CHAPTER 20

"Marla." Sinimulan ni Jay nang may determinasyong himig ang simula ng kanilang discussion. "Kasama sa kondisyon ang kasal para makabayad ng utang. Kung magkasama tayo sa papel, hindi mo ako matatakasan, at hindi kita bibitawan hangga't hindi ka nakakabayad."

"Bakit? Bakit kasal? Ano ang dahilan mo?" She couldn't help but question him.

"Para sa image," sagot ni Jay, tumingin siya kay Marla, ang matalim na tingin na naglalaman ng matinding pangako. "Gusto ko kasing luminis muli ang imahe ng mga Guillermo. Hindi ko na kayang magmukhang easy-go-lucky na tao. Gusto ko rin na hindi ako magmukhang pabigat sa pamilya ko."

"Of all people, ako pa talaga na mukhang walang kwenta? At parang ate mo na? Hindi ako trophy wife material, at lalong kapag ako ang pinakasalan mo, hindi sila maniniwala na pagmamahal ang naging dahilan. More like, shotgun marriage ang ipipinta ng mga tao," bagot na tanong ni Marla, saka hinawakan ang sentido.

"May chemistry na tayo, manang," Jay clarified. He leaned back in his chair, crossing his arms. "Alam ko na hanggang ngayon, 'yon pa rin ang tingin mo sa'kin. Na ako 'yong dating Jay na walang ibang ginawa kundi maglaro at magsaya. Alam kong impulsive 'yong proposal ko. And maybe it was stupid. Pero sa tingin mo ba, gagawin ko 'yon kung wala akong pakialam sa'yo? I think this will also benefit you, kilala ka na sa company bilang hardworking na babae, pioneer ng Hauling Coach, and one of the most outstanding team leaders. With all those promising achievements you have earned, tingin mo hindi kita maiyayabang sa gano'n? At huwag mo ring minamaliit ang sarili mo. You're all I had when everyone turned their backs on me. Remember that day when you came into my room? Na sinabi mong magsulat lang ako ng kwento kapag malungkot? Na hindi ko dapat isipin ang mga bagay na hindi ko na kontrolado? You didn't even imagine how my life changed back then. Ginusto kita dahil sa kung anong mayro'n ka na, hindi sa kung anong inaasahan ko na maibibigay mo."

His bluntness made Marla's heart race, but she forced herself to stay composed. "Gusto? Ano 'to, infatuation? Bored ka lang ba kaya ginagawang proyekto ang buhay ko?"

Jay's jaw tightened. He stood up while placing his hands flat on the table as he leaned closer to her. "Kung tingin mo, 'proyekto' lang 'to, mali ka. Oo, minsan akong naging playboy, minsan akong naging gago. Pero hindi ako magiging gano'n sa'yo kapag kasal na tayo, manang."

The intensity in his voice made Marla look away. She couldn't handle the way his words seemed to weaken her defenses.

"Hindi muna kita pipilitin," Jay said after a moment, his tone softer now. "Pero gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. Sa tulong na ino-offer ko. At sa nararamdaman ko. Nandito pa rin ang pagkagusto ko, pero hindi na katulad ng dati. Pero ayokong mawala ka nang gano'n na lang, knowing that I paid money for Lola Carmen's land title."

"So, collateral lang talaga ako? Hawak mo na ako sa leeg? Then, hindi mo ako gusto, Jay. Kailangan mo lang ng babaeng mapasusunod mo, magiging pushover. Huwag mo nang idahilan ang sitwasyon ko at kung paano kita natulungan dati," matapang na sagot ni Marla. "Pero sige, hindi na kita pahihirapan. Magpakasal tayo, pero dapat sikreto lang! Para hindi mo na ako guluhin pa!"

"Okay. Buti nakuha mo rin." Parang sinaksak ng matalas na patalim ang puso ni Jay. Babawiin na lang niya ang pag-amin niya dahil kahit ano palang pilit niya na ipaalam ang kanyang sinseridad, babarahin pa rin pala siya nito. Ang mahalaga na lang, ay ang pagpayag nito sa ngayon.

Nagpatuloy siya, "Wala akong balak na makipag-intimate sa'yo. Mananatiling kasal lang tayo sa papel. Kung gusto mong magtrabaho, magpapatuloy tayo nang normal. Hindi ko gagawin ang anumang hindi mo gusto. And the wedding? Of course it will be held privately, kahit si Tito William na lang ang kunin nating witness at tayong dalawa lang ang makakaalam, pati siya. Sa tingin ko, assurance ko na lang ito para hindi ka mawala, dahil may atraso ka na sa'kin."

"Kung hindi mo lang ginawang bayaran 'yon, hindi sana tayo aabot sa ganito. Kasi hindi ko naman hiningi ang tulong mo," mapait na turan ni Marla. Ang mga salitang binitawan ni Jay ay tila isang paalala na mas lalalim pa ang gap sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang gamitin siya ni Jay bilang isang piraso sa plano nito, at mas lalong hindi niya matanggap na parang isang kontrata lang kung ituring nito ang pagpapakasal. "Hindi ko alam kung paano ko magagampanan ang papel na ipinipilit mo sa akin. Hindi ko kayang maging bahagi ng isang kasal na walang pagmamahal."

"I'm sorry. Alam kong ito ang pinakamalupit na posible kong gawin sa'yo, pero I'm trying to make sure that you don't end up in a worse situation," sagot ni Jay, na halatang nagsisisi sa mga nangyari. "I won't do anything you don't want. Pero sa kasunduan na ito, kailangan natin ng commitment. Hindi ka pwedeng mag-abroad. I-surrender mo ang passport mo. Hindi ka makaka-resign sa Hauling Coach hangga't hindi ko sinasabi. At lalong hindi ka makakahiwalay hangga't hindi mo nababayaran ang land title. Ayan, medyo fair naman. Hindi ba?"

Napasinghap si Marla sa narinig. "Hindi ko kaya 'to, Jay. Hindi ko kaya magpanggap na okay lang ang lahat."

Jay's voice softened, and he sighed deeply. "Hindi kita pipilitin. Pero sa ngayon, kung ayaw mo ng lahat ng ito, wala na tayong magagawa, except to deal with the consequences of it. Pero sana... sana hindi mo ako iwan."

"Basta mananatiling sikreto ang kasal. Walang pwedeng makaalam," tanging nasabi ni Marla.

Jay's face lit up. "So, pumapayag ka na talaga?"

Hindi umimik si Marla. Dali-dali siyang pumasok sa extra room ng condo ni Jay at doon na nakipagtalo sa sarili. Hours had passed; she remained lying awake on the small bed in the extra room, staring at the ceiling. She was just silent, but her thoughts were anything but loud. Jay's impulsive marriage proposal replayed in her mind, and no matter how hard she tried, she couldn't shake the image of his earnest, rain-soaked face. Masyado itong gwapo para magmakaawa nang gano'n sa kanya, pero nagawa pa rin nito. At heto siya, sa silid ng condo nito, na hindi mapakali dahil kaunti na lang, mas mapaglalapit na silang dalawa ng isang kasunduan.

"Bakit ko ba iniisip 'to?" she muttered to herself. She hugged the pillow tightly, as if it could help her feel at ease. Her logical mind screamed at her to be cautious. Jay was unpredictable, reckless even. Oo, nag-mature naman kahit papaano ang binata. He was now a respected leader in their company, and his generosity to Lola Carmen's situation wasn't something she could ignore. Big deal iyon. Pero hindi niya makalimutan ang evident past nito. She'd heard the rumors about his playboy antics when he lived in France, the casual relationships, the extravagant lifestyle, and the nonstop partying.

"Paano ko naman siya pagkakatiwalaan?" she whispered. Her grip on the pillow tightened as her fears bubbled to the surface. "Ayokong mabaliw sa pagmamahal. Ayokong matulad sa nanay ko. Minsan, nag-iiba na ang tingin ko sa kanya."

Despite her doubts, there was a small, unwelcome part of her that felt touched by his actions. He had gone out of his way to help her, even if he had a frustratingly domineering way of showing it. His concern for her felt genuine, no matter how much she wanted to deny it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top