CHAPTER 26
Si Marla naman ay unti-unting nagmulat ng mata at nagulat nang makita ang mukha ni Jay na napakalapit sa kanya. Mahinahon ang paghinga nito, tila payapa sa kanyang panaginip. Doon niya lang napansin na kayakap pala niya si Jay.
As she gazed at her husband's face, she noticed the details—the gentle expression even with his eyes closed, the slight stubble that added to his charm, and the way he carried himself with grace even in moments of vulnerability.
"Ang gwapo niya," mahina niyang bulong sa sarili. Hindi niya inaasahang magtatagal nang ganito ang kanyang pag-iisip tungkol kay Jay. Noon, batang lalaki lamang ito na hindi niya tinapunan ng romantikong pagmamahal. Ngunit ngayon, ang lalaking nasa harap niya ay tila naging sagot sa mga tanong niya sa buhay. Bigla niyang naisip ang mga pagkakataong tumulong si Jay sa kanya, ang pagiging matiyaga nito kahit na parang binabalewala niya ang pagsisikap nito. Naramdaman niyang hindi siya kailanman pinilit ni Jay na magbukas ng damdamin. At ngayong magkatabi sila, wala siyang naramdamang sapilitan—tanging pagmamahal lamang na tila unti-unting umaapaw.
'Baka hindi siya ang moral consequence na binigay sa tulad ko. Baka siya pala ang biyayang matagal nang nakalaan para sa akin.'
Habang nagmumuni-muni, muling gumalaw si Jay. Lihim na nagdiwang ang puso niya nang marinig si Marla na nag-compliment sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nagkunwaring kagigising lang din.
"Good morning," bati niya, na may halong pagkailang dahil sa kanilang posisyon.
"Good morning din," sagot ni Marla, ngunit hindi na niya nagawang itago ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi.
Out of the blue, pareho silang natahimik. Bumangon si Jay at tinitigan si Marla na parang nahihiya sa mga sandaling iyon.
"May nagawa ba akong mali kagabi? Bukod sa paglalasing ko at pag-abala sa'yo?" He just wanted to make sure that Marla would confront him about their kiss.
"Wala naman. Mabigat ka lang. Nahirapan akong isakay ka sa taxi," kibit-balikat ni Marla at hindi na nilahad ang 'almost intimate' moment nila ni Jay.
"If there's something I did na alam mong naka-violate sa'yo, please just tell me." Jay had no idea why Marla didn't even get angry about the kiss. He expected her to throw punches at him, yell, or curse, but at that moment, he only saw a softer side of Marla, as if she was too tired to argue.
"Wala naman talaga, ano bang i-e-explain ko?" Tumayo na lang si Marla at nagtimpla ng kape. Wala rin siyang balak na ipalam kung paano inamin ni Jay sa kanya na binago niya ang puso nito.
Sa tahimik na umagang iyon, tila nagkaroon ng bagong pag-asa. Hindi man malinaw kung ano ang hinaharap, ang mahalaga, pareho nilang nararamdaman na ang relasyong ito na nagsimula bilang kasunduan ay unti-unting nagiging totoo.
**
Pagkatapos nilang mag-almusal, nagmadaling nagbihis si Marla para pumasok sa opisina. Si Jay naman, bagama't gusto pang makasama ang asawa, ay naghanda na ring bumalik sa ospital upang kumustahin si Mang Lino. Sa kabila ng kanilang mga ngiti, parehong bumibigat ang kanilang pakiramdam sa tuwing kailangan na nilang maghiwalay.
"Huwag ka nang maglalasing nang gano'n, Jay. Delikado rito, hindi gaya sa BGC na mga katulad mo lang ang pwede mong makasalamuha. Maraming mapagsamantala rito," paalala ni Marla.
Habang naglalakad sila palabas ng dorm, patungo sa highway, napansin ni Marla ang isang pamilyar na mukha mula sa Laguna branch. Si Odessa, isa sa mga senior staff, ay papalapit mula sa kabilang direksyon. Agad siyang nataranta at hinila si Jay papunta sa isang makitid na kalsada.
"Bakit tayo tumigil?" tanong ni Jay, at bakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Si Odessa, muntik na nating makasalubong," mahina ngunit mariing sagot ni Marla. "Baka makita niya tayo. Alam mo naman kung gaano kalakas kumalat ang tsismis sa opisina."
Naguguluhan man, sumunod na lang si Jay. Ngunit habang naglalakad sila sa ibang daan, hindi niya mapigilan ang lungkot na maramdaman. Ayaw niyang itago ang kanilang relasyon, ngunit naiintindihan niyang hindi pa handa si Marla na ibunyag sa lahat ang tungkol sa kanilang setup.
Kinagabihan, matapos ang abalang araw sa ospital at trabaho, nagpasya si Jay na kausapin si Marla. Habang abala ito sa pagbabasa ng isang file sa sala ng dorm, lumapit siya at umupo sa tabi nito.
"Marla, kailangan nating pag-usapan ang setup mo dito," panimula niya.
Tumingin si Marla sa kanya, bahagyang nagtataas ng kilay. "Bakit? Ano na namang iniisip mo, Jay?"
"Tingin mo ba komportable ka rito? Masikip ang lugar, wala kang masyadong privacy, at hindi rin maganda ang environment. Frankly speaking, hindi ito ligtas para sa'yo," mahinahong paliwanag ni Jay.
"Okay lang ako dito. Hindi ko kailangan ng malaking space," mas mahinahong sagot ni Marla, halatang iniiwasan ang direksyon ng usapan.
Pero hindi sumuko si Jay, at sa usapang ito, wala talaga siyang balak na sumuko. "Hindi lang iyon, Marla. Gusto kong masigurado na nasa maayos kang kalagayan. Alam kong hindi tayo tulad ng ibang mag-asawa, pero hindi ibig sabihin na hindi kita pwedeng alagaan. Especially when you're aware that I still have some admiration and respect for you."
Napatingin si Marla sa kanyang gwapong asawa. Naroon ang sinseridad sa boses ni Jay, at alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi niya ito pinapakinggan.
"Saan mo naman ako balak na ilipat?" tanong niya na tila makukumbinsi na rin.
Ngumiti si Jay, kita ang bahagyang tagumpay sa kanyang mga labi. "Maghanap tayo ng bahay na nasa pagitan ng Antipolo at Laguna. Mas malaki, mas komportable, at hindi na rin tayo mag-aalala na may makakita sa atin. At saka... mas magkakaroon ka ng sapat na espasyo para sa sarili mo."
Sa huli, napapayag ni Jay si Marla. Ayaw man niyang aminin, naantig siya sa kabutihan ng kanyang asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top