CHAPTER 22
Habang tumitindi ang kalagayan ni Nanay Susan, hindi na kayang mapagsabay ni Marla ang trabaho at ang pag-iisip sa kanyang ina. She had no other choice but to file for leave, but she decided not to inform Jay. She wasn't ready to face any questions or problems that might come from him.
Pinili ni Marla na si William na lang ang kausapin. Alam niyang bilang tiyuhin ni Jay, magiging madali sa kanya ang maunawaan ang sitwasyon, at hindi na niya kailangang ipaliwanag pa ang mga personal niyang dahilan.
At habang si Marla ay nagsasakripisyo sa pag-aalaga sa kanyang ina, si Jay naman ay hindi mapakali. Alam niyang may hindi tama sa mga nangyayari. Iba ang sitwasyon sa Laguna, at nang makita niyang wala si Marla sa trabaho ng ilang araw, natuklasan niya na hindi basta-basta ang dahilan. Hindi na siya nakapagpigil at nagdesisyon na pumunta sa Batangas.
When he arrived at Marla's house, some of her relatives were surprised to see him. They hadn't expected Jay to show up, especially when he introduced himself as her fiancé. Walang nakapagsalita sa ilang segundo, tanging ang mabigat na hangin sa paligid na tila nagiging dahilan ng mas maraming katanungan.
"Fiancé? Marla, anong ibig sabihin nito?" tanong ng isang tita ni Marla na hindi kayang itago ang pag-aalinlangan.
Si Marla, na naguguluhan at nabigla sa pagkakakilala ni Jay sa sarili nito bilang fiancé, hindi agad nakasagot. Ang mga mata niya ay naglalaman ng pagkalito at alalahanin, kaya't napilitan si Jay na magsalita upang linawin ang sitwasyon.
"Ah, yes, kami po ni Marla," sagot ni Jay, na tila walang ibang magawa kundi aminin ang pagkakasangkot sa relasyon na noon ay wala pa sa plano ni Marla.
Walang kalaban-laban si Marla sa mga tanong ng mga kamag-anak, lalo na at hindi siya handang sabihin ang buong kwento. Wala sa plano niyang gawing ganito ang kanilang relasyon, at alam niyang magiging malaking isyu ito sa mga kasamahan sa trabaho, pati na rin sa mga kaibigan at pamilya ni Jay.
Kahit na hindi pa sila magkasundong magkasama sa lahat ng bagay, ang lahat ng tinuran ni Jay ay tila hindi kayang pabulaanan ni Marla. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan at pagtatago, ang sakit ni Nanay Susan at ang pagkakasangkot ni Marla sa sitwasyon ay naging higit na matimbang kaysa sa lahat ng iba pang iniisip niya.
In the quiet tension of their conversation, Jay felt the weight of the decision he made. He wasn't fully happy with what he'd done, but in his mind, it was the only way to ensure that Marla would be safe and supported—at least in terms of financial stability and work security.
Mabilis na tumakbo ang oras, at sa mga oras na iyon, nakaramdam siya ng takot na baka hindi na talaga niya makuha ang tiwala ni Marla. Na ang huling ginawa niyang hakbang ay nagdulot ng higit pang distansya sa pagitan nilang dalawa.
***
Habang nagaganap ang kasal, hindi maiwasang maramdaman ni Marla ang bigat ng sitwasyon. Habang siya'y nakatitig kay Jay, nagtatanong siya sa kanyang sarili. "Paano ako nakarating sa puntong ito? Ano ba ang iniisip ko nang tanggapin ang alok na ito?"
Ngunit sa tuwing maiisip ang kalagayan ng kanyang pamilya—lalo na ang utang sa lupa at ang sakit ng kanyang ina, pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili na tama ang kanyang desisyon.
Si Jay naman, bagamat mukhang kalmado, ay hindi mapigilang makaramdam ng kaba. Sa harap ng lahat ng mga taong nandoon, alam niyang hindi ito ordinaryong transaksyon. Despite their agreement, he couldn't deny the admiration he had long felt for Marla. And now, he held the role that could change their relationship even though he knew Marla still didn't fully trust him.
Marla looked so beautiful that day. He longed to kiss her lips even before the ceremony was over. How he wished this wedding could be even more extravagant, and that the whole world—especially his parents in France, who thought he was just working hard, knows the truth. Ayaw niyang itago ang kasal na ito dahil simula't sapul, proud na proud siya kay Marla at handa siyang ipagmalaki ito kahit saan siya mapadpad.
Pagkatapos ng kasal, napagkasunduan nila na aayusin muna ni Marla ang problema niya sa Batangas. Jay was the first to suggest it. Walang honeymoon na magaganap at idinahilan na lang nila na may urgent work siya pabalik sa Antipolo. Ayaw pa niyang umuwi, pero alam niya na ito lang ang magandang paraan para hindi siya makagawa ng anumang ikagagalit ni Marla habang nakatali na ito sa isang kasal na siya ang nag-arrange.
***
Pagbalik ni Jay sa Hauling Coach Express sa Antipolo, agad niyang naramdaman ang pagbabago sa opisina. Kahit abala ang lahat sa kani-kanilang trabaho, may naririnig siyang mga bulungan at usap-usapan.
"Ikinasal daw si Ms. Marla?" tanong ng isang admin staff sa katabi nito.
"Parang imposible! Wala nga akong maalalang naging boyfriend siya."
"Hindi ba siya niligawan ni Sir Emerson?"
Doon kusang napabitaw si Jay sa hawak niyang aqua flask. Natigil tuloy ang bulungan ng iba. "Sorry, nadulas lang sa kamay ko."
Jay couldn't help but be curious about Emerson, the man who once had feelings for his wife. He even looked up the guy's profile in the logistics industry. Turns out, the man was now an operations manager and probably single. For the first time, Jay felt a pang of insecurity, even though he knew he was far better-looking. Emerson's credentials were impressive for someone who didn't have the privilege to study abroad, unlike him.
Tumingin lang saglit ang mga staff sa kanya at nagpatuloy na sa usapan.
"Binasted ni Ms. Marla 'yon. Parang sumamá ang loob sa kanya, ayun, nag-resign."
Natawa si Jay sa narinig. Alam niyang nasa kanya pa rin pala ang huling halakhak. 'Weak naman pala siya. Nag-give up agad. Samantalang ako, pinakasalan ko na.'
Ang mga driver at helpers, na palaging nakakausap si Marla noong nandito pa siya, ay halos hindi rin makapaniwala sa lumulutang na tsismis.
"Si Ms. Marla o si manang? Nag-asawa? Hindi ko ma-imagine," sambit ng isa, habang iniinspeksyon ang isang trak.
"Paano kaya nangyari 'yon? Hindi ba siya si Ms. Man Hater?"
"Baka talagang totoo ang dahilan ng pagre-resign niya. Na magpapakasal na. Well, gano'n talaga ang buhay. Pero hindi ko talaga ma-imagine. Parang hindi mo nga mapangiti 'yon minsan at laging seryoso, eh. Though may times na game siyang makipagbiruan, pero mas lamang ns seryoso siya."
May ilan pang nagsabing baka kaya lumipat si Marla sa ibang branch ay para itago ang kasal o ang tunay na dahilan nito. Wala silang kamalay-malay na si Jay mismo, ang kanilang boss, ang napangasawa ni Marla. Pilit na pinanatili ni Jay ang pagiging professional sa trabaho, ngunit hindi niya maalis sa isipan ang mga komento at tanong ng mga empleyado. Alam niyang tama sila—si Marla ay palaging tutok sa trabaho, at tila walang oras para sa anumang romantic relationships. At malinaw naman sa kasunduan nila na wala silang gagawin na kahit anong ginagawa ng mga normal na mag-asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top