CHAPTER 25

Natanggap ni Jay ang balita na naaksidente si Mang Lino, isa sa mga pinaka-maasahan at matagal nang driver ng Hauling Coach Express. Ang truck na minamaneho nito ay sumalpok sa poste ng kuryente matapos mawalan ng preno habang nasa biyahe papuntang Bulacan. Mabigat ang pinsala, at agad itong isinugod sa ospital.

Tumambad sa kanya ang pamilya ni Mang Lino—ang asawa nito, si Aling Rowena, at ang dalawang anak na parehong high school students pa lamang. Ang mga ito ay nasa gilid ng emergency room, halatang balisa at hindi mapakali.

"Kumusta na po si Mang Lino?" tanong ni Jay sa doctor na kalalabas lamang mula sa silid. Ipinaliwanag nito na malala ang mga natamo ni Mang Lino, kabilang ang bali sa mga buto sa binti. Makakabalik man ito, pero malabo na ang posibilidad kung hindi ito mag-i-improve pagkatapos ng operasyon.

Nakita ni Jay kung paano nag-collapse si Aling Rowena nang marinig ang balita. Niyakap siya ng mga anak nito habang parehong humahagulgol. Sa gitna ng sitwasyon, naghanap ng lakas si Jay para magsalita.

"Huwag po kayong mag-alala," sabi niya, hawak ang balikat ng ginang. "Kami na po sa Hauling Coach ang bahala sa lahat ng gastusin sa ospital. At kung ano man ang mangyari, hindi po namin pababayaan ang pamilya ninyo."

Tumango si Aling Rowena kahit namumugto ang mga mata. "Salamat po, Sir Jay. Alam kong mahal na mahal ni Lino ang trabaho niya. Lagi niyang sinasabi na maswerte kami na nasa Hauling Coach siya. Sana po talaga, gumaling na siya."

Habang nag-uusap, napatitig si Jay sa mga anak ni Mang Lino na halatang nahihirapan sa sitwasyon. Sa loob-loob niya, nakita niya ang kanyang sarili sa mga ito, na tulad niyang minsa'y naging isang bata na takot mawalan ng mahal sa buhay at mas higit na takot sa hinaharap nang mag-isa.

Nang paalis na si Jay sa ospital, hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng lahat ng nangyari. Para sa kanya, dati ay trabaho lamang ang lahat ng ito—mga papeles, logistics, work schedules—and the entire operations. Pero ngayon, unti-unti niyang nararamdaman ang personal na koneksyon niya sa mga tao sa kumpanya. Hindi na lamang ito tungkol sa pagiging "boss" o pagpapakitang-gilas niya sa higher-ups pati kay Marla. Being in this line of job for the first time made him soft for the people around him. Sa gabing iyon, dala ng kabigatan ng isip at damdamin, napunta siya sa isang bar malapit sa Laguna, nagbabakasakaling maibsan ang sakit sa tulong ng alak.

Habang nakaupo sa bar, nakatitig si Jay sa baso ng alak na hawak niya. Sa bawat lagok ng alak, tila bumibigat ang kanyang dibdib. Sa gitna ng kalasingan, bigla niyang naisip si Marla at ito lang ang taong alam niya na makakaintindi sa bigat na kanyang nararamdaman.

Dinampot niya ang kanyang telepono at tinawagan si Marla. Nang sagutin nito ang tawag, agad niyang narinig ang malamig ngunit nag-aalalang boses nito.

"Jay, bakit ka tumawag? May nangyari ba?" tanong ni Marla na lubhang nag-aalala sa kabilang linya.

"May problema ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sunduin mo ako rito, please..." he answered, slurring because of the liquor. Halata ang lungkot at desperasyon sa boses niya.

Nag-alala naman si Marla sa tawag ni Jay, kaya hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ito sa address ng bar na galing sa shared location ng phone nito. Pagdating niya, nakita niyang lasing na lasing si Jay, nakasandal sa mesa, tila walang pakialam sa paligid.

"Jay, tumayo ka na. Uuwi na tayo," sabi niya, habang inaangat ito mula sa upuan.

"Marla, sorry... sorry talaga," bulong ni Jay habang inaakay siya ni Marla palabas. "Ikaw lang ang naiisip ko. Hindi ko na kaya mag-isa..."

Marla knows that Jay is drunk and will probably not remember what he said tomorrow, but deep inside, his words struck her heart.

***

Pagdating nila sa dorm na tinutuluyan ni Marla, inihiga niya si Jay sa maliit na kama. Pero sa halip na agad matulog, umupo si Jay sa gilid at humarap kay Marla, at tila may gustong sabihin. If before, she couldn't stand the smell of alcohol on Jay, now it seemed like it didn't bother her at all, and she didn't feel turned off or disgusted by it.

"Marla," panimula nito habang naghahabol ng hininga. "Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga sa akin. Ang bigat ng buhay ko minsan, pero dahil nandyan ka, pinapagaan mo lahat."

Nagulat si Marla. She didn't expect Jay's dramatic side, after all. "Parang nagiging poetic ka? Dahil ba ito sa nangyaring aksidente? Hindi ka naman ganyan, ah."

Maybe, until now, she hasn't even tried to get to know Jay because her impression of him never changed. Or perhaps Jay was speaking that way because he was drunk.

"My heart aches for Mang Lino's family. My attachment to them has become way too personal. This is all because of you, Marla. You turned a douchebag like me into the most empathetic guy in this field," madamdaming pahayag ni Jay.

Napangiti naman si Jay nang magtama ang paningin nila ni Marla. Without any warning, he approached her and cupped her face in his hands. He kissed her gently. And Marla, unable to react, was taken by surprise in that moment. She couldn't resist those soft lips brushing against hers, and she didn't want that moment to end. Sa maikling sandali, naramdaman niya ang init ng damdaming matagal nang nakatago. Ngunit bago pa siya makapag-react nang lubusan, nakatulog bigla si Jay dahil sa pagod at kalasingan.

Habang pinapanood si Jay na mahimbing na natutulog, napaisip si Marla sa mga nangyari. Ang mga alaala ng kanilang nakaraan, ang batang si Jay na minsan niyang ni-reject, ay ang lalaking bumalik din sa buhay niya sa hindi inaasahang paraan. Sa ganitong paraan, pwede pang ma-compromise ang career nila, at pwede silang makakuha ng judgment mula sa ibang tao.

Sa gabing iyon, naramdaman niya na unti-unting bumubukas ang puso niya para kay Jay. "Bakit hindi ko siya kayang tanggihan ngayon? Siguro nga... nagsisimula na rin akong mahalin siya."

Sa kabila ng komplikasyon ng kanilang kasal, nagkaroon ng liwanag sa kanyang damdamin—isang pag-asa na maaaring totoo ang pag-usbong ng pagmamahal sa pagitan nilang dalawa.

***

Pagmulat ng mga mata ni Jay, una niyang napansin ang katahimikan ng umaga. Ngunit higit sa lahat, ang pinakaagaw-pansin ay ang presensya ni Marla sa tabi niya. Mahimbing itong natutulog, na para bang walang alalahanin. Sa unang pagkakataon, nakita ni Jay ang para sa kanya ay pinakamaamong mukha—payapa at tila isang anghel. But still, it was clear that he violated their agreement. Alam niyang dala na naman ng alak ang impulsive moves niya na halikan ito kagabi. Nagtataka lang siya kung bakit hindi ito tumutol at parang tumutugon na rin sa kanya.

"Salamat," mahina niyang bulong, na para bang ang mga salitang iyon ay sagot sa lahat ng pagdududa at pangamba niya sa buhay.

Napansin niya rin ang masikip na espasyo ng dorm, kaya naisip niyang ang dahilan kung bakit sila magkatabi ay ang kakulangan ng tulugan. Ngunit sa sandaling iyon, hindi niya ininda ang liit ng lugar o ang awkwardness ng sitwasyon. Ang mahalaga, katabi niya si Marla at parang nagsisimula nang lumambot ang damdamin nito para sa kanya.

Nang makita niyang gumalaw ang mata nito, na tila magigising na, agad siyang pumikit at nagkunwaring tulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top