CHAPTER 31

Hinayaan ni Marla si Jay na mag-upload ng stolen photo niya sa Facebook account nito. Simpleng heart emoji lang ang caption ni Jay, pero hindi niya inakala na may lalabas na intriga. At kinaumagahan, habang nagkakape, napansin niya si Jay na tila may binabasa sa telepono. Nakakunot ang noo nito, kaya agad siyang nagtanong.

"Jay, anong problema? May emergency ba ulit sa operations?"

"Wala. May mga tsismoso lang sa opisina. Pinag-uusapan na naman ako dahil sa post ko kagabi," sagot ni Jay, halatang hindi komportable. "Sorry, Marla. Baka ikagalit mo. Natuwa lang talaga ako sa picture. Pero parang namukhaan ka nila."

"Ano? Pati ba naman 'yon?" Napakunot-noo si Marla. "Ano bang sabi nila?"

"Kesyo ikaw daw ang other woman ko." Bumuntong-hininga si Jay. Para sa kanya, bothersome na i-label nang gano'n si Marla dahil kasal naman silang dalawa. Talagang hindi nila balak aminin pa ang bagay na 'yon para i-maintain ang kani-kanilang professionalism.

"Sorry, it's my fault," pag-ulit na paumanhin ni Jay.

Hindi alam ni Marla kung matatawa o maiinis. "Jay, bakit kasi kailangan mo pang mag-post? Alam mo naman na maraming tsismoso."

"I'm sorry. Hindi ko naman naisip na magiging issue ito. Ayoko lang na itago ka sa mundo, kahit pa hindi nila alam ang lahat. And besides, bakit magiging kabit ko ang sarili kong asawa?" paliwanag ni Jay.

Napag-usapan nilang mabuti ang isyu. Kahit naman gusto ni Jay na ipaalam na mag-asawa na sila, si Marla pa rin ang nagdesisyon na huwag muna itong isiwalat.

"Hindi pa ito ang tamang panahon, Jay. May mga bagay pa tayong kailangang ayusin—lalo na ako. Ayoko ng masyadong maraming drama sa buhay. Saka, iisipin na naman nila na ginamit lang kita," paliwanag niya.

Tumango si Jay, kahit medyo mabigat sa loob niya ang desisyon ni Marla. "Okay. Pero kapag hindi pa rin natigil ang mga intrigang 'yan, ako na mismo ang mag-a-announce. I want the world to know how proud I am to have you."

Umiling si Marla. "Huwag na, Jay. Malalaman din 'yan ng parents mo. Mag-focus ka na lang sa training. Basta, nandito lang ako sa likod mo, hindi ako magpapaapekto."

Hindi pa rin nila alam kung paano susunod na haharapin ang mga tsismis sa kanilang trabaho. Wala ni isa sa kanilang mga kasamahan ang nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanila ang isa't isa. At habang ang mga mata ng "Marites" ay patuloy na nakatutok sa kanila, alam nilang may mga bagay silang kailangang harapin bago makamit ang tunay na kapayapaan.

Bumigat ang damdamin ni Jay sa sandaling iyon. He knows that his parents will never approve their marriage, kaya nga pinakasalan na niya si Marla para hindi na siya mapigilan ng mga ito.

"Tell me if you're having a hard time, Marla. Sasabihin ko sa kanila. Hindi kita balak na itago," sincere na wika ni Jay at hinawakan ang mga kamay ng kabiyak na halatang nasasaktan din sa mga sandaling iyon.

"Okay lang ako, Jay. Sobra na nga 'yong utang na loob ko sa'yo, eh. Sisiw na lang ito sa katulad ko," pampalubag-loob na sagot ni Marla at ngumiti. "Hindi naman ako masyadong personal sa trabaho, kapag may mga intrigang ganyan hindi ako affected. Alam naman natin kung anong totoo."

"But still, I'm afraid na maging unfair 'yon sa'yo. Trust me, kapag hindi na talaga maganda ang gagawin nila sa'yo, ako na ang makakatapat nila." There's a hint of warning in his voice.

***

Ilang araw din at nakabalik na sina Marla at Jay sa kani-kanilang trabaho. Sentro pa rin ng tsismis ang relasyon nila, at unti-unting kumalat ang kwento ng "kabit ni Jay" sa opisina, lalong-lalo na sa mga "Marites" sa parehong Laguna at Antipolo branches. Lahat ay walang kamalay-malay na kasal naman pala ang kanilang pinagtsitsismisan at nagiging malaking isyu ito sa kanilang trabaho. Lahat yata ay naghahanap ng kahit anong detalye na magpapalinaw sa kalagayan nila.

When Jay returned to the Antipolo branch, he faced a difficult decision. He knew he needed to resolve all misunderstandings and prove his love for Marla. He didn't plan to tell her about his next move. Alam naman niya kasing hindi ito papayag. Hindi na niya kayang magtago pa, at hindi niya kayang pagtakpan ang katotohanan, lalo na't si Marla ang mas napupukol sa mga bulung-bulungan.

Sa isang umaga na may pep talk, kasama ang mga kasamahan sa opisina, ipinahayag ni Jay ang tungkol sa tsismis na kumakalat.

"Alam kong may mga tsismis na naglalabasan, kaya gusto kong magbigay-linaw sa lahat," panimula ni Jay, at taas noong tumayo sa harap ng buong team. "Hindi ko kabit si Marla. Don't call her names. Akala n'yo ba hindi kami aware na habang wala kami, ginagawa n'yo kaming pulutan?"

Nagsitahimik ang mga kasamahan niya na parang mga bubuyog kanina.

"Marla is my wife. Three months na kaming kasal, at hindi kami nagtatago. Hindi ko siya itinatago. Siya ang pinakamahalaga sa buhay ko, at ipinagmamalaki ko siya. But you need to apologize to her, for calling her names and saying such misogynistic remarks against her. Insultuhin n'yo na ako't lahat, pero hindi ko mapapalampas ang ginawa ng ilan sa inyo pagdating sa kanya, na para bang hindi n'yo siya naging colleague dito." Bakas ang galit sa boses ni Jay, kaya mas lalong natameme ang kasamahan niyang nakikinig.

"May screenshots ako ng slander n'yo against my wife. Huwag n'yong hintayin na i-roll call ko pa kung sinu-sino kayo d'yan. Nagawa ko nang makipagsakitan para ipagtanggol si Marla, kaya imposibleng hindi ko seseryosohin ang bagay na 'to."

Iniwan niyang gulat na gulat ang mga kasamahan niya. He decided to go to the garage and talk to other drivers, na present doon.

"May sagot na sa tanong ninyo, guys."

Nagulat ang lahat sa pagdating niya sa barracks ng mga driver.

"Bossing Jay, bakit? Tungkol saan ang sinasabi ninyo?" usisa ni Mang Rey.

"Kilala ko na kung sino ang napangasawa ni Ms. Marla."

Bigla tuloy nagkumpulan ang lahat, halatang curious sa buhay ng kanilang former mentor at team leader.

"Sino boss? Kilala ba namin?"

"Of course, kilalang kilala." Naglaro ang ngiti sa mga labi ni Jay.

"Sino ba, bossing?"

"Ako." Jay was too proud upon revealing himself as Marla's hidden husband. Hindi pa siya nakuntento, ipinakita pa niya ang wedding pictures nila sa Batangas.

"Hindi ito edited? Siya talaga? Paanong nangyari? Eh hindi po ba galing kayo sa abroad?" usisa ni Amboy.

Tumango naman si Jay. "Pero may relasyon na kami bago kami magpakasal."

Namangha ang lahat. "Ngayon, alam na namin kung bakit binasted ni Ms. Marla si Sir Emerson. Kasi taken na pala siya. Kunwari lang pala 'yong awayan ninyo, gano'n lang pala kayo dahil tinatago pa ninyo sa amin," sabi naman ni Mang Rey.

Everyone bought the lie part of their relationship, but Jay was too proud. Bahala na siyang mag-explain kay Marla. Basta ang mahalaga, inamin na niya ang tunay nilang relasyon sa lahat.

Habang ang buong opisina sa Antipolo ay naguguluhan at nag-aalalang nagbabalik-tanaw sa mga sinabi ni Jay, si Marla naman ay nakatanggap ng malupit na mga reaksiyon mula sa mga kasamahan niya sa Laguna branch. Ang ilan sa mga kasamahan sa trabaho ay naglabas ng mga malisyosong hinuha tungkol sa relasyon nila ni Jay.

"Naku, sigurado ako na ginamit lang niya ang katawan niya para makuha si Jay. Hindi siya bagay sa kanya," ang sabi ng isang kasamahan. Narinig pa niya iyon sa pantry. That's when she figured out that Jay probably revealed the truth, or may nakahuli lang sa kanila.

May ilan din siyang narinig na mga katanungan.

"Bakit kaya siya pinili ni Sir Jay? Baka may ibang dahilan pa."

"Hindi sila bagay. Like, sa itsura pa lang. Kung sakaling may mahanap na mas higit si Sir Jay, iiwan din niya si Marla."

"Ginayuma niya yata si Sir Jay, eh."

Marami ang nagtangkang magtago ng kanilang pananaw, ngunit hindi maiiwasan na mas marami pa rin ang mga matang puno ng hinala at hindi magandang tingin kay Marla. Parang ini-imply ng mga ito na hindi siya karapat-dapat na mapangasawa ni Jay. Na para bang si Jay, ang "perfect" at "successful" na lalaki, ay may dahilan kung bakit nito pinili si Marla—at hindi kasama sa dahilan na iyon ang wagas na pagmamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top