CHAPTER 29

Nakatanggap na naman si Marla ng tawag mula kay Lola Carmen, at ang boses ng matanda ay puno ng alalahanin. Sinabi nito na hindi na naman daw iniinom ni Nanay Susan ang gamot niya at parang nagpapabaya na naman ito sa kalusugan.

Habang iniintindi ang kanyang trabaho at ang mga pamilya, naramdaman ni Marla ang isang hindi maipaliwanag na kabigatan sa dibdib. How long will she endure being a middleman and a breadwinner at the same time? Ang dami na niyang iniisip.

"Jay, kailangan kong umuwi agad sa Batangas. Si Nanay Susan, hindi ko kayang pabayaan siya. Kailangan ko siyang kausapin," ang sabi niya sa text. Napilitan na naman siyang mag-leave ng kahit isang linggo. She was having a hard time understanding her own mother.

Natanggap naman ni Jay ang message niya habang nasa Antipolo ito.

"Marla, are you sure? Pupunta ka doon nang hindi ako kasama? Wait, I'll fix my schedule asap. Basta hindi pwedeng mag-isa ka lang na pupunta. Hindi ko kayang hindi ka makita, paano kung may mangyari sa'yo?"

Tinatamaan ng matinding takot si Jay kapag naiisip niyang mag-isa si Marla sa ganitong sitwasyon.

"Ako na lang, Jay. Masyado na akong nakakaabala. Saka relax, hindi gyera ang pupuntahan ko. Nanay ko lang at ibang intrigera naming kamag-anak," ang reply sa kanya ni Marla.

Matapos ang desisyon ni Marla na umuwi mag-isa, hindi na kayang magpigil ni Jay. Nag-file siya ng leave at nagdesisyon na sundan si Marla sa probinsya upang tiyakin na maaayos nito ang problema. Hindi na niya kayang hayaan pa si Marla na mag-isa sa gitna ng mga alalahanin nito, now that they already confessed their feelings for each other.

Pagdating ni Jay sa bahay ni Lola Carmen, nagulat siya nang makita niyang nakaupo si Marla sa balkonahe, tanging ang malamlam na ilaw ang nagsisilbing liwanag sa paligid nito. Nasa gitna ito ng matinding kalungkutan, at nakatuon ang mga mata niya sa kawalan. She was stunned upon seeing Jay, as she didn't expect him to follow her. Mas lalo niya itong minamahal kapag nagpapakita ito ng malasakit sa kanya.

"Sabi ko, huwag ka nang pupunta, eh." Marla tried her best not to cry. Mauubos na ang luha niya. Ang mantra niya, if she wants to see Jay more often, then she must always look good in all aspects. Kahit na hindi naman siya nito inoobliga na magpaganda o mag-ayos, mas gusto niya na makita siya nitong masaya na lang siya kahit papaano para hindi na ito mag-alala nang husto.

Tahimik na tumabi si Jay sa kanya, nang hindi muna nagsasalita ng kahit ano. He just looked at her and waited for her to tell what happened.

"Jay... hindi ko na kaya." Agad niyang niyakap si Jay ng mahigpit habang naglalaman ng labis na pagluha ang kanyang mga mata. "Lahat ng mga hinanakit ko sa pamilya ko, ang hirap i-handle nang mag-isa."

Bagamat hindi alam ni Jay kung paano magbigay ng magandang advice, niyakap niya lamang si Marla nang mahigpit. "I'm here for you, Marla. Hindi kita iiwan."

Matagal silang nagyakap sa gitna ng dilim ng balkonahe, parang ang lahat ng kanilang mga problema ay nawawala habang nagsasama sila sa gitna ng katahimikan.

"Alam mo, Jay, hindi ko alam kung anong nangyari. Si Nanay Susan... Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya. Parang ang hirap hawakan ang relasyon namin, Jay. Ako pa mismo ang lumalapit kay Lola Carmen dahil siya lang ang may malasakit sa akin. Sobrang hirap, kaya ako nagdesisyon na umuwi. Simula nang mamatay si tatay, madalas na siyang demotivated at masungit. Tuwing nagkakasakit siya, parang ayaw na niyang magpatuloy. Pero hindi niya naiisip na kaming maiiwan ang nag-aalala sa kanya."

"I now understand why you're so afraid to love, Marla," tanging nasambit ni Jay at ginawaran ito ng mabilis na halik sa noo. Hindi pa niya maintindihan ang buong sitwasyon ngunit damang-dama ang sakit na nararamdaman ng asawa niya. It seemed right now, he shares the pain with her.

Tumango lamang si Marla habang nakayakap kay Jay. She didn't know that this is the kind of emotional support she needed. "Natatakot ako na baka kapag naranasan ko ang pagmamahal na gaya ng naramdaman ni nanay kay tatay, eh baka gano'n din ang mararanasan ko. Kaya minsan, naiintindihan ko pa rin kung gaano niya ipinaglalaban ang lupa nila ni Lola Carmen. Alam niya na sobrang halaga no'n kay tatay."

"Marla, sometimes people show their love in different ways. Hindi lahat ng magulang ay kayang ipakita ang kanilang pagmamahal tulad ng gusto natin. Pero habang hindi pa kayo okay, nandito naman ako para sa'yo. Hindi tayo aalis dito hangga't hindi natin nakakausap si Nanay Susan. Ayos ba sa'yo?"

Habang sila'y magkayakap, naisip ni Marla na kahit gaano man kalaki ang mga pagsubok na kinahaharap niya, hindi na siya mag-iisa pa.

***

Maagang nagising sina Jay at Marla upang harapin ang dapat nilang ayusin kay Nanay Susan. Bumangon sila nang sabay at nag-agahan kasama si Lola Carmen. Tahimik lamang si Marla habang kinakain ang pandesal na inihanda ng lola. Ramdam ni Jay ang kaba sa kanya, kaya hinawakan niya ang kamay nito.

"Wala kang dapat ikatakot, Marla. Nandito ako," sambit ni Jay na puno ng pagmamalasakit. "Basta tandaan mo lang, hindi ka magre-react ng something impulsive at hindi pwedeng passive-aggressive like we have discussed last night, okay?"

Ngumiti si Marla nang kaunti. Alam niyang si Jay ang nagpapalakas ng loob niya sa mga ganitong pagkakataon. "Hindi ko maipapangako na makakapag-chill ako kapag magalit na naman siya."

"Marla naman." Jay shook his head. Ilang saglit pa ay hinawakan niya ang kaliwang kamay ni Marla. Mas lalo siyang napangiti dahil suot din naman pala nito ang wedding ring.

"So, unti-unti mo nang tinatanggap ang katotohanang Mrs. Guillermo ka na?" Umusbong ang mapaglarong ngiti ni Jay.

"Hindi pa fully accepted," biro naman ni Marla.

Pagkatapos mag-agahan, agad silang nagtungo sa kwarto ni Nanay Susan. Nakaupo ang matanda sa gilid ng kama, tila matamlay ngunit nakatingin sa bintana na parang may iniisip na malalim.

"Nay..." bungad ni Marla, na may halong kaba at lambing.

Lumingon si Nanay Susan at ngumiti ng bahagya. "Marla, anak, kasama mo pala si Jay."

Agad na lumapit si Marla at naupo sa tabi ng ina. Sinundan naman siya ni Jay ngunit nanatili ito sa likuran, para bigyan sila ng space.

"Nay, bakit po hindi niyo iniinom ang mga gamot niyo? Alam n'yo namang kailangan n'yo iyon, gusto namin na magtagal kayo. Nahihirapan na po ako dahil sa ginagawa ninyo." Halata sa boses ni Marla ang pakiusap at pag-aalala.

Napaatras naman si Jay, sa wari niya, parang kailangan na talaga niyang umalis. Pero napasulyap sa kanya si Nanay Susan.

"Jay, dito ka lang. Sa tingin ko kailangan malaman mo rin ang problema namin." Nang masabi 'yon ay napabuntong-hininga siya.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Simula nang mawala ang tatay mo, parang nawalan na rin ako ng gana. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapatuloy. Kalahati ng buhay ko, nawala nang dahil sa pagpanaw niya. Pasensya ka na, pero pakiramdam ko, hindi na ako mahalaga sa'yo at parang minsan, mas nagiging pabigat na ako."

"Hindi po totoo 'yan, Nay," magalang na sabat ni Jay na hindi na nakapagpigil. "Mahalaga po kayo kay Marla. Mahal na mahal po niya kayo. Kaya nga po kahit gaano siya ka-busy, lagi niyang inuuna ang pag-aalaga sa inyo. Kaya please, tulungan n'yo rin po ang sarili niyo. Gusto po naming maging masaya kayo ulit. Siguro may mga pagkakataon lang po na ayaw niyang makipag-usap, dahil marami na siyang stress sa trabaho. Kung nahihirapan kayong asawa ni Tatay, paano pa siya na nawalan din naman ng ama?"

Marla was moved when she heard Jay say something like that, as if he had quickly echoed the thoughts in her mind. "Opo nay, sorry kung minsan umiiwas ako. Kayo naman kasi."

"Marla," tila pasuway na pakli ni Jay, trying to remind her to refrain from saying something offensive or hurtful.

Napatingin si Nanay Susan kay Jay, at tila may naramdamang bahagyang ginhawa sa sinasabi nito. Lalo na nang makita niya kung paano hawakan ni Jay ang kamay ng kanyang anak.

"Anak, sorry kung minsan parang hindi kita naaalagaan nang tama. Siguro kasi pati sarili ko, hindi ko na maasikaso. Pero ngayon, alam kong mali 'yon. Alam ko na kailangan din kitang ipaglaban katulad ng ipinaglaban ako ng tatay mo noon. Kayo, ng iba mo pang mga kapatid."

Napaluha si Marla. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hinawakan niya ang kamay ng ina at nagpasalamat sa sinabi nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top