CHAPTER 7
Kinabukasan, maagang dumating si Marla sa opisina, ngunit halata kay Jay na tila may bumabagabag dito. Ang usual na composed at confident na si Marla ay mukhang pagod at mas tahimik kaysa dati. Bagamat gusto niyang kumustahin ito nang direkta, naisip niyang mas mabuting sundin muna ang plano niya—ang asarin ito gaya ng dati. Baka sakaling mabasag ang tension at mapansin siya ulit ni Marla.
"Good morning, Ms. Francisco," bati ni Jay na may bahagyang ngiti. "Mukhang hindi maganda ang gising natin ah. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi? Or masyado kang busy sa date mo habang absent ka?"
Tinaasan siya ng kilay ni Marla at sinuklian ng mahinang buntong-hininga. "Wala na sa job description mo ang pangingialam sa personal na buhay ng katrabaho, Mr. Guillermo," sagot nito, sabay deretso sa desk niya. Halata ang inis sa tono, pero hindi ito nawalan ng professional demeanor.
"Wow, maayos pa rin kahit masungit. Talagang idol kita, Ms. Marla," biro ni Jay habang pasimpleng nakangisi.
"Huwag mo nga akong bolahin. May report ka bang natapos, o gusto mo lang talaga akong abalahin? Saka anong ginawa mo kahapon habang wala ako?" sagot ni Marla habang nagbubukas ng laptop. Ngunit kahit ganoon ang sagot niya, may bahagyang ngiti sa labi niya, na hindi nakaligtas sa paningin ni Jay.
"Dinalaw ka sa inyo. Akala ko lang kasi, hindi ka na papasok dahil sa pag-iwas mo sa'kin," mapang-asar na pakli ni Jay. Sa puntong iyon, naging malinaw sa kanya na kahit mahirap basahin si Marla, hindi ito lubos na immune sa banter nila. Pero hindi niya sinadyang mapansin ang bahagyang lungkot sa mata nito. Bigla siyang nag-alinlangan kung dapat bang ipagpatuloy ang plano niya o kung dapat na lang maging seryoso at subukang tulungan ito.
"Actually," sagot ni Jay, biglang nag-shift sa mas seryosong approach. "Kung may kailangan ka, nandito lang ako. Sa trabaho o kahit ano pa. Alam kong hindi ako palaging perpekto sa logistics, pero hindi ako magiging pasaway."
Napatingin si Marla kay Jay, bahagyang nagulat sa pagbabago ng tono nito. "I appreciate that, Jay. Pero huwag kang masyadong mag-abala. Kaya ko ang sarili ko."
"Alam ko naman iyon," sagot niya. "Pero minsan, kahit ang mga pinakamalalakas, kailangan din ng pahinga, 'di ba?"
Napangiti si Marla, kahit pilit. "Ang dami mong sinasabi. Bumalik ka na sa trabaho."
"Pangatlong araw ko pa lang dito, hindi ko pa alam ang ibang gagawin. Ano ba 'yon? Hahayaan mo lang ako na mangapa nang mag-isa rito? Haven't you forgotten what Tito William told me? That you're my mentor?" mapanghamon ang tinig ni Jay. At this point, mukhang maganda na pairalin ang pang-aasar niya kay Marla para makuha ang atensyon nito.
"Gusto mong may gawin?" Ibinalik ni Marla ang tingin sa binata.
"Yes please?"
"Tara sa garahe."
Malayo layo rin ang nilakad nila papuntang garahe kung saan nakapila ang higit sa benteng forward trucks na wala pang byahe sa mga oras na 'yon. Hinihingal si Jay dahil sa paglalakad nila pero hindi siya pwedeng magreklamo.
"Gamit na gamit mo ang clipboard dito," sabi ni Marla kay Jay na nagpupunas ng pawis. Hindi nakalagpas sa pang-amoy niya ang pabango nitong banayad. At least, hindi gaya ng first day nito na amoy alak at mukhang kulang pa sa tulog. It seemed like Jay quickly learned his lesson. May naitulong din pala ang pagiging firm niya rito.
"So what am I going to do?" clueless na tanong ni Jay.
"Magpakilala ka sa drivers at pahinante. Kailangan maging pamilyar ka sa mga tao rito. Kailangan lagi mo silang kukuhaan ng updates. Kailangan mong kunin ang loob nila. Lalo na't sa kanila nakasalalay ang safety ng delivery. You have to take care of the people, Jay."
"I think I can't do that. Thinking of a good approach was hard for me. Baka awkward." Hindi talaga siya bukas sa ideya na kailangan niyang makipaghalubilo. Hindi naman sa minamaliit niya ang ibang empleyado sa field. Parang nabigla lamang siya sa ganitong pa-task ni Marla.
"Oo nga pala, hindi ba't binigyan ka na ni Sir William ng company phone? Ipagse-save mo ang numbers nila."
"Okay." Napakamot na lang ito sa ulo at sumunod kay Marla na talagang sinadya pa ang barracks sa garahe. Hindi ito nahihiya kahit siya lang ang babaeng naroon, which made Jay confused.
'Hindi ilag sa kalalakihan si Marla. Lagi siyang professional pero pagdating sa'kin, halos pandirihan na ako.'
"Kumusta kayo, sino 'yong mga wala pang tulog dyan?" bati ni Marla sa present drivers at truck helpers na mukha namang magaan ang loob nang makita siya.
"Ay si Marla pala ito, eh," wika ni Kuya Edgar, ang driver na nasa 50s na ang edad. Ipinagtaka ni Jay kung bakit hindi nila ina-address nang pormal si Marla. Na para bang hindi nila ito team leader.
"Ito po pala si Jay, pamangkin ni Sir William. Ako ang nagtuturo sa kanya dahil executive training niya ito bago maging candidate sa pagiging CEO."
"Wow, bigtime na pala ang Manang Marla namin. Nagti-training na ng mga sosyal," sabad naman ni Amboy, na truck helper at mukhang nasa bente anyos lang ang edad.
"Good morning po Sir Jay," bati ng iilan. Nakipagkamay si Jay sa mga ito at hindi na lang niya ipinahalata ang pagkaasiwa nang makitang may bahid pa ng grasa ang kamay ng ibang empleyado. He didn't expect that he would experience this. Pero ayaw naman niyang mapahiya si Marla at nakikita niya ang malasakit sa mga taong nasa paligid nito. Lalo lang niya itong nagugustuhan. Mahusay makisama si Marla at game din na makipagkulitan at magalang din ang mga pahinante at driver, alam nila na may limitasyon ang pagbibiro.
Ang unang task ni Jay ay ang pagch-check ng mga kailangan sa truck na ire-rely niya sa mga driver pati na rin ang maintenance problems ng mga ito. Nang tumagal tagal siya sa ginagawa, isang truck helper ang nag-alok sa kanya ng sigarilyo, bilang form of gratitude na rin sa maganda niyang pakikitungo.
"Sir, nagyoyosi ka ba?" Nakaabot na ang isang stick ng sigarilyo nito sa kanya.
Tumango si Jay pero hindi niya muna kinuha ang alok. "Pwede ba sa lugar na ito?"
"Oo naman boss. Barracks naman ito. Saka malayo naman sa flammable materials."
Napangiti lamang si Jay at kinuha ang sigarilyo. Nakailang stick din siya sa maghapon at malapit nang mag-uwian nang bumalik siya sa office nila ni Marla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top