CHAPTER 28

Dahil sa nangyari, hindi na nakatulog si Marla. Sa bawat galaw ng mga mata niya, parang mukha na lang ni Jay ang bumabalik sa kanyang isipan. Hindi niya matanggap na gano'n lang siya nito napasuko sa sarili niyang damdamin. Nahuli agad nito ang kahinaan niya, na kahit siya ay hindi alam na kahinaan niya iyon sa umpisa. Despite the lingering sensation, she couldn't stand the fact that she wanted it to happen again. Na kung mauulit lang sana, wala na siyang maramdaman na pag-aalinlangan.

Habang si Jay ay hindi na rin mapakali habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi niya alam kung paano magiging normal ang lahat pagkatapos ng gabing iyon. Hindi siya nagsisi sa ginawa niyang paghalik kay Marla at alam niyang hindi rin ito nagsisi. But there's still a sense of regret within him. Kung maayos lang sana silang nagpakasal na walang anumang kondisyon maliban sa pagmamahal, mas mararamdaman niyang malaya sila. Kalokohan niya ang nagtulak kay Marla na pakasalan siya kahit unti-unti na rin niyang nararamdaman na tinatanggap na siya nito sa buhay niya. The only problem was, if he wanted to claim Marla and get physical, love must be prevalent over anything else. Kailangang hindi maging sapilitan ang lahat.

He let out a sigh. Hindi pwedeng matulog sila nang hindi nagkakalinawan. He picked his phone and was about to message her. Pero dumaan sa feed niya ang isang shared post ni Marla, tungkol sa ideal type nito sa lalaki.

"Kaedad ko. Kapareho ko ng status sa buhay. Hindi impulsive kung kumilos. Lalong hindi immature." Iyon ang caption niya.

Aminado si Jay, nadismaya siya sa post ni Marla. Hindi na siya nakatiis, kinatok niya ang pinto ng silid nito.

"Marla, alam kong hindi ka pa tulog. We need to sort things first before going to sleep!" sigaw niya habang kumakatok.

Iritableng bumangon si Marla at nagtakip na siya ng kumot sa buo niyang katawan kahit balot na balot na siya ng damit. Pinagbuksan niya si Jay na gano'n ang ayos niya. Napakunot-noo lang ito.

"Anong kailangang ayusin?" biglang tanong ni Marla.

Tumawa lang tuloy si Jay habang pinagmamasdan siya na talagang hindi mapakali. And she looks totally weird.

"I need to apologize for being reckless—for being a man who seemed to be carried away with your underlying beauty, Marla. I hate this feeling. Hindi ko na ito nararamdaman sa iba, tanging sa'yo lang. Ever since I met you, doon sa Antipolo branch ng Hauling Coach at nang ikaw na ang naging trainor ko, hindi ko na naisip na makipaglaro pa ng apoy sa iba't ibang mga babae," pagtatapat ni Jay, na talagang may pagsusumamo.

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin 'to? Pwede mo namang palampasin 'yong nangyari kanina, hindi ba? Kasi alam kong wala lang 'yong mga gano'ng bagay sa'yo. Ilang babae na ba ang naikama mo? Na mas wild at hindi inosente. Jay, hindi mo makukuha ang tiwala ko kahit maangkin mo ako," matigas na pahayag ni Marla.

"I kissed you because I started to love you more everyday. Wala akong paki kung ibigay mo ang tiwala mo sa'kin o pagdudahan mo ako habambuhay. Ang mahalaga lang, nandito ka sa tabi ko, at hindi ka mawawala. Marla, I deeply cared about you. Hindi ko kayang i-objectify ang isang tulad mo na dapat pinauulanan lang ng sincere na pagmamahal!" Mas naging sincere ang himig ni Jay. Biglang tumulo ang luha niya sa harap ni Marla.

"You will never love me, alam ko naman 'yon. Pero sana kahit papaano, seryosohin mo naman ako. I'm not fooling around anymore. I can't make you think that I'm not a changed man, Marla. Please, hayaan mo lang ako na mahalin ka sa paraang alam ko at huwag mo na akong itataboy."

Huminga nang malalim si Marla. "I'm sorry, Jay. I'm sorry kung parang hindi mo nakikita na pinahahalagahan naman kita. Pero, ayokong magmahal. Ayokong mabaliw sa'yo. Ayokong lumalim pa 'to dahil alam ko na hindi rin maganda ang kahihinatnan."

"Paano mo nasabing hindi maganda ang kahihinatnan? Do you even try to reciprocate? Do you even try to see the new version of me?" Kahit nasasaktan, naramdaman ni Jay ang katapatan ni Marla. Pwede na rin niyang isipin na paunti-unti lang, matututuhan din ni Marla kung paano ipakita ang totoong damdamin nito.

"Bakit ako pa, Jay? Ang dami dyan, na mas bagay sa'yo. Kasing bata mo, mas maganda—"

Pinahinto siya ni Jay sa pamamagitan ng mahigpit na yakap, habang nananatili pa rin sa kanya ang kumot na ibinalot niya sa kanyang sarili.

"I'm also asking that, Marla. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong makipag-date sa kahit sino pero nandito ka pa rin, sa puso ko. I thought that this was over. But when I came back and saw you again, bumalik lahat. I resented you for rejecting me. I'm always hurt whenever you try to push me away. To be honest, I thought that this marriage would be my revenge, pero hindi ko talaga kayang magalit sa'yo."

Mas naramdaman ni Marla ang higpit ng yakap ni Jay. Napaluha rin siya sa confession nito. She never imagined that a handsome, carefree, and slightly arrogant man would be so persistent in letting himself into her world. Hindi na niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya. The wall she built was slowly crumbling down until she finally realized that she hugged him back—the act that she never knew she wanted to do for a long time.

"Hindi ko alam ang pagmamahal na 'to," ang tanging nasabi ni Marla habang yakap si Jay at tuluyan nang bumagsak ang kumot niya sa sahig. She felt that his hug makes her warmer than anything else.

"You know it; you just don't know how to express it," pabulong na sambit ni Jay at iniangat ang mukha ni Marla, by lifting her chin up to look at him.

Leaning closer, Jay issued a warning. His eyes were filled with admiration and longing for Marla. Due to their closeness, they can feel the warmth of each other's breath. Marla simply closed her eyes to accept his kisses. She was powerless to control it. He is everything at the moment, and she loves him.

Jay gently pushed her to bed and didn't stop the kiss. When he felt that Marla was struggling to follow his movements and some careless dominance, he halted for a while.

"I'm sorry, hindi ko napigilan," he apologized and grinned for a while before asking the next question, "Have you ever kissed a man before?"

Umiling si Marla. "Ikaw ang first kiss ko."

Jay believed her. "For a first-timer, that was incredible."

He pulled her closer once more and gently kissed her, and it slowly got deep.

But before they got carried away from the moment, Jay realized that their timing wasn't right. It felt like he pressured Marla, so he stopped and kissed her forehead instead.

"I'm sorry. We will do it again next time; I know you're not prepared for something more. Kailangan na nating matulog, okay?"

Marla smiled and let out a sigh. Then she pulled herself close while they were lying in the same bed."Goodnight."

"And good morning," Jay laughed. Napatingin siya sa wall clock ng kwarto bago ipikit ang mga mata. It was already 1 AM.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top