CHAPTER 15
Sa mga sumunod na araw, nagbago ang pakikitungo ni Jay kay Marla. Tila pinapakita niyang hindi siya takot sa malamig na trato nito. Madalas siyang sumingit sa usapan o magbigay ng komentaryong tila nag-aasar.
"Ms. Marla, baka gusto mo akong gawing role model. Mukha naman akong masipag kahit may injury, 'di ba?" minsan niyang biro habang nagpapanggap na nag-aayos ng papeles.
"Kung 'yan ang gusto mong ipagyabang, sige na nga," malamig na sagot ni Marla.
Kahit tila ginagawang laro ni Jay ang sitwasyon, ang totoo'y hindi niya kayang magalit kay Marla. Alam niyang nasaktan ito sa nangyari, at naiintindihan niya kung bakit ito umiwas. Pero sa kabila ng lahat, ramdam niya pa rin ang pag-aalala nito sa kanya, kahit sa mga simpleng bagay—tulad ng paglalagay nito ng gamot sa first aid kit ng opisina o pagbibigay ng mahigpit na paalala sa safety protocols.
"Kaya mo naman na, 'di ba? Tulungan mo 'yong ibang helpers sa pagbubuhat ng karton. Tingnan natin kung hindi mamaga 'yang sugat mo sa braso," mapanghamon na sagot naman ni Marla. Gusto niyang i-distract ang sarili dahil sa bagong dynamics nila ni Jay. Pero mas lamang ang kagustuhan niya na humingi na lang ng dispensa dahil alam niyang na-offend niya ito. Naglakad siya sa dispatching area. Sinimulan niyang mag-move ng mga karton na bahagyang mabigat. Bumuhat din si Jay ng isa sa mga 'yon. Nagulat siya dahil mabigat nga at nakapagtataka na kinaya ni Marla na magbuhat ng gano'n.
"Tell me, hindi ba 'to dahil sa galit kaya nakakapagbuhat ka nang ganyan? Sa katawan mong 'yan?" biglang tanong ni Jay. He didn't mean to offend, he's just concerned and he felt quite amused by Marla's abilities.
"Nakakapagbuhat pa ako ng mas mabigat dyan. Sige na, umalis ka na rito. Nagbibiro lang ako kanina, baka pagalitan pa ako ng Tito William mo kapag nakita kang nagtatrabaho," sabi ni Marla at parang gumapang ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa pagiging observant ni Jay. Pero mabilis siyang nagkibit-balikat. Muli siyang nag-move ng karton hangga't sa nawalan siya ng balanse at natisod siya, dahilan kung bakit siya natumba at bumagsak paibabaw kay Jay.
Nagtama ang mga mata nila, while staying in that awkward position. Dama nila ang kapwa mabilis na pintig ng kanilang mga puso. Being this close made them feel something more than tension. It seemed like a spark of an impending admiration with each other.
Mabilis na inawat ni Marla ang sarili at tumayo agad. Napatakbo siya pabalik sa office at hindi siya makahuma sa nangyari. Si Jay naman, nanatiling nakahiga lamang sa sahig at napangiti nang sobra. May kakaibang kilig siyang nadama sa paglalapit nila ni Marla, kahit aksidente lang iyon. Pero unti-unti siyang nagbalik sa reyalidad nang marinig ang pagsaklolo ng ibang staff.
"Bossing Jay!" sigaw ng isa sa mga lumapit sa kanya. Inaakala kasi nilang may masama nang nangyari.
"Ayos lang kayo?"
Tumango si Jay at ngumiti lamang bago tumayo. "Sobrang okay."
***
Habang abala sa kanyang mga gawain, isang tawag mula sa pinagsanlaan nila ng lupa sa Batangas ang natanggap ni Marla.
"Hello, Ms. Francisco? Magandang araw po. Nais ko lamang ipagbigay-alam na nakapagbayad na po ang nagngangalang Carlo Jay Guillermo ng halagang ipinagkasunduan para sa lupa. Ang perang iyon ay pumasok na sa account namin, at maaari na po ninyong kunin ang titulo ng lupa."
Nagulat si Marla. "P-Pardon? Carlo Jay Guillermo?"
"Opo. Siya po ang nagbayad at nag-ayos ng lahat."
"O-okay. Thank you..." Parang nawala agad siya sa kanyang sarili at hindi agad makapaniwala. Tila may biglang tumusok na kirot sa kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala na si Jay ang nagbayad ng lupa, at hindi siya tinanong o ipinagbigay-alam man lang tungkol dito. Also, she knows that Lola Carmen knows about this. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng lahat.
Nang makauwi si Marla, hindi niya kayang magpigil ng nararamdamang galit. Pinuntahan niya agad si Lola Carmen sa kanyang kuwarto.
"Lola Carmen." Nagsimula si Marla na may pagkabigla sa boses. "Totoo bang si Jay ang nagbayad ng lupa?"
Nagkibit-balikat si Lola Carmen at hindi agad sumagot. Alam niyang darating ang araw na ito, ngunit hindi niya inisip na magiging ganito kabigat ang mga tanong ni Marla.
"Oo, si Jay ang nagbayad ng lupa. Nagpunta siya sa bahay natin at siya na mismo ang nag-ayos ng lahat. Iniiwasan ko lang na malaman mo dahil alam kong hindi mo tatanggapin ang tulong niya."
"Bakit hindi mo man lang ako tinanong, Lola?" galit na tanong ni Marla.
"Hindi ko gustong magdagdag ng pasakit sa'yo, apo," sagot ni Lola Carmen, luhaang nakatingin kay Marla. "Alam kong matigas ang ulo mo, at hindi mo kakayanin na tanggapin ang tulong ni Jay. Ang sakit, anak, na makita kang mahirapan at siya rin naman ang nag-alok. Kaya tinanggap ko na lang."
"Hindi ba't mahalaga sa inyo ang respeto ko, Lola?" Kusang pumatak ang mga luhang kinikimkim ni Marla.
"Marla," sabi ni Lola Carmen, saka hinapit ang kamay ng apo. "Alam kong galit ka, at hindi ko naman hinihiling na magbago ang nararamdaman mo. Pero sana, maintindihan mo na hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang lahat nang hindi ka sasaktan."
"Matutulog na po ako lola. Hindi ko na alam kung anong masasabi ko kay Jay." Nahihikbi siyang pumasok sa silid.
***
"Resignation?" tanong ni William, bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ang sulat na inabot ni Marla. "Marla, sigurado ka ba? Isa ka sa pioneers ng kumpanya. Isa ka sa mga dahilan kung bakit ganito ka-stable ang operations natin ngayon. Bakit mo biglang naisipan ito?"
Ngumiti si Marla, ngunit may lungkot sa likod ng kanyang mga mata. "Sir, it's a personal decision. I think it's time for me to settle down and prioritize other aspects of my life. Maraming salamat po sa lahat ng opportunities na binigay niyo sa akin, pero kailangang gawin ko ito para sa sarili ko."
Kitang-kita ni Marla ang pagkabigla at pag-aalala ni Sir William. "Marla, kung workload mo ang problema, we can adjust. Ayaw naming mawalan ng isang tulad mo. You're not just an employee—you're one of the pillars of this company."
Napayuko si Marla, ramdam ang bigat ng bawat salita. Pero hindi siya maaaring magpaapekto. Alam niyang hindi talaga ang trabaho ang dahilan. Gusto lang niyang makalayo. Gusto niyang bumitaw, hindi lang sa kumpanyang nagmistulang tahanan niya, kundi sa mga nararamdaman niyang hindi niya maipaliwanag. Hindi siya makapagpaliwanag muli, kaya nahinuha na ni William ang totoo.
"Pinasasakit ba ni Jay ang ulo mo? Hindi pa rin ba siya nag-i-improve bilang trainee? Pagsasabihan ko siya o ililipat, basta 'wag ka lang umalis," may bahid ng pagmamakaawang pakiusap ni William.
"Sir, my mind is made up," mahina niyang sagot. "I hope you understand. Wala pong kinalaman si Jay sa desisyon ko."
Matagal na tumingin si Sir William kay Marla, bago ito tuluyang tumango, bagama't halata ang panghihinayang. "Kung yan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan. But just know this, Marla—you've always been one of our best. Kung magbago ang isip mo, palaging bukas ang pinto ng kumpanyang ito para sa'yo, kahit abutin pa ng ilang taon."
Nginitian siya ni Marla, ngunit sa loob niya ay tila lalong bumigat ang lahat. She didn't want to leave this job because she felt like leaving it was like abandoning the most important part of herself that shaped her career up to this moment.
Ilang saglit pa, nakita niya ang notification sa phone niya na may mensahe galing kay Jay. Sa inis niya, hindi niya iyon binasa at binura niya ang notification.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top