Chapter 17

KESHA

"Magandang umaga sa iyo, Kesha!" masiglang bati ko sa sarili ko nang imulat ko ang mga mata ko.

Huminga ako nang malalim at panandaliang muling pumikit at nanalangin.

Nagpasalamat ako sa itaas na muli akong nakasurvive sa gabing madilim at puno paghihinagpis.

Nagpasalamat lang ako na binigyan niya ako ng pagkakataon na muling gumising at mabuhay. Humingin na din ako ng panibagong patnubay at lakas para muling mapagtagumpayan ang araw na ito.

Matapos kong manalangin ay tumayo na ako at iginala ang aking mata sa kwarto kong magulo.

Noong nakaraan ay inumpisahan ko na itong linisin pero dahil sa dami ng kalat at mga dumi ay hindi ko pa din natapos.

Sa totoo lang simula nang matuto akong manalangin ay gumaan ang pakiramdam ko at kahit papaano ay hindi ko na naiisip ang ibang bagay. Nagkaroon ng kapayaaan ang isip ko, minsan nga lang ay talagang sinusubok ako ng pagkakataon dahil kahit anong pigil ko at panalangin ko ay hindi ko naiiwasang mag isip pa din at humahantong na nasasaktan ko ang sarili ko.

Hindi naman ganon kadali at hindi rin agad-agad na nawawala iyon-sabi nga ni Ate Cloe ay may proseso ang lahat basta mag tiwala lang ako sa Diyos.

Katulad din ng sabi ng counselor na pinuntahan namin ay hindi basta-basta nawawala iyon lalo na at matagal kong nilabanan.

Huminga ako muli nang malalim at tuluyan nang tumayo ng kama.

Inayos ko lang ang higaan ko bago nagtali ng buhok at hinilamos ang palad ng dalawang beses sa mukha ko.

Tahimik akong lumabas ng kwarto habang naririnig ko silang nagmamadali sa pagkilos.

Dumeretso ako ng kusina at tinignan ang pagkain nasa hapag.

Hindi na kami sabay-sabay dahil may mga pasok sila, ako naman kasi kadalasan hapon ang pasok ko tapos ngayon wala akong pasok.

Matapos kong kumain ay naghugas ako ng lahat ng plato at muling umakyat ng kwarto ko.

"Ang kalat, Kesha!" Kakamot-kamot kong usal sa sarili ko nang muli kong hagurin ang buong paligid.

Bumaba na lang ako ulit sa kusina para kumuha ng plastic na pinaglalagyan pa ng pandesal kanina, tapos ay umakyat ako ulit at isa-isang dinampot ang mga papel na may mga suicide note at mga lettering ng pangalan ko.

Napatitig ako sa isa sa mga lettering ko.

"May talent pala ako sa pagsusulat," kibit balikat kong saad at nilamukos iyon at inilagay na sa plastic.

Napatigil ako nang mapunta ako sa isang gilid kung saan nakita ko ang- medalya, certificate at kapiraso ng salamin na minsan kong ginamit sa pagtatangka kong bawiin ang buhay ko.

Muling nanariwa sa akin ang pangyayari na iyon kaya naman hindi ko naiwasan maiyak muli.

Marahas kong pinunasan mga mga luha ko sa mukha at muling ipinagpatuloy ang paglilinis habang naghahum ng isang kanta na kinanta namin nitong nakaraan na linggo. Ginawa ko iyon para malibang ang isip ko at hindi ako humantong sa magmumukmok...

Isa-isa kong kinuha ang mga iyon at inilagay sa plastic. Hindi naman sinasadya na dumamplis ang isang basag na salamin sa kamay ko kaya naman agad itong dumugo at tumulo sa lapag.

Agad naman din akong kumuha ng panyo para ipunas doon.

Matapos noon ay bumalik ako sa pagliligpit. Hindi kumasya ang isang plastic kaya naman nagdecide akong kumuha ulit at doon naabutan ko si Papa. Mukhang wala siyang pasok ngayon katulad ko.

"Anong nangyari diyan sa kamay mo?!" tanong nito nang patalikod na ako kaya nahinto ako sa paglalakad.

"Nas-"

"Napapansin kong lagi ka na lang may sugat! Anong arte na naman iyan?" singhal na tanong nito.

Napayuko naman ako dahil pinutol niya yung sinasabi ko.

"Napapansin niyo po pala ako?" bulong ko na may halong hinanakit.

"Anong sabi mo?! Lakasan mo at wag kang bumulong!" singhal na sigaw nito.

"Nadaplisan lang po ng salamin. Hindi naman po malalim kaya ayos lang po ito," saad ko at muling naglakad papunta kwarto ko.

Hindi na ako nagdiwang nang maalala ko yung sinabi niyang napapansin.

Pagkakamali at kapintasan ko kasi kaya napansin pero kung achievement ko. Who you ako sa kanila!

Natapos akong maglinis ng mga kalat ay itinabi ko muna. Kumuha ako ng lumang damit ko at binasa iyon at pinunasan ang lapag ng kwarto ko.

Inarrange ko na lang din ang ibang mga gamit na nandoon.

Napangiti ako nang makita ko ang naging resulta ng paglilinis ko.

"Good job, Kesha!" puri ko sa sarili ko.

Inilabas ko ang mga basura sa kwarto ko at itinapon iyon sa labas ng bahay.

LUMIPAS ang isang linggo at araw na naman ng sabado.

Sa nagdaang mga araw ay mas nagiging kampante ang isip at puso ko. Minsan na lang ako umiyak sa gabi at lagi ko iyong ipinagpapasalamat sa Diyos dahil lagi niya akong binibigyan ng proteksyon at payapang kaisipan.

Sabado na at araw na naman ng small group namin kaya naman excited akong naligo at nagbihis ng damit na pang alis, matapos kong labhan ang mga damit namin.

Maaga pa lang kasi ay inumpisahan ko na iyon para makaalis ako.

Katulad noon ay hindi na ako nagpaalam kila Papa na aalis ako dahil wala naman silang pake sa akin.

Ngunit palabas na ako ng bahay nang magsalita si Mama.

"Ano, Kesha?! Aalis ka na naman?! Puro ka na lang alis?! Wala ka ng naitulong dito sa bahay!" singhal na sigaw sa akin ni Mama.

"Nagla-"

"Ano pake ko kung naglaba ka?! Hindi ka aalis! Dito ka lang sa bahay! Maglinis ka!" sigaw na putol nito sa akin.

"Pero, 'ma... naglinis na po ako kanina," usal ko.

"Ano naman ngayon?! Iba ang kanina sa ngayon!" untag nito.

"Pero may lakad po ako, kaya nga po nag linis ako ng maaga at nag laba para po makaalis ako e," tugon ko sa kan'ya.

Napasalag naman ako nang akmang babatuhin ako nito pero hindi naman tinuloy.

"Aba! Kesha! Sumasagot ka na?! Ayan ba ang natututunan mo kakasama kay Pa,trice sa simbahan nila?! O sa simbahan ba talaga kayo nag pupunta?! Kapag ikaw talaga nabuntis dahil sa kakalakwatya mo! Itatakwil kita!" sigaw nito kasabay ng paglabas ni Papa sa kwarto nila habang may hawak na papel.

"Itatakwil? Matagal ninyo naman na akong tinakwil 'di ba?" hindi ko napigilang sumagot sa sinabi nito. "Kailan ninyo nga po ba ako itinuring na anak?! Tingin n'yo lang naman po sa akin dito ay- katulong, sampid at malaking pagkakamali ninyo! Kahit kailan hindi ninyo ako itinuring na anak!" dagdag ko bago nag pakawala ng mahinang hikbi.

Muling nanariwa sa akin ang iba't-ibang scenario ng hindi nila pagtanggap sa akin.

"E, kung hindi ka naman kasi bobo at nakakahiyang-"

"E ano naman ho kung bobo ako?! Kung wala akong utak?! Kung hindi ako nakakapagbigay sa inyo ng karangalan?! Ano naman ngayon, 'ma?! Anak ninyo pa din ako! Ginawa ninyo ako at lalo na galing ako sa inyo ni Papa! Alam ninyo ho ba yung sakit na nararamdaman ko simula ng baliwalain ninyo ako?! Ang bata ko pa! Ilang taon lang ako ng ipinamukha ninyo sa akin na isa akong malaking pagkakamali na nagawa ninyo, na nasa akin ang mali! Na lahat ng ginagawa at sinasabi ko ay mali!"

"Ginawa ko naman ang lahat! Lahat ng utos ninyo sinusunod ko, lahat ng pwede kong gawin na pag aaral ginawa ko, lahat ng bilin ninyo at aral sa aking-ginagawa ko! Pero kulang pa din! Alam ninyo ho bang halos mabaliw ako sa araw-araw na kakatanong sa sarili ko kung anong kulang? anong mali sa akin? Wala akong makuhaan ng sagot dahil mismo ang sarili ko hindi ko alam kung saan ako nag kamali, saan ang mali?" tuluyan ng lumabas ang mga luha ko nang magsimula akong manumbat sa kanila.

Marahas kong pinunasan ang luha ko at huminga nang malalim.

"Noong nakaraang recognition, inantay ko kayo. Nag intay ako sa inyo kasi nangako kayo, sabi ninyo pupunta kayo. Ginawa ko ang lahat para makapunta sa ranking na iyon, hindi na ako halos kumakain o natutulog para lang makapag aral at may maibigay sa inyo. Para lang matuwa kayo at baka sa unang pagkakataon, masabi na ninyong anak ninyo ako. Umasa ako! Umasa ako sa inyo kasi sabi ninyo pupunta kayo, pero hangin lang ang dumating. Umiiyak akong pinuntahan kayo dito para sana tanungin pero isang madilim na bahay na naman ang sumalubong sa akin. Ni minsan ho ba, tinanong ninyo ako kung anong naramdaman ko no'n?"

"Hindi! Noong gabi na iyon! Wala na akong ibang maisip kun'di kunin ang sarili kong buhay. Gusto ko na lang patayin yung sarili ko para lang matapos na ang paghihirap ko! Baka sakaling mapansin ninyo ako, pero hindi ko tinuloy dahil kayo pa din ang inisip ko! Ayokong mapahiya kayo sa mga kaibigan ninyo! Iilang suicide letter ang sinulat ko dahil pagod na pagod na ako... tapos sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi na lang ang naririnig ko sa inyo ay nag iinarte ako? Nagdadrama? Hindi ho ako nag iinarte, hindi ho ako nag dadrama! Napapagod at nasaktan ho ako..."

"Itong isip ko?! Pilit pinapasok ng demonyo para lang bulungan akong patayin ang sarili ko dahil wala naman kayong pakialam sa akin. At iyong sinasabi ninyong simbahan? Sila ho ang nagturo sa akin para hindi ituloy lahat ng balak ko! Isa ho sila sa ginawang instrumento para magkaroon ako ng kahit paano peace of mind... lahat ng hindi ko nararamdaman na pagmamahal dito, doon ko ho nakuha! Pagkakaroon ng pamilya na tanggap ako kahit maging sino pa ako, kahit wala akong award o talent, tanggap nila ako! Nagkaroon ako ng kaibigan na hindi ako hinuhusgahan... tapos pahihintuin ninyo pa ako doon... sana naman ho kahit eto na lang, pagbigyan ninyo na ako maging masaya... "

Halos habulin ko ang hinga ko matapos kong magsalita sa kanila. Ngayon lang ako naglabas ng hinaing at sakit ng puso...

Gusto kong maramdaman nila yung pinag dadaanan ko... gusto kong iparating kahit ngayon lang...

Hindi ko naringan sila Papa at Mama na sumagot. Nakatingin lang sa akin si Papa habang nagpupunas ako ng luha, si Mama naman ay nakatingin lang sa ibang direksyon... hindi ko alam kung anong iniisip nila.

Hindi naman ako umaasa na makarinig ng kahit anong sagot sa kanila, kilala ko ang mga magulang ko na mas mataas pa ang pride kaya hindi sila mag sasalita o hihingi ng tawad.

Nang kahit paano ay nakarecover na ako sa pag iyak at pag habol ng hinga ko ay muli akong nag salita.

"Pasensya na ho kung sumigaw ako... aalis na po ako," saad ko at lumabas na ng bahay.

Umiiyak pa din akong lumabas at naglakad papuntang park dahil doon kami mag kikita ni Patrice para sabay na pumunta ng small group.

🌻🌻🌻🌻🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top