CHAPTER 39
Pagkagising ni Jay, una niyang hinanap si Marla. Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya nang mamataan ito sa gilid ng kama. In an instant, he embraced his wife, disregarding the presence of his parents.
"Marla, please don't leave me again. Hindi ko kaya nang wala ka," bulong niya habang nakayakap kay Marla na halos mapaluha dahil sa paggising niya.
Jay's parents saw how deeply devoted he was to Marla. They realized there was no longer any reason to stand in the way of their love. Sa harap mismo ni Jay, humingi sila ng tawad kay Marla at nangako na hinding-hindi na sila makikialam sa buhay nilang mag-asawa.
Nang makalabas sina Gemma at Lincoln, naiwan sina Jay at Marla sa tahimik na kwarto ng ospital. Tila nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na mag-usap nang walang sagabal.
"Jay," bungad ni Marla habang nakatingin sa mga mata ng asawa. "I'm sorry. Hindi ko dapat hinayaan na magpadala ako sa mga hinala ko. Akala ko... akala ko talagang may nangyayari sa inyo ni Emmy. Hindi kita pinagkatiwalaan. Mas nagpalamon ako sa insecurities ko."
Deeply feeling the weight of his regret, he gently held his wife's hand and softly pulled her closer. "Marla, wala kang dapat ihingi ng tawad. Naiintindihan ko kung bakit ka nagduda. Maybe, if I were in your situation, I might think the same way. But I want you to know... You're the only one I love."
Halos mapaluha si Marla sa narinig. Hindi niya inakalang sa kabila ng lahat, mananatili ang tiwala at pagmamahal ni Jay para sa kanya. "Natatakot lang talaga ako. Muntik ka nang mapahamak dahil sa paghihinala ko. Kaya dapat akong mag-sorry."
Hinapit ni Jay si Marla sa kanyang bisig. "Marla, nangako ako noon, di ba? Na ikaw lang ang pipiliin ko, kahit anong mangyari. I won't ever let anything or anyone come between us. Saka, ang mahalaga, nandito ka na ulit. Just don't ever leave me."
Their faces slowly drew closer. A single kiss became the bridge that allowed them to express everything—their love, regret, and promises. Ang mga halik na iyon ay puno ng damdaming matagal nang pinigilan ng mga pagsubok. Pero habang nadadala na sila ng kanilang nararamdaman, biglang natigil si Jay at napatingin sa paligid.
"Maybe this isn't the right place for this," he said, trying to suppress a smile. "But I really want to. Gusto ko nang ma-discharge dito."
Napangiti rin si Marla, halatang nahihiya ngunit natatawa. "Oo nga, hayaan mo, ikaw na lang ang magsasawa kapag wala na tayo rito."
"May ganyan ka palang side," Jay grinned. "Samantalang dati, sobrang nahihiya kang ipakita kung sino ka."
Nahihiyang umiling si Marla. Nagkatitigan sila, at sabay na humalakhak.
***
Matapos din ang lahat ng nangyari, nagdesisyon ang mga magulang ni Jay na bumalik muna sa France upang bigyan ng espasyo ang anak at si Marla. Kasabay ng kanilang pag-alis ay ang pag-ayos nila ng buhay mag-asawa, malayo sa tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Pinili nilang manirahan pa rin sa bahay ni Lola Carmen—isang lugar na puno ng alaala ng mas simpleng buhay.
One afternoon, while having coffee in their small living room, they talked about how they would set up their life together.
"Marla," panimula ni Jay. "I know things have been overwhelming. I just want you to know that whatever you decide, if you want to work or just stay here for now. Kahit ano pa man, I'll support you."
Ngumiti si Marla, hawak ang tasa ng kapeng ibinigay ni Jay sa kanya. "Okay lang ba sa'yo na maging plain housewife muna ako? Pero promise, kapag ready na ako, magta-try ako ng iba pang bagay at mags-start na akong magpasa ng applications. Para hindi ka mahirapan na mag-isa ka lang sa pagbabayad ng bills."
Hinawakan ni Jay ang kanyang kamay. "No rush. I just want you to be happy. Besides, what's wrong with being a housewife? You're still working while you're here. And your focus is on me for now. Grateful na ako agad sa part na 'yon."
Mas mapapanatag na rin naman si Jay dahil hindi na mapapagod pa si Marla at maaaring magpapatuloy ito sa pagsusulat, kahit hindi pa sinasabi nito sa kanya ang lihim nitong passion bilang author o novelist. He just finished reading some of her novels, maliban sa isang on-going nito na talagang nakakuha ng curiosity niya. Isa kasi itong historical fiction.
Kinagabihan, napansin ni Jay na nakatulog si Marla sa sofa, hawak pa rin ang laptop at nakayuko na sa mesa. Lumapit siya upang ayusin ang laptop nito para hindi masira, ngunit aksidente niyang nakita ang nobelang sinusulat nito.
Ang mga salitang nabasa niya ay parang sinuntok siya sa dibdib.
"He was flawed but sincere. He was lost but devoted. Warm and cold, far and near. Even when everyone is against you, he is the kind of man you would want to stand by your side."
Hindi mapigilan ni Jay ang magbasa pa. Habang binabasa niya ang bawat pahina, mas lalong nagiging malinaw na siya ang inspirasyon ng karakter. The details Marla included seemed like a direct portrayal of himself—connected with her fears, dreams, and the depth of love for him she couldn't explain. Malungkot nga lang ang wakas ng nobelang iyon, at gusto niyang gawan ng masayang wakas kung maaari lang.
"So that's what you've been doing while you're away with me, writing a novel with a tragic ending. Marla, I can't explain how proud I am that you're my wife. I will give you the world you deserve."
Binuhat niya si Marla sa kanilang silid at kinumutan itong maigi. Pagkatapos, binasa na niya ang drafts na bahagi ng novel nito at inabot na rin siya ng ilang oras sa pagbabasa hangga't sa nakaramdam na rin siya ng antok at nagdesisyon na matulog na sa tabi ni Marla.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top