CHAPTER 17

Kinagabihan, nagpunta si Jay sa bahay ni William para mahingi na rin ang opinyon nito. Naalala niyang mas kilala ni William ang pamilya ni Marla, kaya't malalaman niya rin ang tanang approach para makuha ang tiwala nito. Walang atrasan ang kaniyang pasya—hindi siya maaaring magpatalo.

"So Jay, ngayon mo ba aaminin na ikaw ang dahilan ng resignation ni Marla? Kasi hindi ako kumbinsido sa naging desisyon niya na magse-settle down na. May mga problema pa siyang kinakaharap financially. Gaano ba kalala ang naging away ninyo? Nag-ugat ba 'yon dahil sa panununtok mo sa bar?" concerned na tanong ni Tito William. "Marla is the ace of our company. Hindi ko siya pwedeng payagan na mag-resign. So Jay, I hope makapag-usap man lang kayo para bawiin niya ang resignation niya."

"Actually, tito..." Huminga nang malalim si Jay bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Iyang tungkol sa pagre-resign niya ang problema ko. I don't want to let her go. And I don't even think that I can move forward without her."

Napakunot-noo si William. "It sounds like that's more than what a friend would say. I also think you didn't see her as just a colleague though."

"Actually tito, may gusto ako kay Marla. Noong 17 pa lang ako, pero hindi ko alam kung paano siya mapapalapit sa'kin," aniya, naguguluhan pero seryoso.

Nagtaka si William at tumahimik saglit, marahil maraming bagay na naiwan sa isip niya na may kinalaman sa dynamics nina Marla at Jay. Kasama na roon ang galit na nararamdaman ni Marla at ang pitong taon nilang age gap.

"Hindi mo ba sinabi sa kanya noon?" tanong ni William.

"Inamin ko naman noon, tito. Pero na-basted ako. Tapos hanggang ngayon, wala akong magawa, ang dami nang nangyari. Ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko," sagot ni Jay.

"At bakit pa gusto mong makasama si Marla? Ano ang plano mo?" tanong ni William na parang nang-uusisa.

"Siguro po, gusto ko lang... Gusto ko siya maging masaya, at para maging masaya siya, kailangan ako ang maging dahilan," sagot ni Jay, in such emotional manner.

"Siguro? Pwede ba 'yon?"

"Tito, I mean—gusto ko talaga. Dahil mahal ko pa rin siya at naiinis ako sa nararamdaman kong ito. Walang pinagbago, si Marla pa rin po ang mahal ko." Ngayon lang naging emosyonal si Jay sa kanyang tiyuhin. Sa lahat naman ng tiyuhin niya sa father's side, si William ang pinaka-rational at magaling magpayo. Pero kahit anong galing nitong magpayo, may mga naging desisyon pa rin ito sa sariling buhay na hindi maganda at kahit ultimo pamilya ay hindi naha-handle nang maayos. Buti na lang ngayon, okay na si William sa anak nitong si Argon, na naging anak nito sa isang babaeng hindi naman nito asawa.

Ngumiti si William at ramdam naman niya ang sinseridad sa sinabi ng pamangkin. "Why do you love Marla?"

"I just feel it, tito. The moment she comforted me and told me that everything will be fine, during my darkest times. Siya lang po 'yong nagpakita ng malasakit at hindi niya sinukuan ang binatilyong tulad ko para makabangon."

"Was that romantic love? Baka mahal mo lang siya bilang ate o kaya, gusto mo lang na makabawi sa kabutihan niya sa'yo, Jay." Inayos ni William ang kanyang salamin at saka sinalubong ang tingin ng nakakaawa niyang pamangkin. Kilala niya si Jay bilang isang happy-go-lucky at mapagbiro sa mga bagay-bagay kaya itong heart-to-heart talk ay nakakapanibago para sa kanya.

"Kung pagmamahal lang 'yon na parang platonic, bakit ganito ako? Tito, I'm sure that I'm really into her. I want to know what's in her world. I badly want to know why she's running away as if I'm the biggest douchebag she has met."

"Hindi ko naman kasi siya masisisi. Kahit naman sa trabaho, parang hindi consistent ang pagseseryoso mo, kaya hindi magbabago ang tingin niya. Pero Jay, if you really love Marla, panindigan mo siya nang buo hanggang sa huli. At kapag nakuha mo ang pag-ibig niya, huwag mong sasayangin."

"Thanks Tito, for such wonderful advice." Ngumiti si Jay, pero may biglang tanong na naglaro sa kanyang naisipan. "Do you think that getting married will solve this problem? Sinabi ni Marla na magse-settle down na siya. Do you think that it has to do with her plans for marriage with someone else?"

"Probably. Kasi ang pagkakaalam ko, palagi siyang kinukulit ng Lola Carmen niya sa bagay na 'yon kaya nga hindi ako kumbinsido sa settling down na sinasabi niya," sagot pa ni William, saka naglaro ang mga ngiti sa kanyang labi.

"If you're really serious about pursuing her and keeping her for a lifetime, you have to help her in that matter, Jay."

"Huh?"

Tumingin ulit si William kay Jay at nagsalita. "Eh 'di pakasalan mo siya. O kaya, kailangan may mangyaring event na kung saan kasal lang ang magiging kondisyon... Pero, hindi sa paraang bubuntisin mo siya, dahil hindi mo naman siya girlfriend. At kahit kailan, 'wag kang mag-resort sa gano'n. Hindi biro ang magpalaki ng bata."

Naintindihan ni Jay ang ibig sabihin ni William. Ngunit alam niyang kailangan niya ng diskarte at hindi pwedeng pagmamadali lang ang maging solusyon.

"Help me make it happen, Tito. I really need your help on this one."

"So, pakakasalan mo talaga siya?" Parang hindi kumbinsido si William sa pwedeng gawin ng kanyang pamangkin. On the flip side, mas lamang ang pag-aalala niya para rito.

"I thought about this for a long time." There's an excitement and a tone of nervousness with his voice.

"Okay. So kukumbinsihin ko si Marla na iurong ang resignation. Ililipat ko siya sa branch natin sa Laguna para hindi maging awkward for the both of you. Isn't that a good idea?" mapanigurong tanong ni William.

"Opo Tito."

Naglalaro sa isip ni Jay ang ideya ni William. Kung kailangan niyang magpakasal kay Marla para lang maipakita ang tunay na intensyon, magiging isang malaking hakbang ito—isang hakbang na sigurado niyang magdudulot ng malaking epekto sa buhay nilang dalawa. Magiging bukas ba ito sa idea ng kasal, lalo na't isang lalaki na hindi pa nga nito masyadong kilala, at may nakaraan pa sa pagitan nila?

Mas determinado si Jay kaysa dati. Kung kailangan niyang maghintay, o magsimula ng isang bagong hakbang upang maging buo ang kanilang relasyon, handa siyang gawin. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top