentation ng simbahan namin.

Nandito kasi kami sa simbahan ngayon at inaayos ang mga gagamitin para sa darating na panibagong event ng church.

Ilang buwan na din ang lumipas simula nang makasali ako dito ng permanente sa church namin.

Pagkatapos kong tanggapin ang Panginoon bigla Diyos at tagapagligtas ay binawtismuhan ako dito mismo sa simbahan namin.

Naging active ako sa mga event at mga workshop kung saan mas tumagal ako sa creative team namin.

Simula nang maglinis ako ng kwarto ko at madiskubre ko na may talento naman pala ako sa mga lettering o calligraphy kung tawagin ay dito ako sumali. Alam ko kasing wala akong talent sa ibang mga workshop namin.

Nagsasabi ako ng totoo at hindi lang pinag hihinaan ng loob dahil wala na iyon sa akin. Natuto akong tanggapin ang sarili ko at mahalin kung ano talaga ako.

Sa loob ng ilang buwan kong pagiging miyembro ng simbahan ay ginamit silang instrumento ng Diyos upang ituro sa akin na ang isang katulad ko ay normal lamang at walang mali sa akin… Na kahit hindi ako matalino at wala akong award ay tanggap ako ng Diyos. At kaya kong ipagmalaki na I am fearfully and wonderfully made by God!

Tinuro din nila na lagi kang may kaibigan na kasama sa lahat ng ginagawa mo.

Handa Siyang makinig sa lahat ng kwento, hinaing at reklamo ko.

Kahit ang counselor na patuloy ko pa ding pinupuntahan ay sinabi sa akin na ako ang unang dapat tumanggap sa sarili ko, tinulungan ako nitong yakapin ko ang mga itinuturing na mali sa akin.

Kaya naman ngayon, nakakangiti na ako ng katulad noon kila Patrice yung inaasam kong ngiti na katulad sa kanila ay nagagawa ko na.

Hindi na ako ang Kesha na laging nasa kwarto at umiiyak—humihingi ng saklolo o ng mga sagot sa katanungan ko. Hindi na ako ganon ngayon dahil lahat iyon ay nasagot na at nabigyang linaw na sa akin.

Sa bahay naman, ilang buwan na din ang lumipas nang masagot ko sila mama. Wala silang sinabing mga salita—na inaasahan ko naman na iyon. Pero lumipas lang ang isang linggo ay kahit paano ay nag iba na ang trato nila sa akin.

Tuwing darating ako ng bahay ay pinapansin na ako ni Papa... si Mama naman ay tititig lang sa akin sabay iiwas. Noong nakaraan pa nga ay si Papa pa mismo ang nagyaya sa akin na manood ng T.V. at pati ang pagkain.

Kahit ang mga kapatid ko ay nag iba din ang trato sa akin…

Basta nag-iba na ang trato nila at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko doon.

Sa school naman ay hindi na ako nalulungkot na wala akong kausap… wala na din akong pakealam kila Ella. Tuluyan ko na silang nilayuan dahil wala silang maidudulot na mabuti sa buhay ko. Kung ayaw nila sa akin, ayaw ko din sa kanila. Masaya na ako sa mga totoong kaibigan na meron ako.

Medyo bumalik na din ako sa sigla sa pag-aaral. Pero ngayon hindi na ako pressure, pero nagsisikap pa din.

Iyong mga boses na bumubulong sa akin ay nawawala na sila… ang simbahan na ito ang tumulong sa akin upang mapagtagumpayan ko araw-araw na laban ko sa mentalidad ko.

"Huy! Okay ka lang? Tulala ka diyan!" agad akong napatingin kay Patrice nang makita ko itong nasa tabi ko.

"Wala! Iniisip ko lang kung paano ko iinvite sila Papa dito," saad ko sabay tingin sa kan'ya.

Ngumiti lang naman ito at bahagya akong tinulak.

"Hayaan mo! Sa tamang panahon maiinvite mo din sila," saad niya sabay kindat.

Tumango naman ako at muling tinuloy ang ginagawa ko.

Tama! Ibibigay ng Diyos ang gusto ng puso ko basta magpatuloy lang ako sa pag sunod sa kan'ya.

GABI na'ng matapos kaming gumawa ng backdrop at magkabit ng mga ito.

Kinakabahan si Patrice na baka raw pagalitan ako dahil late na. Ako din naman dahil ngayon lang ako ginabi ng uwi galing sa church. Tinatapos na lang naman kasi namin dahil sa linggo na ang gawain…

"Kesha! Kapag hindi ka pinauwi o pinapasok, punta ka ng bahay ha!" bilin ni Patrice na ikinatawa ko lang.

"Madaling tanggalin yung jalousie namin! Ano ka ba?!" saad ko dito kaya naman bigla itong sumimangot.

"Eh! Baka bigla kang masugatan doon! Katulad dati!" saad niya kaya muli akong napatawa sabay hampas sa kan'ya ng mahina.

"Hindi yan," saad ko at nagpatuloy na sa lakad.

Hanggang sa nakarating kami ng bahay at bukas pa ang ilaw. Muling nagpaalala sa akin si Patrice kaya naman itinulak ko na ito pauwi sa kanila.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako pero bahala na, kasalanan ko naman kung pagagalitan ako dahil ginabi nga ako.

Pagpasok ko ng bahay ay bumungad sa akin si Papa na nanonood ng T.V.

"Nakauwi na po ako," saad ko sabay yuko.

Matagal bago ito sumagot.

"Mabuti naman, ginabi ka na. Kumain ka na ba? May pagkain pa sa lamesa,"

Isa ito sa pinagbago ni Papa at syempre ni Mama dahil may natitira sa akin na pagkain. Pati iyang pagsagot ni Papa sa akin, yung pagsasabi niya ng 'mabuti' ay malaking bagay na iyon.

"Kumain na po ako. Salamat po," usal ko. "Akyat na po ako, 'pa. Good night po…" marahan kong saad na tinanguan lang nito.

Dahan-dahan akong umakyat ng kwarto at pumasok doon.

Nagpalit lang ako ng damit bago humiga ng kama.

Bago ako tuluyang matulog ay ipinikit ko muna ang mga mata ko para manalangin.

Muli akong nagpasalamat sa may kapal sa lakas na muli nitong ipinagamit sa akin, sa talentong ibinigay, sa araw, sa mga kaibigan at pamilya.

Matapos no'n ay humiga na ako at matulog ng matiwasay at may ngiti sa labi.

NAGMAMADALI akong bumaba ng bahay namin habang suot-suot ang backpack ko na may lamang damit ko.

Hindi ako mag lalayas, linggo na kasi ngayon ay dapat maaga ako sa church namin dahil mag-aayos pa kami ng mga designs.

"Alis na po ako," ayon lang ang paalam ko ay mabilis na tumakbo papuntang pintuhan.

"Kesha Zephaniah!"

Agad akong nahinto sa paglabas ng pintuan namin dahil sa pagtawag sa akin ni Mama.

Dahan-dahan akong humarap dito at nakataas na naman ako ng kilay niya.

"Bakit po, 'ma?" tanong ko dito.

"Saan ka pupunta? Ang aga-aga pa! Hindi ka pa nga nag aalmusal!" singhal nito sa akin.

"May gagawin po kasi sa church ngayon… kailangan po maaga ako dahil sa akin po nakaasign yung mga designs po," tugon ko dito.

Bahagya pa akong nagulat dahil hindi ako nito pinutol sa pagsasalita.

"Oh e, kung ganon! Mag almusal muna bago ka lumayas," saad nito.

Agad umangat ang tingin ko para sana tignan siya pero wala na ito sa harap ko at nakatalikod na.

"Almusal na, Ate Kesha!" tawag ng isa kong nakababatang kapatid.

Nakagat ko na lang ang labi ko dahil pilit kong pinipigil ang ngiti ko. Ngayon lang ako nayaya na mag almusal.

Mabilis akong naupo sa pwesto ko at magsasandok na sana nang maalala kong magdasal.

Agad akong pumikit at humingi ng pasasalamat sa pagkaing nasa harapan ko.

Nagulat naman ako nang pagdilat ng mata ko ay may pagkain na sa akin harapan tinignan ko si Mama na nasa gilid ko. Nakakunot lang ang noo nito habang hawak ang sandok.

Tumingin ito sa akin at pinanlakihan ng mata.

"Kain na akala ko ay nagmamadali ka?" saad niya.

"Salamat po," nakangiting usal ko bago muling tumingin sa pagkain ko at sumubo na doon.

Matapos kong kumain ay nagpahinga lang ako ng kaunti bago ako muling nagpaalam sa kanila.

"AY OH! IBA ang ngiti ng isang Kesha ngayon!" bati sa akin ni Patrice nang makapasok ako sa building ng church namin.

"Sira! May nangyari lang sa bahay," saad ko at sumabay na sa kan'ya sa paglalakad.

"Ay! Mukhang maganda ang nangyari! Chika na!" usisa nito kaya mas natawa ako sa kan'ya.

Iumpisahan kong ikwento sa kan'ya ang pagkalate ko ng gising, ang pagmamadali ko at pag aakala kong hindi ako papayagan ni Mama.

"Ayon, hindi pala… papakainin lang pala ako…" pahuling kwento ko.

Bigla naman itong tumawa ng malakas kaya naagaw ang atensyon ng mga kasama namin na nag uumpisa ng mag ayos.

"Para kang buang, Pat!" natatawang singal ko dito.

"Nakakatawa lang kasi iyong pagiging paranoid mo doon, pero seryoso! Masaya ako para sa'yo," saad niya habang may ngiti sa labi.

"Ako din, masaya ako para sa sarili ko," tugon ko. "Salamat ha… kahit noong mga panahon na wala na akong kwenta kausap, hindi ka naman umalis sa tabi ko para maisama ako dito, ikaw ang instrumnetong ginamit ng Diyos para makilala ko siya… noong mga panahon na tanging pagkuha na lang sa sarili kong buhay ang nasa isip ko, binigyan mo ako ng ibang dahilan para mabuhay… salamat, Pat!" usal ko.

Nagulat naman ako ng bigla itong nag iwas ng tingin sabay punas ng mukha.

"Bwisit ka! Doon ka na nga!" saad nito tapos tumalikod.

Natawa na lang ako dahil mukhang naiyak pa siya sa sinabi ko. Pero totoo naman iyon, malaki ang naitulong niya sa akin kaya ako nandito pa ngayon.

MAINGAY at mukhang marami ng tao sa labas ng backstage kung saan ako nakapwesto.

Dahil isa ako sa mga nakaalam ng backdrop namin ay dito ako sa likod nakapwesto.

Ayoko din sa harap at sa maraming tao dahil hindi pa ako sanay doon.

"Mga kapatid! Malapit na tayo mag start!" malakas ni Patrice na siyang aming stage director ngayon. "God bless sa ating lahat!" habol niya.

Hindi nga nagtagal ay pumasok na ang Master of Ceremony at nag umpisa na itong bumati.

Sa loob ng buong program ay hindi nawawala ang mga ngiti ko dahil sa saya na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na magiging masaya ako ng ganito!

Ung walang pagsidlan, ung punong puno at parang hindi ako nakaranas ng lungkot at lumbay nitong nakaraan.

Pakiramdam ko ay bago akong tao! Isang taong binago ng Diyos…

Nawala na ang dating Kesha na laging kinukwestyon ang sarili kung anong mali sa kan'ya, yung umiiyak gabi gabi, ung Kesha na muntikang kunin ang buhay niya para lang mawakasan ang paghihirap nito… ngayon ay isang Kesha na tanggap ang sarili niya at masayang lumalakad kasama ang Diyos at mga tunay na kaibigan… at kahit paano pati ang pamilya kong minsan kong gustong iwan ay unti-unti akong natatanggap maging sino ako…

Alam kong hindi pa tapos ang laban na ito sa isip ko pero dahil sa mga taong tumanggap at sumusuporta sa akin ay makakayanan ko ito.

Minsan ang kailangan talaga ng isang tao ay mga taong tatanggap sa kan'ya at magpaparealize na walang mali sa iyo at kaya kang tanggapin ng kahit na sino.

🌻🌻🌻🌻🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top