CHAPTER 3
Halos hindi makapag-concentrate si Jay habang nagpapaliwanag si Marla tungkol sa sistema ng dispatching. Habang iniisa-isa niya ang logistics workflow. Sa likod ng isipan niya, hindi niya mapigilang tanungin ang sarili. 'Paano siya napunta dito? Bakit hindi ko alam na siya pala ang isa sa mga leader dito?'
Habang patuloy ang kanilang orientation, biglang sumingit ang isang kakaibang tanong mula kay Marla. Naba-bother na kasi siya sa sandaling sila lamang ang magkasama, hindi dahil sa katotohanang kaharap na niya ulit ang lalaki na minsan ay batang paslit lang sa kanyang paningin, kundi dahil may naamoy siyang hindi kaaya-aya. Literal.
"Mr. Guillermo, nakainom ka ba bago pumasok dito?"
Nagulat si Jay at napatingin sa kanya. "What? No. Well, maybe last night, but—"
Pinutol siya ni Marla, na nakakunot ang noo. "Amoy alak ka."
Napahawak siya sa kanyang ilong at lumayo ng bahagya. "Is this how you plan to work here? Kasi hindi pwede ang trabahong ito sa mga spoiled brat na kagaya mo. At isa pa, mahigpit na pinagbabawal ang alak."
Natigilan si Jay. Hindi niya alam kung paano sasagot. Marla didn't even bother to show a little compassion and it hurts him to know that Marla was really trying so hard to act like she didn't know him. Wala namang nagbago sa kanyang itsura para hindi na siya nito ma-recognize.
"Look, Marla, Hindi ako uminom ng alak dito. I—" Sinubukan niyang magpaliwanag, pero pinutol na naman siya nito.
"Don't call me Marla while we're at work," madiin niyang sabi. "It's Ms. Marla or Ms. Francisco. If you want to prove yourself, paki-address naman iyong superiors mo rito, in a professional manner. Uminom ka man dito o hindi, malinaw ang rules; bawal ang alak. Napakadelikado, lalo na sa industry natin."
"But, hindi naman ako driver," pangangatwiran ni Jay.
"At kapag naamoy ka nila? Ng mga colleagues mo? Paano na lang? Iisipin nila na pwede palang uminom ng alak, dahil umiinom ang leader nila, eh."
Walang nasabi si Jay. Basag na basag agad siya kay Marla. Napasapo siya sa kanyang ulo, pilit iniisip kung paano itatama ang pagkakamaling ito. Pero sa totoo lang, ramdam niyang nagsisimula pa lang ang mga hamon; hindi na lang tungkol sa trabaho ito, kundi pati na rin kung paano paamuhin si Marla at alamin kung anong nangyari rito after eight years.
***
Habang naglalakad si Marla pabalik sa opisina niya pagkatapos ng orientation, napabuntong-hininga siya at napailing.
'Wala pa ring pinagbago si Jay,' naisip niya. Nakikita pa rin niya ang dating Jay Guillermo—ang lalaking pinili niyang basted-in noon dahil alam niyang napakalaki ng agwat ng kanilang edad at pakiramdam pa niya dati ay pinagtrip-an lang siya, lalo na noong magtapat ito ng pagmamahal para sa kanya.
"Yuck. Kadiri talaga 'yong part na 'yon." Naasiwa siyang balikan ang alaala nilang 'yon. Jay was only 17 at that time, masyado pang YOLO, at hindi niya talaga sineryoso ang panliligaw nito sa kanya dahil alam niyang simula pa lang noong mas bata pa ito, mapang-asar ito at talagang makulit na bata. Gagawin nito ang lahat para magpapansin, palibhasa hindi nabigyan ng atensyon ng sariling mga magulang sa bahay nila. Pero kahit gano'n, hindi naman ito umabot sa pagiging bully. It's just that he's too annoying, dahil ang dami nitong energy para mang-istorbo ng tao. Pero sa likod ng kanyang pagkadismaya, may bahagyang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na muling magkikita sila, lalo pa't sa ganitong sitwasyon.
Si Jay naman, habang tahimik na nagmamasid sa warehouse, ay nagsimulang magmuni-muni. Kailangan niyang baguhin ang tingin ni Marla sa kanya. Pero paano nga ba magsisimula? At the back of his mind, nagiging motivation na niya si Marla para patunayang kakayanin niyang magtrabaho sa field na ito.
Pagkatapos ng work shift sa warehouse, tahimik siyang naglakad sa hallways ng logistics office. Ang buong lugar ay unti-unti nang nawawalan ng tao habang ang iba'y nagmamadaling makauwi. Pero nang dumaan siya sa opisina ni Marla, napahinto siya.
Sa loob, nakita niya si Marla na abala sa pag-aayos ng sandamakmak na papeles sa desk. Ang buhok nito ay nakatali nang maluwag, at may salamin itong suot habang sinusuri ang ilang dokumento. Nakakunot ang noo nito sa seryosong pag-aaral ng mga numero, pero hindi niya mapigilan ang paghanga.
'She hasn't changed,' naisip niya.
Sinandal niya ang sarili sa pader habang pinagmamasdan ito. Sa lahat ng taong nakilala niya, si Marla ang pinakamalapit sa pagiging perpekto para sa kanya. He didn't care about her being unconventionally attractive to everyone, para sa kanya, si Marla pa rin ang nangingibabaw. Siya ang tipo ng babae na tahimik pero determinadong abutin ang mga pangarap at higit sa lahat, may malasakit sa mga taong nasa paligid nito. Sa kabutihang palad, nakita niyang isang inspirasyon si Marla, pero sa kasamaang-palad naman, ito rin ang taong unang sumira sa puso niya.
Muling bumalik sa isip ni Jay ang mga alaala.
He's only 13 when Marla first worked on their mansion. Tumutulong ito sa lola niyang si Lola Carmen na kasambahay nila at siya rin ang student tutor, hindi lang para sa kanya, pati na rin sa iba niyang pinsan. Palagi niyang pinapansin si Marla noon—mula sa maingat nitong kilos hanggang sa paraan ng pagtawa nito kapag may birong nagugustuhan. Pero mas lamang ang pagiging seryoso nito, lalo na pagdating sa kanya. Kaya ang ginagawa niyang mechanism, ay ang pang-aasar at magkunwaring binabalewala niya ang efforts nito na turuan siya.
"Bakit hindi ka man lang tumatambay o sumasama sa amin? Lagi kang busy," tanong niya noon sa isang hapong nagkakatulungan sila sa library ng mansyon.
Ngumiti si Marla, pero halatang may bigat sa mga mata niya. "Kasi kailangan kong magtrabaho, Jay. Hindi lahat kasing swerte mo."
Sa kabila ng pagiging palaging seryoso ni Marla, hindi niya mapigilan ang nararamdaman. At that time, he knows that Marla has dealing with some problems that she couldn't tell to anyone. Gusto niyang makatulong, na umabot na sa pagiging impulsive ng kanyang approach. Kaya't sa isang pagkakataon, naglakas-loob siyang umamin sa nararamdaman niya para rito.
"Marla," banggit ni Jay sa pangalan nito.
"Anong Marla? Ate Marla," pagtatama nito sa kanya at kumunot pa ang noo. "May hindi ka ba naiintindihan sa lessons ninyo?"
"W-wala naman," nauutal na sagot ni Jay. "Ano, ate may gusto akong sabihin talaga."
"Okay, sige, ano ba 'yon?" Saka lang binaling sa kanya ni Marla ang tingin sa kanyang pagtatanong.
"Gusto kita. Hindi ko alam kung kailan talaga eksaktong nagsimula, pero lagi kitang naiisip. Gusto kitang ligawan," sabi niya isang gabing nag-abot siya ng mga bulaklak sa kanya sa likod ng mansyon.
Pero ang sagot ni Marla ay nagdulot ng sakit na tumatak sa kanyang puso't isipan. Much worse, tinawanan lang siya nito. "Grabe naman 'yang panti-trip mo, parang sumusobra na yata."
"No. Seryoso ako," pagpipilit ni Jay. "Gusto ko na kung sakali, ako na lang ang maging first boyfriend mo."
"Mas lalong tumawa si Marla. "Loko ka! Ang bata mo pa, dapat hindi mo ginagawang biro 'yong mga ganyang pagtatapat. Saka anong alam mo sa pagmamahal na 'yan? Hirap ka ngang sumagot sa assignments mo. Umayos ka, isusumbong kita sa Tito William mo.
Bata ka pa. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Hindi tayo magka-level, at hindi ko puwedeng sirain ang mga pangarap ko para lang sa nararamdaman mo. I'm sorry huh? At isa pa, kilabutan ka nga! Ang layo ng agwat ng edad ko sa'yo, hindi ako predator na nangko-korap ng kaisipan ng mga menor de edad. Grabe!"
Noong gabing iyon, parang gumuho ang mundo niya. At ilang linggo matapos ang pagpipilit niya sa sarili niya para rito, narinig niya na umuwi na raw si Marla sa probinsya at hindi na babalik pa.
Ngunit kahit nasa malayo na si Marla, hindi siya tumigil sa pag-alala sa kalagayan nito. Naging stalker siya ng social media nito, sinusubaybayan ang bawat post at update. Doon niya nalaman na nagsusulat din pala ito ng mga nobela. Romance pa ang main genre nito, na malayo sa personality nitong mapanakit at tila walang paniniwala sa pagmamahal.
When he turned 18, ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa France para mag-aral. Sa gitna ng kanyang abalang buhay, nanatiling si Marla ang inspirasyon niya. Lalo siyang nagseryoso sa pagbabasa, at halos hindi mabilang kung ilang ulit niyang binasa ang mga librong isinulat nito kahit sa online lamang naka-publish.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top