Chapter Three
"Ibaba mo na lang ako sa condo ko," matipid nitong tugon. Pagkatapos no'n ay muli nitong binalik ang tingin sa daan at hindi na siya pinansin buong biyahe.
Ilang minuto pa ang tinagal niya sa pagmamaneho at hindi na nakapagpigil si Moses na magtanong. "Okay ka lang, Madam?" May halo nang pag-aalala ang tono ng boses niya. Hindi ito nagsalita subalit tinango na lamang ang ulo na alam niyang walang katotohanan.
Magsasalita na sana siyang muli nang maunahan siya ni Victoria. "No, Moses, hindi mo na kailangan magbigay ng pep talk kung bakit kailangan maglabas din ako ng emosyon paminsan-minsan."
"Naiinis ka na ba sa mga pagano'n ko?" Tinapunan niya ito ng tingin mula sa rearview mirror. "Sorry, hindi na kasi ako sanay na parang walang kang pakialam sa mga nangyayari sa paligid mo." Mahina siyang natawa. "Ang akala ko na nga ay nagkipag-mata sa mata ka kay Medusa kaya nga lang, puso niyo lang po ang naging bato."
"Ilang oras pa ba bago tayo makarating doon? May kailangan akong kunin at hindi na ako makakapaghintay pa."
Natahimik tuloy si Moses sa pagtataray sa kaniya ni Victoria. Bakit nga ba siya sumusubok na makipagbiruan dito, eh, alam naman niya na hindi sila nito kagaya ng dati. Napailing-iling na lang siya at mas binilisan ang pagmamaneho hanggang sa tumigil sila sa harap ng malaking establisyemento.
"Hanggang dito na lang ako. 'Wag mo na akong hintayin, mayroon akong car diyan," wika pa nito bago nagmamadaling lumabas ng sasakyan. Pinanood niya ang eleganteng tindig nito habang naglalakad. Nakakuyom ang kamao at maririin ang bawat hakbang. Ang lakad na tila ba... galit?
Nais pa sanang patagalin ni Moses ang pagmamasid sa lakad ni Victoria ngunit naagaw ng atensyon niya ang pagtunog ng cellphone. Si Viktorina na naman 'yon at mukhang may kailangan sa kaniya. Mabilis niyang sinagot ang tawag.
"Kailangan kita rito, Moses. Pakibilisan," utos pa nito. Hindi na gaano nanginginig ang boses nito. Mukhang humupa na rin ang katindihan ng pagluksa nito. Hindi naman na sinagot ni Moses ang sinabi nito at mabilis na pinatay ang tawag at saka nagmaneho paalis.
Naabutan niya si Viktorina na nakatanaw lamang sa labas ng mortuary ng ospital. Nakasuksok sa bulsa ang dalawang kamay ni Moses na nilapitan ang ginang. Bibig niya ito ng marespeto na tango na tila ba sinasabi rito na siya'y nakikiramay. Tinanggap naman nito iyon sa maliit na pagngiti.
"May iiutos ako sa 'yo," paninimula pa nito. Nag-angat naman siya ng tingin. "Ang pagkamatay ng asawa ko... hindi ako sigurado kung maniniwala ako sa mga pulis na aksidente lang talaga ang mga pangyayari." Nangunot ang noo ni Moses. "I know, paranoid na nga siguro ako pero kagaya nga nang pinaniniwalaan ng pamilyang ito, mas mabuti nang maingat."
"Pero Ma'am—"
"Hindi ako naniniwalang nawalan ng preno ang sasakyan ni Rio, Moses. Kilala ko siya, kilala ko ang asawa ko at mahigpit sa kaniya ang seguridad. Araw-araw lagi niyang tini-tsek ang ayos ng mga bagay na kailangan niyang gamitin at kasama na ang sasakyan doon. Kaya nakakapagtaka na sasabihin nilang nawalan ng preno kahit pa kahapon lang ay nagamit niya iyon?"
"Failure lang siguro 'yon, Ma'am? Nasabi na nga rin po nila na hindi naman gaano ka-rare ang mga ganitong insidente," paliwanag pa ni Moses.
Ayaw man niyang pagmukhaing nababaliw na ang matanda, kasama pa rin naman sa trabaho ang maayos na seguridad nito at kasama na rin doon ang pagtatatag ng kalusugan nito sa isip at katawan.
"Kung hindi ka lang talaga anak ni Isaiah ay hindi kita pagkakatiwalaan." Naiiling-iling pa ito. "Sa akin ka na nagtatrabaho, patay na ang dati mong amo at ako na ngayon ang bago. Puntahan mo si Victoria, sabihin mo sa kaniya na pinadala kita para bantayan. Siya ang magmamana ng ariang iniwan ni Rio kaya kung 'yon man ang pakay ng taong may pakana nito, ay siya naman ang mapupuruhan."
"Ma'am..." naiusal niya.
"Si Paeng na ang bahala sa akin. Kay Victoria ka na lang mag-focus. Wala pala akong tiwala sa tito niyang si Pantaleon, watch out from him too, Moses. 'Wag mong hayaang makalapit ang demonyong 'yon sa anak ko," bilin pa nito na tinanguan niya.
Hindi pa sana hahakbang si Moses nang bigyan siya nang mariin na tingin ni Viktorina. Walang lingon-likod tuloy siyang nagmadali pabalik sa building ni Victoria.
Natigil lang ang paghakbang niya nang makita si Victoria sa hallway ng condo nito at mukhang may kausap. Magiliw ang ngiti at hindi mahahalata rito na namatayan lang ng ama. Nakipagkamay ito sa lalaki at pinasalamatan. Ang mga sumunod na salitang lumabas sa bibig nito ang nagpalamig ng likod ni Moses at nagpapako ng kaniyang mga paa sa kinatatayuan.
"Thank you, Attorney Rodriguez."
Attorney Rodriguez.
Attorney Rodriguez?
Pamilyar sa kaniya ang pangalan hanggang sa mapagtanto niya ang dahilan kung bakit pamilyar sa kaniya ang pangalan na 'yon. Pero bakit nga ba kausap ni Victoria ang family lawyer gayong kamamatay lamang ng ama nito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top