Chapter 14

KESHA

"HEY! I'm really glad you're here today!" masiglang bungad ni Ate Cloe nang makapasok kami ni Patrice sa isang hindi gaano kalahikang building na tinatawag nilang simbahan.

Agad kaming sinalubong nito matapos namin mag sulat sa sinasabing registration at binigyan kami ng isang sticker na may pangalan namin.

Isang tipid na ngiti lamang ang sinagot ko dito dahil hindi ko naman alam ang inaasal ko.

"Ate, pwede pasama muna kay Kesha sa upuan? Punta lang ako sa production area," usal ni Patrice na agad kong ikinalingon.

Iiwan niya ako?

"Ay oo nga pala! Sige sige, ako na bahala kay Kesha, do your thing, Patty!" masiglang pagsang ayon naman ni Ate Cloe.

Hinarap naman ako ni Patrice at ngumiti.

"Si Ate Cloe muna bahala sa iyo ha... may gagawin lang ako na importante after noon, balikan kita," paalam nito sa akin.

Tumango lang naman ako at ngumiti sa kan'ya dahil sa sinabi niyang importante daw ang gagawin niya kaya naman nakakahiya kung aarte pa ako.

Muli itong nagpaalam sa amin ni Ate Cloe bago umalis sa tabi namin.

Si Ate Cloe naman ay inaya ako sa mga upuan kung saan marami na ding nakaupo at nag-uusap.

Muli akong nakaramdam ng kakaiba ngunit mabilis na nawawala iyon dahil biglang nagsalita si Ate Cloe.

"Kesha, if you need something sabihin mo lang ha... busy kasi talaga iyon si Patring pag may event dahil isa siya sa director ng event dito sa church pero 'pag okay na iyon, babalikan ka no'n. Iba pa din kasi talaga pag komportable ka sa kasama mo, 'no?" saad nito nang makaupo kami.

Nahiya naman ako dahil kinakausap niya ako— puro tango at pagngiti lang ang sinasagot ko sa kan'ya.

"Pasensya na po," saad ko sabay yuko.

"Uy! Okay lang. Naiintindihan ko naman, gusto mo pakilala kita sa mga kaibigan pa namin dito? Para maging komportable ka ng kaunti, marami kaming friends dito," masigla nitong saad sabay tapik sa balikat ko kaya napa-angat ang ulo ko dito.

May ngiti ito sa labi na parang katulad ng kay Patrice, isang ngiti na parang walang problema at kung magkaproblema man ay makakaya nila...

Bakit sila nakakangiti ng ganyan? Paano?

Paano ngumiti na nakakahawa sa iba? Gusto kong maiyak sa paraan ng pag ngiti nito sa akin... sa paraan kung paano niya ako i-comfort.

Hindi pa man ako nakakasagot nang may lumapit na sa aming mga babae at lalaki kaya sabay kaming napalingon ni Ate Cloe doon.

"Uy! Cloeta, ano ginagawa mo diyan?" saad ng isang lalaki na inaabot ang kamay kay Ate Cloe.

"Uy sakto! May ipapakilala ako sa inyo!" masayang saad ni Ate Cloe sabay tingin, "guys! Si Kesha, friend namin ni Patrice, kasama namin siya kahapon. Originally childhood friend siya ni Patring pero ngayon friend ko na rin siya," pakilala nito sa akin sa mga bagong dating na katulad nila ni Patrice ay may mga ngiting nagliliwanag.

Isa-isa ako nila akong kinamayan at nagpakilala sa akin.

Hindi ko alam pero may kung ano sa mga labi ko na kusang ngumiti nang kwentuhan nila ako ng iba't-ibang mga experience nila. Para silang hindi nauubusan ng kwento.

May kung ano sa puso kong natutuwa, lahat ng kalituhan at pagtatanong sa isip ko ay panandaliang naglalaho ng mga oras ito.

Ibang-iba sa lagi kong nararamdaman na; napag iiwanan, laging hindi kasali at laging walang kausap.

Pinaparamdam talaga nila sa akin na may puwang ako sa grupo nila kahit pa hindi ko naiintindihan ang pinag uusapan nila, hindi naman nila iyon pinaparamdam sa akin.

"So Kesha, kami muna kasama mo ha! Madami na kami at wag kang mahihiya sa amin dahil friends na din tayo simula ngayon," saad ng isa sa mga babaeng kanina lang ay kausap namin.

Nakangiti akong tumango sa kan'ya, nakaupo na sila ngayon sa tabi namin ni Ate Cloe habang pakikipagkwentuhan.

"Hoy! Wag ninyong guluhin si Kesha ha! Hindi iyan maingay katulad ninyo!"

Napalingon kaming lahat kay Patrice nang magsalita ito.

"Hoy Patring! Anong ginagawa mo dito! Doon ka sa production, hindi ka belong dito," saad ng isang lalaki.

Agad naman nawala ang ngiti ko nang biglang may naalala ako sa sinabi niya.

'Sa totoo lang, Kesha! Ayaw ko naman talagang maging kaibigan ka! Kahit kailan hindi ka magiging belong sa grupo namin, because you are stupid and outcast! Kahit ang pamilya mo ay hindi ka itinuturing na pamilya kun'di isang malaking pagkakamali!'

Agad kong naipilig ang ulo ko sa naisip ko.

Paano kung kaya lang naman nila ako kinakausap ay dahil kaibigan ako ni Patrice? Hindi talaga nila ako itinuturing na kaibigan.

Biglang bumalik ang kaguluhan sa isip ko at kalituan. Parang muling kinakain at hinahalukay ang kalamnan ko sa kaisipan na iyon.

Gusto ko mang alisin sa isipan ko ngunit hindi ko magawa dahil hindi ganon kadali...

"Kesh, okay ka lang?" Napalingon ako kay Ate Cloe na mukhang nag aalala sa akin dahil sa pag iling-iling ko.

Napatingin din ako kay Patrice na nakatingin pala sa akin pati na ang iba na mukhang nag aalala.

Mukha siguro akong tanga sa ginagawa kong pag iling kaya nakatingin sila sa akin.

Baka totoo nga yung sinasabi nila Ella na weirdo ako.

Pilit akong ngumiti dito pati na sa iba at marahan na tumango.

"Opo, okay lang ako. May naisip lang po," saad ko at muling itinuon ang pansin sa kanila.

Hindi ko na magawang tumawa ulit o ngumiti ng walang pag aalinlangan kagaya ng kanina. Hindi na rin ako komportable at panay na din ang laro ko sa daliri ko na parang kinakabahan ako dahil alam kong sa mga susunod, hindi na nila ako kakausapin katulad nang ginawa nila Ella sa akin.

Kinuha lang ang loob ko, ginawang utusan tapos ay iniwan at nilait.

Nag umpisa ang program na hindi na ako inaalisan nila Ate Cloe, hindi ko naman na nakita si Patrice siguro ay nandoon siya sa sinasabi nilang Production Area dahil napag alaman ko na siya pala ay director ng event na ito.

Habang kantahan ay nakikipalakpak ako katulad ng mga kasama ko.

Nakangiti ako katulad nila pero hindi lingid sa isip ko na may kung ano na naman tumatakbo sa akin.

Hanggang sa may isang kanta ang napukaw ang isip at puso ko. Kantang tagos na tagos sa akin. Isang kantang hindi ko sinasadyang nagpaluha sa akin.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa akin na alam kong hindi naman napapansin ng mga kasama ko dahil sila ay nakapikit at taimtim na kumakanta.

'I run to the father? Sinong father? Paano ako tatakbo sa sarili kong ama kung ayaw nito sa akin... sinong father ang tinutukoy ng kanta?'

Patuloy na tanong ko sa sarili ko habang nakayuko at pilit pinipigil ang iyak ko..

'kanino ko ipapasa ang bigat na nararamdaman ko, ang mga kalituhan at tanong sa isip ko kung hindi ko alam kung sinong lalapitan ko..'

Hanggang sa natapos ang kantahan at muli kaming naupo patuloy pa din na tumatakbo sa isip ko ang lyrics ng kanta na iyon..

"Kesha, okay ka lang?" tanong ni Ate Cloe.

Agad ko itong nilingon at ngumiti sa kan'ya.

"Opo... nadala lang po ako sa kanta... ang ganda po," saad ko at muling tumingin sa harapan.

May nakita akong mga tao na naghahanda at parang naglalagay ng mga gamit doon.

Drama pala ang ginawa nila at hindi ko alam kung ako lang ba pero nakikita ko ang sarili ko sa kwento.

Hindi tanggap dahil sa mababang grado, hindi kinakausap at natutukso ng mga kaklase dahil sa kahinaan ng utak.. walang oras ang pamilya at hindi paborito ng lahat..

Ang sakit na ng lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ng iyak ko dahil ramdam ko yung sakit ng dalagang umaarte bilang bida sa drama na ginagawa nila.

Hanggang sa nakatagpo ito ng isang tao na hindi niya kilala nang muntikan na siyang magtangkang bawian ang buhay niya ngunit nakita siya nito at tinulungan siya. Itinuring na pamilya at kaibigan..

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko matapos ang pagtatanghal na ginawa.. bakit pakiramdam ko para sa akin ang ginawa nila?

Bakit ba ako nandito? Sino ba ang talagang makikilala kong totoong kaibigan na sinasabi nila? Sino ang ama na sinasabi nila? Kaya nga ba akong tulungan ng ama o kaibigan na iyon?

Makakangiti din ba ako katulad ng dalagang umarte kanina matapos nitong matagpuan ang sinasabing totoong kaibigan at ama na tumanggap sa kan'ya ng buong buo?

🌻🌻🌻🌻🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top