CHAPTER 8

Pagbukas ng pinto ni Jay, agad na bumungad kay Marla ang napakatapang na amoy ng sigarilyo. Napataas siya ng kilay at agad na tumayo mula sa kanyang desk.

"Jay?" Pabalagbag ang banggit niya sa pangalan nito habang hinahanap ang air freshener sa drawer. Nang makita ang hinahanap, agad siyang nag-spray sa buong opisina. "Bawal ang yosi rito. Hindi mo ba alam 'yon?"

Nagkibit-balikat si Jay at umupo sa kabilang desk. "Hindi ako nagyoyosi sa opisina, Ms. Francisco. Doon lang sa barracks. Sinabihan ako na pwede raw."

"Sa barracks, puwede. Pero hindi ibig sabihin na dadalhin mo ang amoy rito." Tumigil si Marla sa pag-spray pero hindi pa rin nawala ang iritasyon sa mukha niya. "Bakit nagyoyosi ka pa rin? Alam mo bang masama 'yan? Nakakabawas ng pogi points. Gumagawa ka lang ng paraan para mabawasan ang ilang taon mo sa mundo."

Napangisi si Jay at pilit binabalewala ang tono ng pagkadismaya ni Marla. "Wow, concerned ka pala sa pogi points ko. Akala ko pa naman, weak na bata pa rin ang tingin mo sa'kin."

Napairap si Marla. "Hindi ako concerned sa 'yo. Naiinis lang ako. Hindi bagay sa isang future CEO ang amoy usok ng sigarilyo, alam mo ba 'yon?"

Sumeryoso ang mukha ni Jay at bahagyang tumagilid sa upuan. "Marla."

"Ms. Marla," pagtatama nito at nakasimangot pa rin.

"Anong Ms? Hinayaan mo nga lang na tawagin kang Manang Marla kanina," pang-aasar pa ni Jay. "You seemed overreacting. Ang dami namang empleyado rito na nagyoyosi. Bakit ako lang ang pinapagalitan mo?"

Natigilan si Marla. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang tunay na dahilan ng kanyang inis. Ang totoo, personal na ang galit niya sa yosi. Ito lang naman ang naging bisyo kanyang tatay bago ito pumanaw sa sakit na nakuha lang din doon. Pero sa likod no'n, mas naiinis siya sa katotohanang hindi talaga perpekto ang lalaking ito. Mukha, kayamanan at hindi maikakailang alindog lang ang kaya nitong ipagmalaki pero pagdating sa substance at good personality, bagsak na ito, kung sakaling may standard talaga siya pagdating sa pagpili ng pwede niyang maging nobyo.

Pumikit siya sandali at huminga nang malalim bago tumingin ulit kay Jay. "Wala akong pakialam sa iba. Ikaw ang problema ko."

"Wow, personal na pala ito?" biro ni Jay, pilit na binabago ang tensyon sa pagitan nila. "Anong mayro'n sa'kin? Ganito na ba talaga ako ka-special? O baka gusto mo lang akong i-power trip?"

"Power tripping mo ang mukha mo. Hindi naman itataas ang sahod ko kung gagawin ko 'yan," iritableng sagot ni Marla. "Hindi ito tungkol sa 'special.' Tungkol na 'to sa prinsipyo. Ayokong nasasayang ang potensyal ng isang tao dahil lang sa bisyo. May kakilala ako na sobrang sipag, sobrang talino, pero nasira ang katawan dahil sa yosi at alak o sa anumang bisyo, ultimo sugal. Ayokong mangyari rin sa iba, lalo na sa mga taong nasa posisyon na may kakayahang magpabago ng buhay ng iba at ini-expect na maging mabuting example."

Sa tono ng boses ni Marla, naramdaman ni Jay na may pinaghuhugutan ito. Hindi na siya sumagot kaagad at hindi na niya nanaisin na mangatwiran. Sa halip, tumingin siya rito, sinisilip ang lungkot na nakatago sa likod ng matapang nitong awra..

"Manang Marla. I mean Ms. Marla," mahinang usal ni Jay. "Pasensya na. Hindi ko alam na ganyan pala ang nararamdaman mo. I promise, I'll be more careful next time."

Napahinto si Marla at tumingin kay Jay. Talagang nagulat siya sa biglang pagbabago ng tono nito. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o isa na namang joke. Pero sa pagkakataong iyon, parang may sinseridad siya na hindi niya naaninag noon.

"Sana nga, Jay. Kasi kung seryoso ka sa pagkuha ng respeto dito, hindi lang sa trabaho 'yon. Nasa disiplina rin at sa pag-handle ng empleyado. Matik lahat dapat 'yon," sagot ni Marla at mas kalmado na ang boses.

"Okay," sagot ni Jay, tumango at ngumiti nang bahagya. "Challenge accepted, manang."

Napatigil si Marla, hindi alam kung paano tatanggapin ang sagot na iyon. Pero kahit paano, naramdaman niyang may pagbabago sa binata—kahit katiting lamang. Napailing siya nang bahagya at bumalik sa desk niya. Hindi na rin niya sinaway si Jay sa pagtawag nito sa kanya bilang isang manang. Gano'n naman na talaga ang vibe niya, manang na manang. Hindi rin naman siya napipikon kapag tinatawag siyang gano'n sa garahe. Kaya niyang tanggapin ang joke, basta hindi binabastos ang pagkababae niya.

"Balik na sa trabaho. Hindi pa oras ng out. May isang oras pa," utos niya na parang bossy. Pero habang tahimik nilang ginagawa ang kani-kanilang tasks, napansin ni Marla si Jay na bahagyang nakangiti habang abala sa laptop nito. At kahit hindi niya gustuhin, hindi niya maiwasang ma-realize na hindi na pala ganoon katindi ang inis niya rito.

'Siguro nga kailangan ko lang siyang bigyan ng time para mas matuto pa.'

Nang matapos ang shift nila, sinadya ni Jay na hintayin si Marla sa parking area. Nang makita ito, nilapitan niya ito na may dalang dalawang cup ng kape.

"Peace offering," sabi niya, inabot ang isa kay Marla. "Para kay Manang Marla."

Tumaas ang kilay ni Marla, pero kinuha rin ang kape. "Ano na naman ang kapalit nito?"

"Wala. Gusto ko lang bumawi dahil baka naasar kita kanina at sa paninigarilyo ko."

"Sigurado ka? Wala kang ibang agenda?" tanong nito, pero may bahagyang biro sa tono.

Ngumiti si Jay. "Agenda? Wala pa sa ngayon, baka sa susunod mayro'n na."

Saglit silang natahimik habang nagkakape. Si Jay, lihim na nagpapasalamat dahil kahit paano, unti-unti niyang nakikita ang pinto papasok sa mundo ni Marla. At si Marla naman, tila nahuhuli ang sarili na sa kabila ng lahat, hindi pa rin niya lubusang ma-dismiss ang presensya ng lalaking minsan niyang itinuring na kaibigan.

Iniisip pa rin ni Jay ang mga sinabi ni Lola Carmen. Hindi niya mapigilang umasa, dahil alam niyang hindi gano'n kadali ang sitwasyon lalo na't kailangan na professional sila palagi kung makitungo sa isa't isang. Sa kabila ng mga banter at casual moments nila, alam niyang may pader na itinayo si Marla sa pagitan nila—isang pader na nag-ugat sa kanilang nakaraan. And now, he's more determined to break that wall in order for him to enter her world in the shortest way.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top