CHAPTER 35

Umaayos na ang lahat kina Jay at Marla. Unti-unti na nilang naiaayos ang lumang bahay, at ang trabaho nila sa Hauling Coach Express ay unti-unting nagiging mas magaan. Nawawala na rin ang intriga sa kanilang dalawa, lalo na't pareho silang professional na makitungo sa iba habang nagtatrabaho. Ngunit, isang araw na duty ni Jay sa Antipolo branch, isang hindi inaasahang bisita ang dumating.

"Jay?" Napangiti si Emmy, ang boses nito'y punong-puno ng kumpiyansa. Elegante ito sa kanyang corporate attire, taglay ang aura ng isang babaeng sanay makuha ang gusto niya. Kasalukuyang abala si Jay sa pagsasaayos ng logistics report nang makita ito. He had no idea why Emmy went here. Sa pagkakaalam niya, wala namang deals ang pamilya nito sa Guillermo group.

Bahagyang natigilan si Jay, ngumiti siya ng tama lang bilang formality. "Anong ginagawa mo rito?"

Naglakad papalapit si Emmy, ang takong ng kanyang sapatos ay lumilikha ng tunog na nagpatindi ng tensyon sa paligid.

"Well, I'm here for an upcoming business. Ako ang representative ng Harrison Transport para sa merger deal natin." Isang mapanuksong ngiti ang kanyang ibinigay kay Jay. "At higit pa roon, gusto rin kitang makita."

Napahigpit ang hawak ni Jay sa hawak niyang papel. Hindi niya inaasahan ang ganitong development, lalo na't matagal na silang walang ugnayan ni Emmy mula noong college pa sila sa France. Pero sa likod ng kanyang isip, naalala niya ang isang bagay na posibleng mangyari—ang pag-uwi ng mga magulang niya sa Pilipinas.

"Emmy, ang tagal na mula noong huli tayong nagkita. Pero hindi ko inaasahan na ikaw ang magiging bahagi ng merger," ani Jay, pilit na nililihis ang tensyon. "It seems like you've become a smarter woman. That's so nice of you."

Tumawa si Emmy, tila nagkikibit-balikat sa tono ng sagot ni Jay. Halata naman na hindi ito interesado sa kanya. "Hindi ba't nakakatuwang pagkakataon? Like destiny, what do you think?"

"No. It's not. Nagkataon lang siguro," sagot naman ni Jay. "Are you here for Mr. Sandy? Or Mr. William?"

"No. I'm here for—you." Lumapit nang husto si Emmy at pinakatitigan nang mapanukso si Jay.

Of course, Jay wasn't naive. Kilala niya si Emmy bilang straightforward. They had a past. But it was a long time ago. Hindi rin naman sila seryoso noon.

"Sa operations pa lang ako naka-assign. Kung about sa mga deal 'yan, si tito na lang ang kausapin mo." Umiwas na ng tingin si Jay. Napapansin niyang ilan sa mga katrabaho niya ang nagmamatyag, para bang hinihintay siyang magkamali at magpadala sa antics ni Emmy.

"Jay," ani Emmy na nakaupo na ngayon sa harap ni Jay sa loob ng opisina, "alam mo bang mayroon pa tayong unfinished business?"

Napatingin si Jay nang diretso kay Emmy, halatang inis ngunit pilit na pinipigilan. "Emmy, wala tayong unfinished business. We both know that was years ago. Nothing serious happened. Plus, you're also dating other guys. Laro lang din sa'yo ang lahat. Ngayon, mas seryoso na ako. Hindi ko na naiisip ang ganyang bagay at hindi ko na gagawin pa."

Ngunit sa halip na magpatalo, mas lalo pang lumapit si Emmy, giving him a seductive glare. "Iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi mo ba alam? This is already set up by your parents. They arranged our marriage para sa possible business deal."

"What?" Halos mapasigaw si Jay, agad na bumagsak sa sahig ang hawak niyang ballpen. "Walang sinabi sa akin ang parents ko tungkol dito! Emmy, this isn't right. I'm already married—"

"Really?" mabilis na pagputol ni Emmy sa sasabihin sana ni Jay. "So nasaan ang asawa mo? Bakit hindi alam ng pamilya mo? Bakit hindi alam ng kahit sino?"

Naputol ang saglit na katahimikan. Ramdam ni Jay ang bigat ng sitwasyon. Nagsimula nang magpuyos ang galit at pagkadismaya sa kanyang dibdib. But still, he has to remain calm. "Everyone in this company knows who my wife is. Nirerespeto nila ang asawa ko, at mas nirerespeto ko siya at ang kasal namin. Emmy, hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari ito, pero hindi kita papakasalan. Tapos na tayo noon pa," madiing sagot ni Jay. "My wife's name is Marla."

Napakunot ang noo ni Emmy, ngunit hindi nito pinakita ang pagkagulat. Sa halip, ngumiti ito na parang hindi niya dinaramdam ang kanyang narinig. "Marla? Interesting. But let's see if she can stand the pressure of being Mrs. Guillermo—kasi sigurado ako, your family will choose what's best for you, Jay. And you know what they'll choose. Rather, who they'll choose."

Hindi na sumagot si Jay. Alam niyang ito ang magiging simula ng mas komplikado pang sitwasyon—isang laban na hindi lamang tungkol sa pagmamahal kundi pati na rin sa responsibilidad at expectations na nakaatang sa kanya. "You know what? Kahit ilang beses mo akong kulitin, hindi na magbabago ang isip ko. Mahal ko si Marla. I loved her for eleven years already!"

Biglang dumilim ang mukha ni Emmy. Naibagsak niya ang kamay niya sa mesa. "Eleven years? While we are dating, does it mean that another woman was already in your heart? That's so unfair, Jay! I loved you genuinely that time!"

Umiling naman si Jay. "You're seeing other guys aside from me, Emmy. Let's just say na wala tayong label. Laro lang ang lahat noon. At si Marla lang ang pipiliin ko kahit anong pagpipilit pa ang gawin mo."

"May I see what she looks like? Is she prettier than me? O baka nagustuhan mo lang siya dahil magaling siya? Tell me? Tatapatan ko lahat!" Emmy sounded desperate. Napalakas ang boses niya at sinadya niya iyon dahil nakabukas pala ang pinto ng opsina.

"Kahit higitan mo pa, hindi ko siya ipagpapalit sa kahit sino. Maghanap ka na lang ng ibang paglalaruan mo!"

Galit na lumabas si Jay. Kahit hindi pa tapos ang working hours, naisipan niyang umuwi para masundo si Marla sa shift nito sa Laguna branch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top