CHAPTER 24

Habang nagta-type si Marla sa laptop, hindi niya maiwasang mapangiti sa irony ng sitwasyon. Parang parallel sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon, ang kwentong sinusulat niya—na hindi niya inaamin sa sarili. Sa bawat salitang isinusulat niya, mas lalo niyang napagnilay-nilayan ang mga damdamin niya kay Jay.

Setting: 1940s, World War II Japanese Occupation in The Philippines

Ang female lead na si Maria ay isang guro sa baryo, bente kwatro anyos at kilala bilang masikap ngunit masyadong seryoso sa buhay.

Ang male lead na si Juan Carlos, disisyete anyos, ay anak ng isang haciendero at pilyong estudyante sa klase ni Maria. Kahit na tila malayo ang agwat nila—hindi lang sa edad kundi pati sa estado ng buhay, hindi napigilan ni Juan Carlos na humanga kay Maria. Sa kabila ng kanyang pagiging bata at maabilidad sa pagpapasimuno ng kalokohan, isa siyang lalaking seryoso sa pagmamahal. Ngunit sa pagdating ng mga Hapon sa bansa, hindi niya magagawa ang pag-amin dahil kinailangan ni Maria na lumikas, sa takot na abusuhin ng mga Hapon.

Sa kasagsagan ng digmaan, nagkagulo sa kanilang baryo. Si Juan Carlos naman ay sapilitang isinama ng mga sundalong Hapones upang gawing tagapagsalin ng wika dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles at Nihonggo.

"Kapag nagtagumpay tayo laban sa digmaan, babalikan kita. At kapag bumalik ako, sana tanggapin mo ako bilang taong karapat-dapat sa pagmamahal mo." — Iyon ang liham niya para kay Maria na hindi pa niya maipadala.

***

Habang patuloy sa pagtipa si Marla, napahinto siya pag-iisip nang may mag-vibrate sa kanyang cellphone. Si Jay, nagpadala ng message, via Messenger.

"Manang, anong oras na?"

Napatigil siya at hindi napigilang mapabuntong-hininga. "Ano ba 'to? Istorbo talaga kahit kailan," mahinang bulong niya sa sarili. Imbis na mainis, nakaramdam siya ng kakaibang saya.

"Wala ka bang orasan dyan? Bakit sa'kin mo tinatanong?" ang tanging reply niya sa message nito.

Habang sinusulat ni Marla ang unang talata ng bagong kabanata sa nobela niya, hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari kanina. Bakit kaya ang nahihirapan na siyang tanggalin si Jay sa isip niya? Sa bawat salitang inilalagay niya sa pahina, tila nagkakaroon ng kahalintulad na ugali ang kanyang male lead kay Jay—handsome, wealthy, confident, and quite intelligent. Ang hindi lang siguradong pagkakapareho ay ang kasiguraduhan na kaya nitong ipaglaban siya sa mga pagkakataon na buhay at kamatayan na ang pagitan.

"Bwisit na lalaki, kahit sa isip ko nang-iistorbo." Tumitig siya sa monitor, pinilit ibalik ang focus sa historical fiction na kanyang isinusulat.

Hindi niya namalayan na alas-dos na ng madaling araw. Napahinto siya sa pagta-type nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Isang text iyon mula kay Jay.

"Wala ka bang balak matulog? Okay lang naman na magtrabaho ka, pero huwag mo namang abusuhin ang sarili mo."

Napabuntong-hininga siya at sinagot ang text: "Eh, ikaw? Bakit gising ka pa?"

Hindi niya napigilang mapangiti, pero agad din niyang inalis ang ngiting iyon sa kanyang mukha. Ayaw niyang bigyan ng ideya si Jay na naantig siya sa reply nito.

"Night shift ako dito sa Antipolo. Pero ang out ko mamaya pang alas siyete ng umaga."

Napilitan tuloy siyang mag-reply. "So pahinante ka na pala ngayon?"

"Medyo. May pinuntahan kaming lugar na naaksidente ang isa sa trucks pero wala namang nasaktan, may damage lang na kailangang i-settle."

"Sige. Mag-iingat kayo dyan ng mga kasama mo. Paki-remind din naman kasi na matulog din sila." Sa likod ng mga simpleng sagot niya, alam niya na ang puso niya ay tumitibok nang mas mabilis kaysa dati.

"Nasabihan ko na, kaya nga ikaw naman ang pinagsasabihan ko. Matulog na, manang. Bago kita bansagan ng 'manananggal' dyan."

***

Kinabukasan, nagising si Marla nang halos tanghali na dahil sa puyat. Rest day naman niya kaya doon muna sa kanyang dorm para magpahinga, pero natigil siya nang makarinig ng katok sa pinto. Binuksan niya iyon, at bumungad sa kanya si Jay, hawak ang dalawang cup ng kape at isang brown paper bag.

"Bakit ka nagpunta rito?" Nakakunot ahad ang noo niya nang harapin si Jay na parang hindi pa natutulog dahil galing pa sa Antipolo branch.

"Good morning na good afternoon. Kumain ka na ba?" tanong nito saka ngumiti nang may kayabangan ngunit halatang may pag-aalala. "11:30 na."

"Anong ginagawa mo rito?" iritadong tanong niya, kahit natutuwang makita ito. "Hindi mo na naman sinunod ang usapan natin, Jay. Saka mamaya may makakita sa'yo."

"Gusto ko lang siguraduhing kumakain ka nang maayos. Kaya mo bang magalit sa akin habang hawak ko 'to?" Iniabot niya ang paper bag na may lamang sandwich at brownies.

"Hindi mo kailangang gawin ito." Kinuha ni Marla ang dala ni Jay kahit nakakahiya. Hindi niya alam kung paano magpapasalamat nang hindi nagpapakita nang sobrang kagalakan. She felt like she seemed to abuse Jay's love language— quality time, and giving gifts. Pero ang pinaka-love language nito ay pang-aasar.

Habang magkasamang nagkakape, sinubukan ni Marla na gawing casual ang usapan. Ngunit si Jay, tulad ng dati, may paraan para ilihis ang kwento sa isang bagay na mas personal.

"Bakit hindi mo subukang magbakasyon kahit saglit?" tanong niya.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" baling ni Marla. "Marami akong trabaho. Isa pa, hindi naman ako katulad mo na may luxury para magpahinga. Kakatapos lang ng kasal natin at nakakahiya na kay Sir William."

"Gusto mo bang pilitin kita nang mas seryoso o gusto mong i-remind kita na asawa mo na ako?" May bahagyang pagbibiro sa boses ni Jay, but the consistency of his sincerity was always there.

Napangiti si Marla, kahit pilit niya itong pinipigilan. Ngunit bago pa siya makasagot, biglang nag-ring ang telepono ni Jay. Nakatanggap ito ng isang tawag mula sa Antipolo branch, may aksidente na naman daw.

"I think I have to go, manang. May hindi na naman magandang nangyari." Jay sighed out of frustration.

"Okay. Sige, mag-iingat ka. Pero, mukhang wala ka pang tulog," puna naman ni Marla.

"Huwag ka nang magpupuyat," paalala ni Jay bago lumabas sa dorm pero bago siya tuluyang umalis, bumalik siya kay Marla na para bang may nakalimutan pa siyang sabihin.

"Bakit? May nakalimutan ka?" Napaatras si Marla sa biglang paglapit ni Jay. Umiling lang ito at mabilis siyang hinagkan sa noo at saka niyakap nang mahigpit kahit saglit lang.

"Take care, Mrs. Guillermo. I know medyo off itong ginagawa ko, pero I need this to recharge," masuyong bulong ni Jay. At pagkatapos ng yakap, tumakbo na ito palabas, na parang natatakot na mahuli para sampalin.

Naiwang nakatulala si Marla. Naiwan din sa kanya ang pabango ng kanyang asawa at parang nararamdaman pa rin niya ang iglap na paghalik nito. She's starting to go head over heels for him!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top