CHAPTER 30

Pagkatapos nilang magkaayos, inimbitahan ni Lola Carmen sina Marla at Jay na mag-stay pa ng ilang araw sa malapit na beach resort. Hindi pa raw kasi sila nakapag-honeymoon at si Lola Carmen na rin ang kumuha ng transient house na sosolohin nina Jay at Marla sa buong magdamag.

Nagkatinginan sina Marla at Jay nang makarating na sila sa transient house. Alangan pa rin silang tanggapin ang alok ng matanda, but it would be rude if the refused her offer.

"Lola, hindi naman na siguro kailangan pa. Babalik din kami agad sa trabaho," sabi ni Marla.

"Aba, huwag kang kokontra! Matagal ko nang gustong gawin ito para sa inyo," giit ni Lola Carmen habang nakangiti nang makahulugan.

Maganda ang lugar. Pinapalibutan ng mga ilaw ang mga punong kahoy, tahimik, at presko rin ang hangin sa paligid. Ngunit nang pumasok sila sa transient house na inireserba ni Lola Carmen, agad nilang napansin na iisa lang ang kama.

"Lola!" protesta ni Marla. "Bakit iisa lang po ang kama rito?!"

Kunwari'y inosenteng sumagot ang matanda, "Ay, gano'n ba? Aba'y bakit hindi na lang kayo mag-adjust? Mag-asawa naman kayo, hindi ba?"

Nagtama ang tingin nina Marla at Jay. Namula na ng mukha ni Marla dahil sa kahihiyan, samantalang si Jay ay tumawa nang mahina. He liked the setup, but of course, kung may magaganap man, sana silang dalawa na lang ang magpaplano.

"Lola, hindi po kami—" Natigilan si Marla nang makita ang nakakalokong ngiti ng matanda.

"Hindi kayo mag-asawa? Iyan ang sasabihin mo, ano? Guni-guni lang ba ang naging simpleng kasalan ninyo ni Jay?" Mas naging pilya ang tono niya sa kanyang apo.

"O siya, aalis na ako. Magpahinga kayo. Sana pagbalik ko, may balita na akong maganda, ha? Gusto ko na ng apo sa tuhod!" ani Lola Carmen bago mabilis na umalis at iniwan ang dalawa sa kwarto. Sinarado pa ito nang maigi, tila naninigurong hindi sila aalis doon.

Naging awkward naman ang unang limang minuto nila sa loob ng kwarto. Si Marla ay hindi mapakali, habang si Jay naman ay tila nag-eenjoy sa sitwasyon. He wanted to tease her but he also thought that it would be better to remain silent. Bahala na. Mangyari na kung ano ang mangyayari.

"Relax, Marla," ani Jay habang naupo sa gilid ng maliit na kama. "Hindi ko naman sasamantalahin ang pagkakataon."

"Jay, nakakahiya kay Lola. Parang masyado siyang—advance mag-isip," sagot ni Marla habang inaayos ang kanyang mga gamit. Her heart was still beating fast, as if she ran a hundred miles.

Lumapit si Jay at hinawakan ang balikat niya. "Alam ko na hindi pa tayo ready para sa gusto niya. Pero, gusto ko lang malaman mo... I'm not in a rush. Mahal kita, Marla. Kahit maghintay pa ako nang matagal, okay lang. Basta alam kong ako ang pipiliin mo at ikaw lang ang hihintayin ko."

Napatingin si Marla kay Jay at nakita naman niya ang sinseridad nito. "Thank you, Jay. Pero siguro nga, kailangan natin magpahinga muna. Maaga pa tayo bukas."

Nakangiting tumango si Jay. "Sige, goodnight."

Habang nakahiga, iniisip ni Marla na baka nga, sa kabila ng lahat ng takot at alinlangan, natagpuan na talaga niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Jay became even more gentle with her, no longer teasing her and becoming more understanding toward others. She guessed that's the power of love—it can transform even the reckless and miserable. Kapansin pansin din na hindi na reklamador si Jay at parang niyayakap na nito ang lifestyle na mayro'n siya, pati na rin sa mga kasamahan nila sa Hauling Coach Express. Jay was no longer the kind of man who spent extravagantly, even though he had the means to do so. He had stopped drinking alcohol and smoking. There were times he showed adaptability and even became generous to his colleagues. Most importantly, he grew more serious and thoughtful in conversations.

'Baka gano'n naman na talaga siya dati, pero hindi ko lang pinapansin.'

Hindi rin makatulog si Marla. Umusog siya para mas mapalapit kay Jay. Hindi naman ito nag-react, malamang ay nakatulog na ito.

Pero ang hindi niya alam, hindi rin mapakali si Jay sa mga sandaling ito. Bagamat sinabi niyang hindi niya sasamantalahin ang sitwasyon, hindi niya mapigilang pag-isipan kung paano niya mapapaluwag ang damdamin ni Marla. Gusto niya rin naman na mas masulit ang natitirang araw ng kanilang bakasyon bago na naman sila bumalik sa trabaho. Ang tanging naisip niya, ay anyayahan si Marla na lumabas kahit gabi na rin.

"Marla, tara muna sa dalampasigan. Sayang ang gabi kung dito lang tayo sa loob," ani Jay nang iharap ang sarili kay Marla. Agad na nagtama ang kanilang mga mata dahil kagaya niya, hindi rin pala ito makatulog pa.

"Naku, malamig sa labas, Jay," tugon ni Marla, na halatang nag-aalangan.

"Eh, 'di magdala ka ng scarf. Saglit lang tayo, promise. Gusto ko lang na makahinga ka rin ng sariwang hangin."

Pumayag din si Marla. Kinuha niya ang scarf na dala niya at balot na balot ang sarili. Si Jay naman ay nagsuot ng jacket. Lumabas sila mula sa resort at naglakad patungo sa dalampasigan, na tahimik at tanging alon lamang ang naririnig.

Habang naglalakad, sinubukan ni Jay na gawing magaan ang usapan. "Ano kaya ang iniisip ni Lola Carmen, no? Masyadong advanced magplano. Gano'n yata talaga ang generation nila, laging nagbibigay ng unsolicited advices. But for me, I don't view that as something offensive or what."

Napatawa si Marla. "Ewan ko ba sa kanya. Minsan, parang siya ang may agenda para sa buhay ko, hindi ako. Pero salamat Jay, kasi hindi ka na-offend sa approach niya."

"Eh ikaw? Anong gusto mo para sa buhay mo?" tanong ni Jay habang sinusubukan ang dahan-dahang pag-usisa sa puso ni Marla.

Napahinto si Marla para mas makapag-isip saka tumingin sa mga alon. Nagpapatuloy din siya sa paglalakad, na parang hinahanap muna ang tamang salita na dapat sabihin.

"Gusto ko lang ng tahimik na buhay. Gusto kong magkaroon ng pamilya na hindi na masyadong komplikado. Dati, hindi ko alam kung posible pa 'yon. Pero dahil nagkaayos na kami ni nanay, baka magiging mas maayos na ang lahat."

"Marla, hindi natin kontrolado ang lahat, pero isang bagay lang ang kaya kong siguruhin—ayokong maging sakit sa ulo mo. Gusto ko lang na suportahan ka, kahit sa mga simpleng bagay. "

Tumingin si Marla kay Jay, na parang may hinahanap na kasagutan. Ngunit bago pa niya masabi ang iniisip, inilabas na pala ni Jay ang phone nito at nakuhaan na siya ng stolen picture habang nakatalikod at nakatingin sa dagat.

"Jay! Ano ba?" protesta ni Marla habang pinagtatakpan ang sarili ng scarf. "Alam mo namang pangit ako sa pictures."

"Who told you that? So I will press charges," biro ni Jay. "Relax lang. Hindi naman makikilala kung sino ka. Ang ganda mo lang tingnan kanina habang tinitingnan ang dagat. Parang iniisip mo kung ano pa ang mga sikreto ng mundo. I like what you are thinking, whatever it is."

"Ikaw lang naman ang iniisip ko ngayon," nahihiyang pag-amin ni Marla.

"Gano'n ba? I'm here in front of you. Isn't that enough?" Mas lumapad ang ngiti ni Jay.

Tinawanan lang siya ni Marla. "Makokornihan ka ba kung mag-a-I love you ako? Parang hindi na bagay sa edad ko."

Umiling naman si Jay. "Basta ako lang ang sasabihan mo. Hindi korni."

"I love you," mabilis na pakli ni Marla saka tumakbo. Nahabol naman siya agad ni Jay at niyakap siya nito nang mahigpit.

"Is that a proper way of saying it? Kailangan na tumakbo agad? Ni hindi nga masyadong naabot ng pandinig ko." May bahagyang pagtatampo sa boses niya, saka hinagkan ang noo ni Marla.

"Nakakahiya kasi. Hindi pa ako nagiging ganito," pag-amin naman ni Marla.

"Then, suit yourself," malambing na sagot ni Jay. Their gazes locked, holding each other's eyes for a moment. Then, Jay lowered himself to Marla's level, as he was taller than her.

"Can I ask for a kiss?" May pagkapilyong tanong nito.

"Hindi mo pa binabalik ang I love you ko sa'yo," Marla shyly replied.

"I love you more and more." Jay leaned himself closer while pouting his lips.

Marla nodded, and she gave her husband a tender kiss. Their kiss was as deep as the ocean that bore witness to their sweet moment.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top