CHAPTER 27
Sa kanilang bagong tirahan, unti-unting nagbago ang dynamics ng kanilang pagsasama. Isang gabi, habang nagpapalit ng damit si Jay sa sala matapos ang workout, biglang lumabas si Marla mula sa kusina. Napahinto siya nang makita si Jay na nakatalikod, pinupunasan ang pawis mula sa mukha habang nag-aalis ng shirt.
Napatitig siya, at bago pa man niya namalayan, kumabog na ang kanyang dibdib. Jay's well-built physique, which she used to ignore, now seemed to leave an unusual feeling within her. Nang mapansin niyang patagilid itong lumingon, agad siyang bumalik sa kusina, nanginginig pa ang kamay niya habang hawak ang baso.
"Ano ba 'to?" tanong niya sa sarili. "Bakit parang iba na ang tingin ko sa kanya?"
Samantala, si Jay naman ay walang kamalay-malay na siya ang iniwasan ni Marla. Pero habang naglalakad papunta sa kwarto, nakita niya ito sa kusina at nakatingin sa kawalan. Halatang balisa. Napangiti siya nang bahagya ngunit pinili niyang hindi na lang umimik. He just acted like he didn't notice her.
Ngunit hindi rin maikakaila ni Jay ang mga nararamdaman niya. Ang simpleng presensya ni Marla sa bahay ay sapat na upang guluhin ang kanyang isip. Even though Marla was so simple and had no provocative approach, he couldn't help but feel something. He had never thought of objectifying Marla at any point. Hindi niya ito pinakasalan para sa makamundong bagay dahil mas nauuna ang pagmamahal niya rito.
"Hindi na ito tama," bulong niya sa sarili habang nakatingin sa kisame ng kanyang kwarto. "Paano kung hindi ko mapigilan ang sarili ko?"
Isang hapon, pareho silang nasa sala. Abala si Marla sa pagsusulat, habang si Jay naman ay nanonood ng balita. Sa pagmamadaling bumangon upang kumuha ng tubig, biglang nabangga ni Marla si Jay.
"Sorry!" mabilis niyang sabi, hawak ang kanyang braso na tila napaso sa pagtama sa dibdib ni Jay.
Napangiti lang si Jay at saka umiling. "Okay lang. Wala ka namang nasira, eh."
Ngunit hindi maitatago ng kanilang mga mata ang biglang tensyon. Sa unang pagkakataon, naramdaman nilang dalawa ang tila boltahe ng kuryente na dumadaloy sa pagitan nila.
Nagkunwaring bumalik sa normal si Marla, ngunit habang naglalakad pabalik sa lamesa, napansin niyang malakas pa rin ang kabog ng kanyang dibdib. Si Jay naman, nakatingin lang sa kanya at sinusubukang kontrolin ang sariling damdamin.
Bago pa sila matulog, nagpasya silang dalawa na mag-usap muna tungkol sa mga bagay-bagay, hindi lamang tungkol sa mga personal na problema kundi pati na rin sa kanilang trabaho.
"Sa tingin mo, ililipat ka na naman nila ulit kapag sunod sunod na ang accidents sa trucks? Hindi mo naman kasalanan 'yong mga aksidente, eh. Kahit gaano pa kagagaling ang dispatching pati ang mga mekaniko, hindi pa rin nagiging perfect lahat. Kabisado ko na 'yan sa field natin kaya i-disregard mo muna ang mga iniisip mo, na hindi mo matatagumpayan ang posisyon sa pagka-CEO," mahabang litanya ni Marla habang nagbabasa ng reports at hindi tumitingin kay Jay. Recently, napapansin niyang pressured na rin si Jay sa mga gawain nito sa operations at sa pagpapalipat-lipat niya minsan sa Antipolo at Laguna branches.
"Hindi ko na iniisip muna 'yon. Tito William is right, kakainin lang talaga ako nang buhay dito at napakalayo ng environment ng pagtatrabaho rito compared sa France. Yes, in France, systems were advanced but there's something lacking. Ang hirap din i-explain. While here, kahit halos manual pa ang proseso, may human connection naman kaya nagiging masaya at magaan pa rin ang pagtatrabaho," sincere na pag-amin naman ni Jay. Ngayon lang sila nakapag-usap nang ganito ni Marla, iyon bang hindi nila kailangang magtalo, magsigawan, at mag-asaran. Itong pag-uusap nila, parang katulad na sa mga mag-asawang pinagbuklod ng pagmamahal.
"Malaki na talaga ang pinagbago mo, kahit hindi ka pa nakaka-one year. Ang galing mo na rin kung makisama sa ibang tao. Sometimes, naa-assume ko na parang effective ang pagiging mentor ko sa'yo," nakangiting pakli ni Marla na may kaunting pagbibiro.
"You're more than just a mentor, Marla. For me, ikaw ang emotional support ko. You're like a sunshine," masuyong sambit ni Jay saka lumipat sa pwesto ni Marla para matingnan ito nang maigi.
While listening to Marla earlier, his eyes were focused on her lips, and every movement of her mouth gave him a sensation he couldn't explain. Tila ba ang mundo nila ay umiikot na sa kung ano ang nararamdaman niya para sa kanyang asawa. Natahimik siya habang tinititigan ang mga labi nito, at napansin niyang tumigil naman si Marla sa pinagkakaabalahan nito.
"Ginawa ko lang ang pakiusap ni Sir William na tulungan ka," sabi ni Marla at mabilis na binawi ang tingin kay Jay. Alam niyang anumang oras, may posible na namang maganap na kapwa nila inaasam—at inaasahan.
Natahimik si Jay at tumagal ng ilang segundo ang pananahimik niya bago siya bumulong nang mahina. "Marla, will you let me kiss you for a while?"
Hindi na siya nakapagpigil. Bahala na kung anong maging reaksyon ni Marla. He might go insane if he keeps on holding back.
Marla was stunned, her eyes avoiding Jay's as she quietly studied his expression. Uncertainty clouded her thoughts when their gazes momentarily met. Hindi siya nakasagot agad. Ang ilang segundo ng katahimikan ay inulan lamang ng mga saloobin na hindi pa nila kayang pakawalan.
Matapos din naman ang ilang sandali, isang marahang pagtango ang sinagot ni Marla at saka ipinikit ang mga mata. Hindi na niya rin alam kung bakit siya pumayag; hindi na niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niyang isang uri ng pagkasabik na hindi na niya pwedeng itago.
Jay didn't hesitate and slowly moved closer to her. Gently, he brought his lips next to hers to deliver a soft kiss that seemed to create a world of its own between them. As they kissed, Marla felt Jay carefully remove her glasses, which had been a slight barrier to their closeness. She sensed the warmth of his body and the tender movements of his hands as he brushed aside the strands of hair that had fallen onto her shoulder. Marla leaned back against the sofa, overwhelmed by the whirlwind of emotions and sensations that grew stronger with every passing moment.
Hinayaan niyang magpatuloy ang halik. Nagsimula siyang sumabay sa paggalaw ni Jay, at sa bawat magkasunod na pagdampi ng kanilang mga labi, tila nag-uunahan ang kanilang mga puso sa kabog ng damdamin. She felt the soft touch of his lips trailing from her neck to her shoulder, his hands already attempting to remove her T-shirt. But just as they were about to be consumed by the heat of the moment, Marla paused and gently pushed Jay away.
"Tama na, Jay," aniya, at ang boses ay puno ng kalituhan at galit. "Hindi na natin ito dapat ginagawa. Tinutukso lang natin ang mga sarili natin."
Naglakad siya palayo at nagsimulang magmadali papuntang kwarto. Hinayaan niyang magtaglay ng malamig na hangin sa kanyang mukha upang malinawan siya sa mga susunod na hakbang. Nakatingin si Jay sa kanya, na hindi rin makapaniwala sa nangyari. Isa ito sa mga alalahanin niya. Alam niyang may nakaraan si Jay na malapit sa makamundong bagay. Natatakot siya na kung maulit ang ganitong sitwasyon, ay samantalahin siya nito at tratuhing parang gamit lamang upang matugunan ang sariling pagnanasa.
Earlier, she knew their kiss was filled with love, and she was certain they both wanted it. For the first time, it felt as though her womanhood had truly awakened.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top