CHAPTER 5
Jay was currently overthinking, habang nakaupo sa kanyang unit at nakatanaw sa skyscraper view. "Bakit siya nagpakasal? Bakit hindi niya sineryoso ang pag-amin ko sa kanya?"
Pero sa kabilang banda, hindi niya mapigilang ngumiti habang naaalala ang mukha ni Marla noong tanggihan nito ang alok niyang dinner. She's still the same Marla—stubborn, independent, and infuriatingly charming on her own ways. She's calm, and remained rational. Pero mas nakakatakot na siya ngayon. Kung ano man ang nararamdaman niya noon, hindi nawala. At sa pagkakataong ito, hindi na siya teenager na kayang i-dismiss lang basta-basta.
'Pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging kabit! That would be a shame!'
Kinabukasan, maagang pumasok si Jay sa trabaho, at mas presentable na siyang tingnan kaysa sa nakaraang araw. Mas nagmukha siyang gwapo. Nakasuot siya ng simpleng collared T shirt, na bahagyang nakabukas ang itaas na butones, sapat lang para magmukhang relaxed pero professional. Sinabayan pa ito ng malinis na haircut at pabangong hindi masyadong overpowering. Ngunit pagdating niya sa dispatch area, walang Marla na sumalubong sa kanya. Wala ang dahilan ng pagpapa-impress niyang ito.
"Good morning. Nasaan si Ms. Marla?" tanong niya sa isang staff na naghahanda ng reports.
"Sir, wala po siya ngayon. Nag-leave yata. Baka kay Sir Sandy or Sir William lang nagpaalam."
"Leave? Ni hindi man lang nagpasabi kahapon." Kunwari'y naiinis siya, pero sa totoo lang, may bahid ng pag-aalala ang naramdaman niya. Kaya dumiretso siya sa HR office para magtanong, hindi lang sa kalagayan nito—pati na rin sa home address nito.
Medyo nag-alangan ang HR, pero dahil executive-in-trainee si Jay, binigay na rin nito sa kanya ang address. Agad siyang sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa address ni Marla.
Pagdating niya sa isang simpleng bahay, huminga siya nang malalim bago kumatok. Ilang saglit lang, bumukas ito at bumungad si Lola Carmen. Halatang nagulat ito nang makita siya, pero agad din pala siyang namukhaan.
"Ikaw ba si Jay? Iyong batang Guillermo?" tanong nito, habang inaayos ang salamin. Bakas din ang tuwa sa boses nito habang kinikilala kung sino siya.
Nagulat si Jay na naalala siya ni Lola Carmen. "Opo, ako nga po. Andito po ba nakatira si Marla?"
Ngumiti ang matanda, pero umiling. "Wala siya rito. May nilakad siya kaninang umaga. Pero teka, pumasok ka muna. Ang tagal ko nang hindi nakikita ang isa sa mga Guillermo."
Medyo nahiya si Jay, pero pinaunlakan niya ang alok ni Lola Carmen. Habang naghahanda naman si Lola Carmen ng malamig na inumin para sa kanya, hindi maiwasan ni Jay na mapatingin sa mga litrato sa dingding. May mga larawan ni Marla noong mas bata pa ito, kasama ang pamilya nito. Sa bawat litrato, parehong ekspresyon ang nakikita niya kay Marla—isang alanganin pero malambing na ngiti. Nakaagaw lang ng pansin niya ang isang malaking picture na may kasamang batang lalaki. Baka iyon na rin ang batang tinutukoy ni Mang Nestor.
"Napadalaw ka ba talaga kay Marla, o may iba kang pakay?" tanong bigla ni Lola Carmen, habang inilapag ang baso ng tubig sa harap ni Jay. Lihim siyang nagdiriwang dahil ina-assume niya na baka may something si Jay sa kanyang apo.
Medyo nagulat si Jay, pero nagbawi naman siya ng ngiti. "Gusto ko lang po sanang malaman kung okay siya. Napansin ko po kasi na hindi siya pumasok ngayon. Siya po kasi ang nagtuturo sa'kin sa work, pero dahil wala siya, medyo nahihirapan ako."
Tumaas ang kilay ni Lola Carmen, parang nagpipigil ng ngiti at bahagyang napaisip.. "So, ikaw pala ang bagong tinutukoy ng apo ko na tinuturuan daw niya kaya siya late na nakauwi. Hindi man lang niya binanggit."
"Opo. Ako nga po. Wala po bang naikwento si Marla tungkol sa'kin? Like, mga reklamo?" His curiosity sparked.
"Wala naman. Gano'n pa rin, may tinatapos lang daw sa opisina. Pero sobrang pagod siya kagabi. Parang may iniisip na hindi maganda sa trabaho," paglalahad ni Lola Carmen. Kaya bahagyang nakaramdam ng pagkakonsensiya si Jay. Baka siya talaga ang dahilan at ang pagti-training niya sa logistics kahapon ang lalong nagdulot kay Marla ng kapaguran.
Habang tumatagal ang pag-uusap, napansin ni Jay na mukhang nakikipag-close na si Lola Carmen sa kanya, which seemed to be a good step, dati kasi ay hindi niya ito nakakausap nang gano'n sa mansyon, dahil na rin sa paglilimita ng mga magulang nila na kausapin nang kaswal ang mga empleyadong mas matanda sa kanila na para na nilang magulang. Pero ang totoo, mas gusto niyang makita si Marla at malaman kung ano ang nangyari. Hindi mapigilang maglaro sa isip niya ang mga posibilidad—baka may problema ito kaya hindi pumasok, o baka sinusubukan lang nitong umiwas sa kanya.
"Kung babalik po si Marla mamaya, puwede po bang sabihin ninyo na pumunta ako?" tanong niya bago tumayo upang magpaalam.
Ngumiti si Lola Carmen at tumango. "Oo naman. Pero Jay, tandaan mo, mas matigas ang ulo ng apo ko kaysa noong mas bata pa kayo. Kung gusto mo siyang lapitan ulit, siguruhin mong handa ka sa anumang hamon. Mas mahirap na siyang magpakuha ngayon."
Pinamulahan ng pisngi si Jay. There's something subtle with Lola Carmen. Parang may alam ito na akala niya'y hindi nito malalaman.
"Lola, ano pong ibig n'yong sabihin?" he asked just to make sure.
"Niligawan mo ang apo ko, hindi ba? Kasi nakikita ko ang lihim mong paglapit sa kanya at pagbibigay ng kung anu-anong regalo tuwing nando'n siya sa mansyon ninyo," masayang pagbubunyag ni Lola Carmen. "Naguguluhan lang ako, kasi ang daming babae dyan, pero ang apo ko na mas matanda pa sa'yo ang pinili mo."
"Nagustuhan ko po kung paano siya magpakatotoo sa kung sino talaga siya. Noong nalulunod po ako sa kadiliman, after na maeskandalo ang pamilya namin at nagbabangayan ang parents ko, si Marla po ang kauna-unahang tao na nagpagaan sa damdamin ko. Noong medyo depressing ang sitwasyon dahil sa nangyayari sa paligid ko, nakita ko si Marla na pumasok sa kwarto na ayaw kong lisanin. She hugged me and told me that she's willing to listen and will do everything to cheer me up. Nagkwento siya ng mga nakakatawang bagay na nababasa niya raw noon sa libro," Jay recounted. Kaya tumindi ang paghanga niya noon kay Marla, dahil ito lang ang taong nagpakita sa kanya ng sinserong malasakit.
"Eh, ngayon ba, may gusto ka pa rin sa apo ko?"
Hindi agad nakasagot si Jay. Parang biglang nawalan siya ng lakas ng loob na aminin ang retained admiration niya para kay Marla. Syempre, kaharap niya ang lola nito at nakaramdam siya ng takot.
"Alam kong hindi na. Siyempre mas magaganda ang mga babae sa France," biglang hirit ni Lola Carmen, kaya napangiti na lang nang alanganin si Jay.
"Siya nga po pala, may asawa na po ba si Marla? Saka anak po ba niya 'yong batang kasama niya sa picture?" bigla niyang naitanong. It's now or never, kailangan na niyang malaman ang totoo para malaman niya kung may dapat pa ba siyang panghawakan.
"Wala. Malapit na nga akong maghanap ng lalaking para sa kanya, eh. Iyong bata, pamangkin niya 'yan, apo ko rin," masayang pagbubunyag ni Lola Carmen.
Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. That's good news as of now, more than about the better economy. "Pero bakit po gano'n? Bakit hindi siya nag-aasawa pa?"
"Naka-focus daw siya sa'min eh basta ako, hindi ko naman siya inoobligang manatili sa'kin habambuhay. May mga problema lang kaming inaayos lalo na sa pinansyal pero ayoko talaga na maipasa lang ang bigat sa kanya, kaya ayun, pinupukpok ko nang maigi ang anak ko na nanay niya at ang iba niyang kapatid para naman tumulong. Nakakaawa na rin siya bilang breadwinner ng pamilya. Bata pa lang siya, alam mo naman na kung gaano siya nagsusumikap. Kaya naisip ko, na hindi pwedeng gano'n na lang, kailangan niya rin na makahanap ng pag-ibig. Kailangan niya ng masasandigan na hindi lang basta pera."
Jay was moved upon hearing Lola Carmen's aspirations for her own granddaughter. Gusto na niyang sabihin na pwede siyang maging volunteer para maging husband candidate ni Marla, pero baka magtunog presko lamang siya. He held his words at the back of his mind. Ngumiti lanang siya sa matanda.
"Alam ko po na sa pagiging mabuti ni Marla, makakahanap din siya ng pagmamahal. Siguro po, hayaan n'yo na lang siya na mag-focus sa career," nasabi na lang ni Jay.
'Huwag n'yo po siyang itulak sa ibang lalaki. Ako po ang magpu-pursue sa kanya dahil alam kong mas deserving po ako.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top