CHAPTER 23

Kahit abala sa kanyang trabaho sa Antipolo, hindi tumigil si Jay sa pagkuha ng updates tungkol kay Marla sa Laguna branch. Ginagawa niyang dahilan ang mga operational matters para makadalaw doon, kahit ang totoo'y gusto lang niyang makita si Marla at alamin kung paano ito namumuhay mag-isa. Ngunit tuwing nakikita niya ito, ramdam niya ang malamig na pagtanggap at pag-ilag nito.

"Kamusta ka rito, manang?" tanong niya minsan, habang magkasabay silang kumakain ng lunch sa branch canteen. Bagamat may effort si Jay na gawing casual ang tanong, halata pa rin ang pag-aalala sa kanyang tono.

"Ayos naman ako. Hindi mo kailangang mag-alala." Sinubukan niyang maging maikli ang sagot, ngunit alam niyang hindi iyon sapat para kay Jay. "Umupa ako ng maliit na dorm malapit lang dito. Mas praktikal kaysa bumalik pa sa Batangas araw-araw."

Napailing si Jay, halatang nadismaya. "Alam mo namang hindi mo kailangang magtipid sa ganito. Kung kailangan mo ng bahay, sabihin mo lang. Pwede tayong maghanap ng rent-to-own na bahay dito. Pwede ka ring lumipat ng mas maluwag o kung gusto mo, doon na lang tayo tumira minsan.."

"Pakihinaan mo naman ang boses mo, malalaman pa nila, eh," saway ni Marla saka umiwas ng tingin. "Umarte ka naman na parang trabaho lang ang pinag-uusapan natin."

"Ayos lang ako sa dorm. Hindi ko kailangan ng bagong bahay. Isa pa, hindi naman gano'n kasimple ang sitwasyon natin." Alam ni Marla na hindi siya mapalagay sa ideya ng pagbabahagi ng tirahan kay Jay, lalo na't patuloy siyang naghahanap ng sagot sa kanyang damdamin. Sa ilang linggo na magkalayo silang dalawa, saka niya lang din napagtanto na hinahanap-hanap na niya ang presence nito. Hindi siya sanay na ma-miss ang asawa niya, lalo na't kasunduan lang ang nagtakda sa kanilang kasal. She feared that if this feeling stays longer, she might really fall for him. Baka mabaliw siya.

Sa kabila ng pagtanggi ni Marla, hindi nagawang itigil ni Jay ang pag-aalala. Masakit sa kanya ang makita itong gumagastos ng sariling pera para sa dorm, habang alam niyang kaya niyang ibigay ang lahat ng kaginhawahan para dito. Bandang huli, iginagalang pa rin niya ang gusto ni Marla na maging independent.

***

Habang patuloy si Jay sa pagdalaw sa Laguna branch, unti-unti niyang napapansin na hindi lang pala siya ang may interes kay Marla. May mga executive-level employees sa branch na nagtatangkang ipakita ang kanilang paghanga. Madalas niyang marinig ang mga papuri sa pagiging dedicated at matalino ni Marla, ngunit ang ilan ay mas direkta.

After their marriage, Marla became more confident with herself. Mas nag-aayos na ito ng sarili, hindi gaya noon na sapat na rito kahit walang anumang makeup. Hindi naman niya ito sinasabihan na mag-ayos dahil tanggap na niya si Marla sa kung ano man ang itsura nito. He didn't even dare to ask her to change because for him, her simplicity makes her special. Mas lalo pang bumagay sa asawa niya ang hanggang balikat nitong buhok na pinakuyan ng red brown shade.

Sa isang pagkakataon din, nilapitan si Marla ng isa sa senior executives matapos ang meeting. Nakita ni Jay mula sa malayo kung paano ito nag-alok ng coffee date kay Marla. Halata sa mukha ni Marla ang pagkailang, ngunit hindi rin nito nagawang magalit. Sa halip, magalang itong tumanggi.

Palabas na sa meeting room si Marla nang salubungin siya ni Jay sa pinto. "Bakit?"

Ngumiti lang si Jay. "Well, thank you for staying faithful to our hidden relationship."

Bagot na sinalubong ni Marla ang tingin ni Jay. "Mahirap nang pakitunguhan ang tulad mo Jay. Mag-isa ka pa lang sa lagay na 'yan, tapos sa tingin mo, makikipag-usap pa ako sa iba? Hindi na kaya ng powers ko. I'd rather be alone."

"Bakit? Para ka bang nag-aalaga ng toddler kapag ako na ang hina-handle mo?" Nagpakawala siya ng munting halakhak.

"Hindi naman. Basta, you're too annoying. Dapat alam mo na 'yon sa sarili mo," pigil na pagsinghal ni Marla.

"Kumusta ang Nanay Susan?"

"Maayos na siya, pero malungkutin pa rin. Teka lang, huwag kang humarang sa daan ko." Itinulak ni Marla si Jay para makalabas siya sa meeting room. Nagmadali siyang umuwi after ng shift. Habang mas tumatagal, mas lalo siyang naguguluhan sa damdamin niya para kay Jay. Isa rin sa dahilan ng pag-iwas niya ay para hindi nito mapansin na nag-ayos na siya nang bahagya sa kanyang sarili. Udyok kasi iyon ng pamilya niya na ngayong may asawa na siya, kailangan niyang panatilihin na maganda siya sa paningin ni Jay. Kung alam lang nila, na gusto niya naman talagang mag-ayos, it's just that whenever she wants to pamper herself, her reserved money was being spent on important things. Laging hindi niya nauuna ang sarili. At isa pa, sa line of work nila, hassle na magpaganda dahil madalas siyang naiinitan dahil sa iilang field tasks.

"Hay, ang ganda talaga ng asawa ko," bulong ni Jay habang sinusundan ng tingin si Marla palayo.

***

Kinabukasan, may isang empleyado na naman ang nagtangka na intrigahin si Jay. Maaaring nahahalata na rin siya dahil sa paglapit niya kay Marla. Sa gitna ng break room, nang may nagtanong kung bakit siya palaging nasa Laguna branch, laging tungkol sa trabaho lang ang ginagawa niyang palusot. Okay naman ang usapan, hangga't sa napadpad na ang topic sa personal niyang buhay. Kaya naman, kailangan na niyang umamin.

"Married na ako." Proud siyang ipakita ang kanyang singsing sa lahat ng naroon. Nagulat ang mga kasamahan, lalo na ang ilang umaasang maging malapit kay Jay.

"Married? Kailan pa?" tanong ng isa, ngunit nginitian lang ito ni Jay.

"Nitong taon lang kami nagpakasal Sorry sa mga umaasa."

Ang balitang ito ay mabilis kumalat sa buong branch. Nagdulot ito ng maraming usap-usapan, lalo na't wala namang nabalitang engagement o kasal sa social media ni Jay. Sino kaya ang masuwerteng babae? Halos lahat ng empleyado sa Laguna branch ay nagtanong-tanong kung sino ang kanyang asawa, ngunit walang nakakaalam na ang taong hinahanap nila ay nandoon mismo sa kanilang branch—si Marla Francisco, na ngayon ay Marla Guillermo.

Matapos kumalat ang balita tungkol sa pagiging married ni Jay, naging mas masigasig ang mga kasamahan niya sa Laguna branch na alamin ang pagkakakilanlan ng kanyang asawa. Madalas siyang biruin, at ilang beses din siyang sinubukang tanungin nang direkta, pero palagi lang siyang ngumingiti o nagbibigay lang ng pasimpleng sagot.

"Sir Jay, totoo bang married ka na? Paano mo nakilala 'yung asawa mo? Tsaka bakit parang sobrang sikreto naman?" tanong ng isa na halatang puno ng interes.

Napabuntong-hininga si Jay at tumingin sa kanila, ngunit may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Ah, gusto n'yo talagang malaman? Sige, ikukwento ko."

Nagkumpulan ang ilan sa paligid niya, sabik na sabik sa pwedeng marinig.

"Nakilala ko ang asawa ko noong 13 pa lang ako. Hindi ko nga alam na siya na pala ang babaeng magpapabago sa buhay ko," panimula niya. "Mula noon, hindi ko na siya nawala sa isip ko. Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong pagtungtong ko ng 14. Pero syempre, bata pa ako noon, wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa kanya at hindi pa ako sure kung pagmamahal na ba talaga 'yon."

Nagpalitan ng kilig na tingin ang mga empleyado, at ang isa ay hindi napigilang magtanong. "So kailan mo siya niligawan, Sir?"

"Noong 17 na ako," nakangiting sagot ni Jay, ang tinig niya'y puno ng pag-aalala sa detalye ng kwento.

"At noong taon ding 'yon, sinagot niya ako. Simula noon, naging kami na." Bahagya siyang tumawa sa kasinungalingang idinagdag. Bitter pa rin siya sa part na binasted naman talaga siya ni Marla noon, pero past is past. Ang mahalaga, kasal na ito sa kanya. "Pero naging long-distance relationship kami dahil kailangan kong mag-focus sa studies at trabaho. Ang dami naming pinagdaanan, pero siya lang ang naging constant sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon. I will keep on working hard because of her."

Napuno ng kilig ang grupo. "Ang tagal na pala! Parang destiny talaga!"

"Grabe, Sir Jay, true love pala ang story mo!" dagdag pa ng isa, halatang naantig sa kwento.

Alam niyang hindi pa handa si Marla sa direktang pagsabi ng totoo sa lahat, kaya't inilihim niya ang tunay na mga pangyayari habang nananatiling totoo sa damdamin niya.

Sa mga sumunod na araw, kapansin-pansin na nabawasan ang mga tsismis at tanong tungkol kay Jay. Ang kwento ng kanilang 'love story' ay tila naging sapat para sa karamihan ng empleyado. Maraming nagsabi na humanga sila kay Jay, at mas napatunayan nila ang pagiging mapagmahal at dedicated nito sa kanyang asawa, kung sino man iyon.

Nakarating din kay Marla ang bagay na 'yon. Natawa na lang siya sa sariling version ni Jay.

"LDR? Hindi ko mahihintay nang gano'n katagal ang pasaway na lalaki. Hindi worth it," naaasiwa niyang pakli sa sarili habang nasa dorm. Pero sa kabilang banda, parang nakaramdam na siya ng hindi maipaliwanag na kilig. Jay seemed proud of being married. Ito na ang gumagawa ng paraan para malaman ng iba ang limits nila when it comes to interacting with him, while she expects him to mess around from the start. Sa maliit na espasyong kinaroroonan niya, naisip niyang ipagpatuloy ang nobelang kanyang sinusulat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top