CHAPTER 32
Habang si Marla ay bumalik na sa kanilang bahay, nanatili pa rin sng galit at kalituhan ang kanyang puso. Hindi niya kayang itago ang sakit na dulot ng mga salitang narinig mula sa mga tao sa trabaho. Nang makauwi, agad niyang kinompronta si Jay.
"Jay, hindi maganda ang ginawa mo!" sigaw ni Marla, habang tinitingnan si Jay na nakatayo sa sala at parang hindi makapagsalita ng kahit ano. "Hindi ko kayang hawakan ang mga salitang binato sa akin ng mga tao sa trabaho! Wala na akong mukha sa kanila! Pinag-usapan na natin ito, hindi tayo aamin!"
Hindi nakasagot agad si Jay. Sa halip, tumayo siya sa harap ni Marla, at hinawakan ang mga kamay nito nang mahinahon. "Marla, naiintindihan ko ang nararamdaman mo, pero gusto ko lang na malaman mong proud ako. Hindi ko kayang itago ang pagmamahal ko sa'yo, at gusto ko ring ipakita sa kanila na ikaw ang pinili ko. Gusto ko lang na malaman nilang ikaw ang asawa ko, dahil masyado na silang unfair. And revealing our secret was the only way to shut those rumors."
"Paano kung mawalan ako ng trabaho dahil dito? Paano kung hindi nila ako tanggapin dahil sa mga tsismis? Alam mong may mga utang pa ako sa'yo, Jay." Marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Marla.
"Hindi ko na hihilingin na bayaran mo ang mga utang mo, Marla. Gusto ko lang na magkasama tayo nang walang intriga. Na alam ng lahat na ikaw ang asawa ko." Naiiling si Jay at bahagyang nasaktan sa pag-bring up ni Marla sa dahilan ng pagpapakasal nila. Yes, kasama sa kondisyon ang pagbabayad sa utang pero matapos nilang aminin ang pagtingin sa isa't isa, wala nang saysay ang mga kasunduan para sa kanya. Or maybe, he's the only one thinking that way.
"And by bringing up about that, ibig sabihin, babayaran mo pa rin ako para may dahilan na ng paghihiwalay natin? I thought it's clear that we love each other?"
"We love each other, Jay. Totoo, mahal na rin kita. Pero hindi pwedeng hindi ko ibalik ang mga atraso ko. Mag-stick tayo sa napagkasunduan. Hindi rin naman natin alam kung magtatagumpay itong relasyon na 'to," straightforward na sagot ni Marla, which made Jay irritated for a while.
"So you're saying na hindi magtatagumpay, kasi hindi gano'n katindi ang paglaban mo? You're already giving up? Nagpapatinag ka agad dahil sa sinasabi ng ibang tao? Dahil lang sa tsismis at parang ako pa ang mali dahil pinagtanggol kita? Mali pa ba ako sa part na 'yon? It's the husband's duty to protect his wife, Marla. And it's the wife's duty to always trust her husband's capabilities. Love is a two-way street. Gaano ba kahirap 'yon sa'yo?" Bahagyang nagtaas ang tono ng boses niya, but he always didn't mean to act that way.
"Alam mo? Hindi muna tayo dapat na magkita. Uuwi na muna ako sa'min."
Dumiretso si Marla sa silid nila at sinimulang hakutin ang mga gamit niya. Hindi niya mapigilang umiyak. Tama naman kasi si Jay. Hindi niya lang kayang isipin na magiging okay agad sila, dahil lang binunyag nito ang tunay nilang relasyon. Hindi naman kasi natatapos doon ang kalbaryo. They have to face Jay's parents from France, na walang kaalam alam sa nangyari. Hindi niya pa mapagkatiwalaan si Jay sa part na 'yon.
"As if running away would solve this. Pero bahala ka na, goodluck sa'yo. Goodluck kung kaya mo akong tiisin," tanging nasabi ni Jay habang nagkukunwaring wala siyang pakialam sa binabalak ni Marla. Akala niya'y hindi ito titigil, pero nanatiling akala iyon. That night, Marla left without him knowing it. Umalis ito habang mahimbing na ang tulog niya.
***
Nag-organize ng corporate party ang logistics team ng Guillermo group, pagkalipas lamang ng isang buwan. Ang mga malalaking ngiti, masayang kwentuhan, at malalakas na tawanan ay pumuno sa buong venue, sa isang magarang hotel. Hindi na sana pupunta si Jay pero nalaman niya sa isa nilang colleagues na a-attend ang asawa niyang si Marla, na hindi pa rin siya kinakausap magpahanggang ngayon. Halos lahat ng mga kasamahan nila sa kumpanya ay naroroon, pati na rin ang mga executive at board members ng Guillermo Group. Hindi rin makaiwas sa isa't isa sina Jay at Marla at mas pinili nilang huwag magpahuli ng kani-kanilang damdamin nang magtagpo sila.
Sa hindi kalayuan, natatanaw ni Marla si Jay na kararating lang sa venue, gusto niyang umiwas pero agad siya nitong napansin kahit napakarami ng tao. Aalis na sana siya, pero bigla siyang na-corner ng pamilyar na tao sa sandaling iyon.
"Marla? Ikaw na ba 'yan?"
Malaki ang ngiti ni Emerson, ang former colleague niya na minsan na ring nanligaw sa kanya. Ngumiti siya rito pabalik. "Uy, kumusta ka na? Invited ka rin dito?"
"Yes, kasi invited din ang boss ko na may deal din kay Sir William. Balita ko ikinasal ka na sa pamangkin niya? Now I understand, kaya mo ako ni-reject dati," paglalahad naman ni Emerson, pero walang bitterness sa kanyang boses. "Congratulations, Marla. Mukhang masaya ka naman sa piling niya, at nag-bloom ka rin."
"Thank you. Pati ba naman sa kompanya ninyo, kumalat din ang tsismis," natatawa niyang sagot.
"Anyway, ayun ang wife ko. Wait, tatawagin ko siya para maipakilala kita," pakli naman ni Emerson. Umalis siya saglit para tawagin ang asawang tinutukoy, na busy lang sa pagkain sa mesa nito.
"Dear, this is Marla. Iyong binabanggit ko na nambasted sa'kin," sabi pa ni Emerson. "Marla, this is my wife, Lyn."
"Hi, Marla. Nice meeting you. Salamat sa pag-basted mo sa asawa ko, at two years na kaming kasal, going strong," natatawang bati ni Lyn at nakipagkamay kay Marla.
Tinanggap ni Marla ang pakikipagkamay ni Lyn. "Nice meeting you, Lyn. Bagay na bagay kayong dalawa."
Samantala, nanatiling nakatutok ang mga mata ni Jay kay Marla at sa mga kausap nito. Bahagyang nakaramdam siya ng relief, dahil napansin niyang close si Emerson sa kasama nitong babae. Nawala ang dahilan ng selos niya. Nang magpaalam ang mga ito kay Marla para bumalik sa kanilang table, saka na siya nakakuha ng tyempo para lumapit at hatakin ito.
"Ano ba? Bakit bigla ka na lang nanghahatak dyan?" Kunwari'y naiirita si Marla, pero hindi niya maiwasang mapanganga sa nakikita niyang anyo ni Jay. He's really handsome and has become more domineering with his looks.
"You look happy after seeing an old friend, huh?" Nagkunwaring galit si Jay, pero sa totoo lang, hindi siya totally possessive. Nakakaramdam man siya ng selos pero kaya niyang ilugar ang bagay na 'yon. Ever since he married Marla, ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi siya magiging controlling.
"Yes. Katrabaho ko siya dati, at pinakilala niya ako sa asawa niya. Ang bastos ko naman kung aalis ako," pamimilosopong sagot ni Marla. Hindi niya sinalubong ang tingin ni Jay pero ramdam niya ang kabigatan ng mga sinabi nito. She liked how Jay acted jealous but still in control of his emotions.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top