CHAPTER 9
Napatigil si Jay sa pag-iisip nang marinig ang tunog ng kanyang telepono. Ang pangalan ni Rocky, ang isa niyang matagal ng kaibigan na madalas niyang kasama sa party bars, ang lumabas sa screen.
"Pre! What's up?" bungad ni Rocky mula sa kabilang linya, puno ng sigla at energy ang tinig nito. Mukhang may alok na naman. "Gabi na! Mag-night out tayo. Maaga pa, marami pang magagandang babae na pwedeng makilala. Tara na, mag-enjoy tayo! Hindi ba't 'yon ang gusto mo? Party all night long!"
Kilala ni Jay si Rocky na laging handa sa night outs at walang takot sa mga babae, samantalang siya, parang nawalan na ng gana sa trip nito. Matagal na niyang naririnig ang mga alok na ganito mula kay Rocky, pero sa pagdaan ng ilang linggo, lalo na ngayong nakakaramdam siya ng mga bagay na hindi kayang ipaliwanag, tila hindi na siya interesado. Parang hindi na masaya at nakapandidiri na ma-engage pa sa gano'ng mga bagay.
"Nah, hindi ko kaya ngayon. May mga kailangan pa akong tapusin, eh. Lalo na't kailangan kong magseryoso sa trabaho," mariin na pagtanggi ni Jay, at hindi tinatago ang pag-ayaw sa tono ng kanyang boses.
"Seriously? Hindi ka ba magpa-party kahit saglit lang? Tara na, baka magbago ang mood mo," sabi ni Rocky, medyo hindi makapaniwala. "Alam mo namang walang masama sa pagpapalipas oras. Minsan lang ito, bro. Huwag mong gawing boring ang buhay mo."
Pinigilan ni Jay ang sarili na mag-react sa hindi magandang approach. Alam niyang matagal na nilang pareho itong ginagawa—mga gabi ng kaligayahan at walang pakialam sa mundo. Pero hindi na niya kayang dayain ang sarili na hindi na para sa kanya ang gano'ng bagay.
"Hindi ko lang kayang maglasing tonight," sagot ni Jay, pilit nililihis ang pag-iisip. "Kailangan ko rin mag-focus sa trabaho. Hindi ko kayang maging distracted."
"Bakit, may love life na ba? Hindi ba't ikaw 'yong tipo na hindi napipigilan?" patawa-tawang pakli ni Rocky at hinihintay ang sagot ni Jay.
Hindi kaagad sumagot si Jay. May mga bagay na ayaw niyang sabihin—lalo na ang kung anumang nararamdaman niya ngayon kay Marla.
"Hindi talaga pwede, pre," sagot niya pagkatapos ng ilang segundo.
Pansin ni Jay na hindi naging maingay si Rocky, na para bang naiintindihan nito ang kanyang sagot. "Okay. Kung gano'n, walang problema. Basta 'pag ready ka na, nandito lang ako."
Hindi na siya nagdalawang-isip na ibaba agad ang phone. Habang nakaupo sa sofa, naiisip niya kung ano na ang maliwanag sa kanya ngayon—ang yolo lifestyle, ang pagpapalipas oras sa mga party at mga babae, lahat ng 'yon ay pagsasayang ng oras at kahibangan. Hindi niya kayang magsaya sa mga bagay na wala namang koneksyon sa kung sino siya ngayon. Most importantly, ayaw niyang makipaghalubilo sa sinumang babae lalo na't natagpuan na niya kung sino ang gusto niyang makasama.
Kahit anong pilit niyang pagsaway sa nararamdaman, hindi niya pa rin maitatago ang totoo—na si Marla ang patuloy na tumatakbo sa kanyang isipan. Ang bawat hakbang na ginagawa niya ngayon, sa trabaho, sa buhay, ay dahil na kay Marla. Na-motivate talaga siya nito nang husto dahil gusto niyang patunayan na mas matatag na siya at karapat-dapat siya sa puso nito. Hindi siya sigurado kung anong mangyayari sa hinaharap, but now he remained firm with his life decision. Flirting with other women wasn't a good idea to conceal his feelings. Hindi niya kayang isipin na habang malinaw na sa kanya ang pagkagusto kay Marla, ay magagawa pa niyang sumiping sa kung sino na hindi man lang nagpabago ng prinsipyo niya sa buhay.
Hindi rin naiwasan ni Jay na mag-stalk muli sa social media ni Marla. Matagal na niyang gustong maghanap ng mga update tungkol dito, ngunit parang natatakot siyang makakita ng mga bagay na hindi niya kayang tanggapin. Sa wakas, nahanap niya ang Facebook profile nito. Wala namang kakaibang detalye, puro mga litrato ni Marla kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga professional na achievements ang naroon. Hindi niya masasabi na mayro'n itong tinatagong boyfriend.
Ngunit sa pagkakataong ito, napansin niyang mayroong option na "Add Friend." Wala siyang pag-aalinlangan at pinindot agad ito. Hindi nagtagal, lumitaw ang notification na in-accept na agad nito ang kanyang FR. Medyo may halong saya at kaba ang naramdaman niya dahil makikita na niya ang ibang posts nito na naka-friends only lang. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito, pero ang simpleng pag-accept sa kanya ni Marla ay nagbigay sa kanya ng konting pag-asa. He could assume that slowly, Marla learned to be civil towards him even outside work, na pwede rin naman pala silang magkaroon ng ugnayan.
"Ngayon, pwede na akong mag-chat," naisip niya. Walang plano si Jay na magpakita ng sobrang interes, pero gusto niyang iparating kay Marla na may mga bagay siyang nais linawin sa trabaho, at sa parehong pagkakataon, ipakita na seryoso siya sa kanyang career. Kailangan niyang magmukhang may pangarap—isang magandang dahilan para mag-reach out at magkaroon ng pagkakataon na makipag-usap kay Marla nang hindi halata ang kanyang motibo na magpapansin at magpahaging ng damdamin.
Nang mag-send ng chat si Jay, medyo nagulat si Marla. "Hi," lang ang simpleng mensahe na agad niyang binuksan. Nag-react lang siya ng like emoji sa chat, at pagkatapos ay nagpatuloy siya sa ginagawa. Hindi siya agad nag-reply dahil hindi pa rin siya sigurado kung anong ibig sabihin ng biglaang friend request ni Jay sa Facebook.
"Istorbo pa sa ginagawa ko," iritadong pakli niya saka sumimsim ng kape.
Lumipas ang ilang minuto at nag-reply na si Jay. "Puwede ko bang malaman kung paano ako mas magiging close pa sa drivers at helpers? Hindi ko pa masyadong kabisado 'yung sistema nila."
Tinutukan ni Marla ang cellphone, nag-iisip muna siya nang mabuti kung ano ang dapat sabihin. Hindi naman masama ang magbigay ng ilang tips, ngunit sa tone ni Jay, tila may halong pagpapakita ito ng kahinahunan—isang bagay na hindi pa niya sanay makita rito. Knowing Jay, he's a stubborn one, and probably the most annoying. Pero kung mag-rely ito ng concern, parang ibang tao na kaagad. Ang bilis naman nitong magbago. Sana hindi iyon pagpapakitang tao lang.
"Mas mabuti kung maglaan ka ng oras na makipag-usap sa kanila nang personal. Tanungin mo sila kung may mga bagay silang nararamdaman na kailangang baguhin. Mas mapapadali ang proseso kung magaan ang loob nila sa 'yo. Huwag mong gawing business lang, dapat may malasakit ka sa kanila. Saka dapat parang magtropa lang kayo sa paraan ng pag-uusap. Pwede ang jokes pero dapat nasa tamang lugar at hindi nakakabastos."
Pagkatapos ng ilang saglit, nag-reply si Jay. "Okay. Salamat, Ms. Marla."
Tinutok ni Marla ang mata sa upper screen ng kanyang phone, nang hindi inaasahan, isang following 'goodnight' message ang lumabas mula kay Jay.
"Goodnight, manang."
"Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang patunayan," bulong ni Marla sa sarili. Pero kahit anong isipin niya, hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit may kaunting pagkalito sa puso niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top