CHAPTER 38

Nagbakasakali muli si Jay na tingnan kung bumalik sa bahay ni Lola Carmen si Marla. The fear was still with him while he's on his way. Kapag wala pa rin ito doon, baka talagang babyahe na siya papunta sa hometown nito sa Batangas.

Malakas ang ulan nang makarating si Jay sa lumang bahay ni Lola Carmen. Basang-basa siya, pero hindi niya ito alintana. Ang iniisip niya lang ay ang kanyang asawa—si Marla. Nabuhayan naman siya ng pag-asa dahil nakita niyang nakabukas ang ilaw sa loob kahit hindi iyon kalinaw. Baka sinasadya iyon ni Marla para hindi siya nito matunton. He knocked on the door several times, yelling her name.

"Marla! Please, pagbuksan mo ako!" sigaw niya. Pero nanatiling tahimik ang loob ng bahay.

Sa loob, nanatiling nakaupo sa lamesa ng kanyang kwarto si Marla, at nakatitig lang sa kanyang laptop. Tahimik na bumabagsak ang luha niya habang tinitipa niya ang huling bahagi ng kanyang nobela—isang kwento ng pag-ibig na hindi tinadhana sa gitna ng digmaan o isang kwento ng pagkabigo.

Ang nobela ay naka-set sa 1940s, kung saan ang dalawang pangunahing tauhan, sina Juan Carlos at Maria, ay nagmahalan sa gitna ng isang digmaan kahit sa pitong taon na agwat ng kanilang edad. Sa huli, kinailangan nilang maghiwalay dahil sa mga hindi nila kayang kontrolin—mga responsibilidad, mga pamilya, at ang kanilang masalimuot na mundo, lalo na't itinuturing na traydor sa bayan si Juan Carlos dahil sa pakikianib nito sa mga Hapon. Ang huling eksena ng nobela ay naglalarawan kay Maria na naglalakad palayo, hawak ang sulat ni Juan Carlos na naglalaman ng pagtatapat nito ng pag-ibig. Habang si Juan Carlos ay naiwan, pinagmamasdan siyang mawala.

Habang tinatapos ni Marla ang nobela, tila nararamdaman niya ang bigat ng bawat salita. Siya si Maria, at si Jay ang kanyang Juan Carlos. Hindi niya kayang muling buksan ang pinto para kay Jay, dahil alam niyang ang kanilang relasyon ay puno na ng sugat na hindi na maghihilom.

Tinapos ni Marla ang huling linya ng nobela: "At sa kabila ng lahat, nanatili silang nagmamahalan, kahit hindi sila magkasama. Maituturing na taksil sa bayan ang ginawa ni Juan Carlos, pero ginawa niya lamang iyon para iligtas ang kanyang sarili, lalo na ang pinakamamahal niyang babae—ang minsan niyang naging guro, si Maria na naging komander ng kilusan laban sa mga Hapon."

Sa labas, nanatili si Jay habang nababasa ng ulan. Umaasa siyang magbabago ang isip ni Marla, na pagbuksan siya nito, pero nanatili siyang walang sagot.

"Marla, please," bulong niya habang nakatingala sa langit, ang ulan ay tila nakikisama sa kanyang pagluha. Nakita niya ang pagsilip ni Marla sa bintana pero umalis din ito agad at pinatay ang ilaw.

"Sorry, Jay," mahina niyang bulong sa sarili.

Habang bumibigat ang ulan sa labas, bumibigat din ang kanyang puso. Sa sandaling iyon, itinadhana niyang kalimutan ang mga pangarap nila ni Jay, para sa ikabubuti ng lahat.

At last, Jay stopped knocking. He turned around, drenched, and walked away in the pouring rain. He knew he could no longer force Marla. But despite the pain, his love for her remained. As he was about to walk farther, he stopped for a while and looked back at the house one last time.

"Mahal kita, Marla. Hihintayin kita, kahit gaano katagal," bulong niya sa sarili bago tuluyang lumisan.

At sa muling pagsilip ni Marla sa bintana, nakita niya si Jay na papalayo. Isinara niya ang kurtina sa wakas, na palatandaang natapos na ang lahat sa kanilang dalawa, gaya ng isinulat niyang nobela.

***

Pagkatapos siyang tiisin ni Marla, umuwi si Jay sa kanyang condo sa BGC. Basang-basa pa rin siya mula sa ulan, at hindi na niya alintana ang pagbaha ng emosyon. As soon as he walked in, he grabbed a bottle of liquor from the mini-bar and began drinking. The image of Marla refusing to open the door replayed in his mind over and over again.

"Marla... bakit?" mahina niyang bulong sa sarili, habang tumutungga ng alak. Hanggang sa malunod na siya sa pag-iisip kung paano makakatakas sa kontrol ng kanyang pamilya. Mahal niya si Marla, at hindi niya hahayaang tuluyang mawala ito sa kanya.

In the midst of his drunken stupor, the doorbell suddenly rang. Jay wasn't expecting anyone, but when he opened the door, Emmy stood there. Her face was filled with concern. But behind that angelic face lies a hidden agenda.

"Can I come in? Gusto kitang samahan," sabi ni Emmy na tila nagmamatyag nang maigi kay Jay.

"No you can't!" mariing pagtanggi ni Jay. Pero wala na siyang lakas para pigilan si Emmy. Pumasok talaga ito at dumiretso sa mini bar.

"You're not okay, Jay. Let me help you," dagdag nito habang nilalapitan siya.

Habang abala sa pag-inom ng alak si Jay habang binabalewala siya, sinamantala ni Emmy ang pagkakataon. Nang tumalikod si Jay, pasikretong may inilagay si Emmy sa baso ng alak na iniinom nito.

"Just leave, I don't need you here. Asawa ko lang ang kailangan ko," muling pagtataboy ni Jay at hindi pa rin nagpatinag si Emmy.

Nang balikan ni Jay ang kanyang inumin, unti-unti niyang naramdaman ang kakaibang epekto na hindi lang sa lalamunan niya gumuhit, pati na rin sa buo niyang sistema. Nagsimula nang bumigat ang kanyang katawan at maging malabo ang kanyang paningin. Parang may kakaiba siyang naramdaman na hindi niya naramdaman noon, something weird. He knows that it's not because of alcohol. Napaatras siya at nagpagewang-gewang sa paglalakad. Habang nilalabanan ang gano'ng epekto, naisip niya na baka may kinalaman doon si Emmy. At mukhang tama nga ang hinala niya dahil naging mapaglaro ang mga ngiti nito habang nakaharap sa kanya at tila nagsisimula na siyang akitin.

"Emmy... ano 'to? Anong nangyayari?" tanong niya habang pilit nilalabanan ang nararamdaman.

"Hush, Jay." Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. "Everything will be fine. Just relax..."

Ngunit kahit lasing na at nagdudusa sa epekto ng gamot, gising ang diwa ni Jay sa maling nangyayari. Pilit niyang itinulak si Emmy at hinanap ang phone niya. He managed to escape on his own condo while walking still to the open elevator, kahit pa magtumba-tumba na siya. Sa kanyang kalituhan at takot, tumawag siya sa security.

"Help! Somebody drugged me! May pumasok sa unit ko—get her out of here!" sigaw ni Jay sa telepono habang pinipilit tumayo at labanan ang kakaibang epekto ng inilagay ni Emmy sa alak niya. Mas lalong lumalala ang epekto dahil nasa elevator pa siya at nahihilo siya sa motion nito habang nasa loob siya.

Emmy was alarmed and surprised to see Jay's skills of escaping under her radar. Hindi niya ito napigilan kaagad dahil sa suot niyang high heels. Sinubukan pa nga niyang itago ang kanyang sarili. Ngunit bago pa siya makaalis, dumating na ang security team ng building. Agad nilang inilabas si Emmy, na pilit pang nagpapalusot. May nakatawag ng pulis para maimbestigahan din ang unit ni Jay.

Habang nasa lobby pa si Jay, tinawagan ng security si Marla, bilang immediate contact person ni Jay na naka-save sa phone nito. Nang marinig ni Marla ang pangyayari, dali-dali siyang pumunta sa condo, dala ang matinding pagkabahala.

***

Kinabukasan, bumalot ang iskandalo sa buong pamilyang Guillermo. Ang balitang may naganap na insidente sa condo ni Jay ay sumabog sa social media at mga pahayagan. Kumalat ang impormasyon na si Emmy ang nasa likod ng lahat. Emmy lost her dignity and could no longer bear the shame. Hindi siya nakulong dahil sa connections na mayro'n siya, kahit na nahulihan siya sa bag ng napakadelikadong substance na ginamit niya para kay Jay. She fled back to France, secretly as the reliable source says, abandoning the plans that she and her parents had made for the business deal.

Matapos ang iskandalo, isinugod si Jay sa ospital upang masiguro na mapabuti ang kanyang kalagayan. Dumating agad ang mga magulang niyang sina Gemma at Lincoln, puno ng takot at pagkabahala. Hindi nila inaasahan ang ganitong sitwasyon—lalong-lalo na ang ginawa ni Emmy, na kanila mismong itinulak para maging fake girlfriend or potential fiancé ni sarili nilang anak.

Habang naghihintay sa labas ng kwarto ni Jay, dumating si Marla sa ospital. Bagama't nag-aalangan, pinili pa rin niyang pumunta dahil sa tawag ng security team. When Jay's parents saw her, their perception of her seemed to change. She was no longer the woman they used to belittle; she was now the woman who had saved their son from a dangerous situation.

***

Habang hinihintay nilang magising si Jay, ibinahagi ni William ang mga bagay na matagal nang hindi nila alam tungkol sa anak nilang si Jay. "You know what, Gemma and Lincoln, Jay changed a lot because of Marla. Before, he was just the lazy heir, always taking things for granted. Walang ambisyon, walang direksyon sa buhay at walang pakisama sa mga tao sa paligid. But when he married Marla, he changed—a lot. He became a man, full of ambition, not only for himself and his wife but also for his colleagues too. Hindi na niya inaasam ang CEO title dahil mas naging masaya siya bilang executive trainee sa Hauling Coach. He has plans to retain himself there. Wala rin siyang pakialam kung malaki ang sasahurin niya. Jay finally knew how to value people around him. Marla's love for him made him better."

Nagulat ang mag-asawa sa kanilang narinig. Hindi nila alam na sa kabila ng pagtutol nila noon, si Marla pala ang naging dahilan ng maturity ni Jay.

"It was Marla who taught him to value hard work. Sa kanya natutong mag-desisyon si Jay, hindi lang para sa sarili niya, kundi para sa kanilang dalawa. I remember him telling me that he was really determined to win Marla's heart. Now he did, but your strong disapproval against their marriage made things worse."

Naluha si Gemma sa narinig. Sa wakas, napagtanto niyang mali ang naging trato nila kay Marla. Sa kabila ng lahat, ito pala ang babaeng tunay na nagmamahal sa anak nila.

"Marla..." bungad ni Gemma habang lumuluha. Hindi niya magawang tumingin ng diretso sa kanyang daughter-in-law. "I'm sorry. Hindi namin alam na hahantong sa ganito. Patawarin mo kami sa ginawa namin. We made it seem like we didn't respect your marriage with Jay."

Tahimik na nakikinig si Marla, at ramdam naman niya ang sinseridad sa boses ni Gemma. Para matapos na lang ang gulo, kailangan niyang patawarin ang mga magulang ni Jay.

Sinundan ito ng pagsasalita ni Lincoln. "Marla, maraming salamat sa ginawa mo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi namin malalaman kung gaano kalaki ang naitulong mo sa kanya. We owe you, not just his life, but also his transformation."  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top