Chapter Four
IRITA si Victoria na nakatingin sa labas ng kaniyang opisina sa Palmon Hotel. Paano ay nakabantay na naman doon si Moses dahil inutusan ito ng kaniyang ina na na paranoid na at kung ano-ano naman na ang iniisip. Inikot niya ang mata at sinubukang ituon ang atensyon sa ginagawa.
Nakakalat sa kaniyang lamesa ang portfolio ng bawat tao sa board. Nasa kaliwa ang dalawang umaayaw sa kaniya at nasa kanan naman ang mga taong sigurado siyang walang motibo at hindi susubok na banggain siya. Apat na ang nasa kanan at nag-iisa na lang ang taong hindi niya pa napagdesisyunan. Si Pantelino Burgoz Noel.
Si Lino.
Nagkakilala sila nito noon sa kaarawan niya, ito ang naging last dance niya sa eighteen roses. Ang ama niya kasi ang nag-imbita at nagdesisyon kung sino ang mga dapat na dadalo. Twenty-three na ito noong nagsayaw sila. Limang taon ang tanda sa kaniya kaya naman ngayong twenty-eight na siya, thirty-three na ang edad nito.
Mabait si Lino. 'Yon ang una niyang impresyon dito noong una silang nagkausap sa gitna ng pagsasayaw. Ang hindi lang sigurado ni Victoria ay kung inutusan itong maging mabait o sadya lang talaga itong mabait sa kaniya. Hinuha niya nga ay ang naunang option ang tama dahil matapos ng kanilang sayaw ay bumalik ito sa pagiging misteryoso at halos nagyeyelong katauhan.
Nagkaroon siya ng atraksyon sa binata pagkatapos ng gabing 'yon. Nagustuhan niya kasi na hindi ito mahilig mag-ingay at tahimik lang na nakamasid sa paligid. Ito pa nga ang nilalaman ng panaginip niya. 'Yon bang klase ng mga young adult fantasy stories na kung saan ang storya ay hindi mabait ang lalaki sa ibang tao ngunit sa kaniya lang. Sa bida ng storya. Ganoon ang mga naging laman ng hinahangad ni Victoria.
Ngunit alam naman niyang hindi na mangyayari 'yon. Hindi na kasi sila nagkitang muli sa pagkatapos ng kaniyang kaarawan. Hanggang sa makatapos na siya ng pag-aaral at naghawak na ng mga kompanya. Noong pagpupulong na lamang ng mga lupon ng eksklusibong namamahala sa Palmon Hotels sila nagkita ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.
Kaya ngayon ay hindi siya makapag-desisyon kung pagkakatiwalaan niya ba ito o pababantayan. Isa ito sa may pinakamalaking share sa hotel at maaari nitong bilhin ang shares ng pamilya nila kung sakali.
Napabuntong-hininga si Victoria sa inis. Minsan na nga lang siya magkaroon ng atraksyon na ganito katindi ay hindi pa magawang ibalik ng taong kinagugustuhan niya ang nais. Tatayo na sana si Victoria para kumuha ng kaniyang tanghalian nang may kumatok sa kaniyang pintuan at bigla na lang bumukas.
Rude. Aniya sa isip.
Iniluwal no'n si Moses na may dala-dalang tray at nakapatong doon ang mga pinggan at baso na sa tingin niya ay soda ang laman. Pepsi. Ang kaniyang paboritong soda drink noong bata pa siya.
Nginitian siya ni Moses at saka nilapag ang tray sa lamesa na nasa living room. Pinanood niya itong ilapag iyon saka lumapit sa kaniya.
"Baka nagugutom ka na, pork steak ang nakahanda doon sa cafeteria. Hindi ka naman allergic sa meat o mga ingredients nito." Lumapad pa ang ngiti nito. "Ako ang kumuha niyan mismo sa pinaglutuan, tinikman ko muna kung masarap kaya 'wag kang mag-alala sa lasa niyan."
"Tinikman mo muna kung masarap?" Mahina siyang natawa pero hindi maririnig doon ang pagiging masaya. "Lame excuse," sabi pa niya. "No one's trying to kill me, Moses. Hindi mo kailangang gawin lahat ng ito dahil paranoid lang si Mommy because she's still in state of shock. Give her time, assist her. Hindi 'yong ginugugol mo ang oras sa akin na kaya ko namang depensahan ang sarili ko."
"Trabaho kong sumunod sa utos ng amo ko, Madam Victoria."
Napatapik ng noo si Victoria. Kunwari pang tila may naalalang bagay. "Nakalimutan ko nga pala, you're the favorite little loyal dog," may pangungutya sa tono ng boses niyang sabi. Pilit siyang ngumiti rito. "Good boy na good boy ka nga pala, ano? Moses." gamit ang daliri ay inangat niya ang baba nito. "Sa akin kaya, kailan ka magiging good boy?"
Natigilan si Moses sa narinig. Kitang-kita ng dalawang mata ni Victoria kung paano ito napako sa kinatatayuan at tila ba mayroong pumipigil ditong makahinga. Mahina siyang natawa sa epekto niya rito. Itong laro talaga ang gustong-gusto niyang laruin kasama ito. Mang-aasar siya, pipigilan naman ni Moses ang sarili para bawian.
Ingat na ingat kasi ang lalaki sa kaniya. Trying hard magpakabait sa harap ng kaniyang mga magulang, aakalaing walang ginawang kabalastugan noong labing-dalawang taon na ang nakakaraan. Noong gabing 'yon. Mapait siyang napangiti nang maalala ang pangyayari noon. Pangyayari na nagpalayo sa kaniya mula rito, ang bagay na hindi niya makalimutan kahit pa anong pagwaksi sa kaniyang isipan.
Nag-iwas siya ng tingin dito. Binaba na niya ang kamay ngunit hinuli ito ni Moses at malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin, Madam Victoria?" malalim ang boses nitong tanong, hindi iniiwan ang mga mata nito sa kaniya. Nang hindi siya sumagot ay mas humigpit pa ang hawak nito sa kaniya at hinila siya papalapit.
Walang ingay na napasinghap si Victoria sa biglaang paglapit ng kanilang mga katawan. Lumalim ang kaniyang paghinga at naging ebidensya ang mabibigat na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Ramdam niya ang init nito, ramdam niya ang init ng katawan ni Moses at wala siyang balak na lumayo mula sa masarap na sensasyong dinadala nito.
Bahagyang umawang ang labi nito. Saka na lang napansin ni Victoria ang malalim din nitong paghinga. May pagkapula ang pisngi at tainga. Good. Hindi lang pala siya ang tinatablan ng kung ano mang epekto ang pumupuno ng silid.
"Ma'am?" Mahinang napamura si Victoria nang marinig ang matikas nitong tinig. Tila ba nagtitimpi ang boses nito, parang may gusto itong iparating sa kaniya.
Hindi naman ito ang unang beses na narinig niya ang ganitong tinig ni Moses. Hindi rin ito ang unang beses na nagkaroon sila ng ganitong tagpo pero iba ngayon. Lumala yata ang dating pakiramdam nila kaysa noon. Muli, ay pumasok sa kaniyang isip ang gabi na 'yon. Isa-isang nanumbalik ang mga alaala sa kaniyang isip.
Nag-iwas siya ng tingin at lumayo mula sa init ng katawan nito. Kahit pa gaano kalala ang naging epekto nito sa kaniya, napag-aralan naman niya nang maayos ang self-control. Kahit pa gaano kabasa ang kaniyang kailaliman ay kilala niya pa rin si self-control.
Mabuti na lang ay bumukas ang pintuan. Naagaw no'n ng kanilang atensyon. Hindi agad rumehistro kay Victoria ang nakita. Nanliliit ang mga matang tinanaw niya ang taong kumatok at nagbukas ng pintuan.
Tama ba ang nakikita niya? Si Lino ay pumasok ng opisina niya na may ngiti sa labi?
(To read more, continue reading on Novelah)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top