CHAPTER 14

Pagdating sa ospital, naging abala si Marla sa pag-aasikaso ng mga papeles habang nililinis ng doktor ang sugat ni Jay. Naramdaman ni Jay ang pag-aalaga nito, kahit pa sa maliliit na bagay—ang pagbili ng tubig, ang pagtanong sa doktor ng mga dapat niyang iwasan, at ang pagbibigay ng simpleng payo habang pauwi.

Habang pauwi sa condo, nagkaroon sila ng maikling usapan na tila nabasag ang pader sa pagitan nila.

"Huwag ka munang pumasok hangga't hindi ka pa okay. Dapat magpagaling ka muna," seryosong bilin ni Marla.

"Ikaw na ang bahala sa kanila habang wala ako," sagot ni Jay, pilit na nagbibiro.

Napangiti si Marla, pero sinagot ito nang seryoso. "Jay, kung gusto mo talagang patunayan na kaya mong maging CEO, dapat alagaan mo ang sarili mo. Hindi pwedeng lahat gusto mong saluhin. Dapat hinayaan mo na lang ang mga mekaniko at driver kanina at hindi ka na tumulong. Enough na 'yong papanoorin mo lang muna sila."

Napatitig si Jay kay Marla habang nasa backseat sila ng kotse. Tila ba may kakaibang init sa mga salitang iyon—hindi lang utos ng team leader, kundi isang sinserong pag-aalala mula kay Marla na hindi niya madalas makita.

"Yes, manang. Aalagaan ko na ang sarili ko," may halong biro ngunit sincere na sagot ni Jay. 'Para mas maalagaan kita.'

***

Kinabukasan, habang nagpapagaling si Jay, kumalat sa group chat ng barkada niya ang mga litrato ni Marla na inaalalayan siyang bumaba ng sasakyan. Agad itong ginawan ng malisyosong kwento.

"Bro, ano 'to? CEO-in-training, may personal nurse? Katulong ba 'yan o ano?"

"'Yan ba 'yong nagpipigil sa'yo kaya di ka na lumalabas? Nakakasakal ba? Or baka may iba pa siyang service sa'yo?"

"Ganyan na pala ang type mo, bro. Dyan ka na ba talaga magse-settle?"

Tuloy-tuloy ang mga biro at panlalait mga barkada niya na tila walang preno. They called her names, saying that she wasn't sexually appealing and Jay might be casted by a spell. Napuno na siya sa galit. Alam niyang walang malisya ang nangyari at higit sa lahat, hindi deserve ni Marla ang ganitong pambabastos. Kahit pa masakit ang braso, nagbihis siya at dumiretso sa bar kung saan alam niyang nag-iinuman ang barkada.

"Okay bros. Let's meet later. I'll clarify something." Iyon lang ang pindala niyang mensahe at walang hint ng pagbabanta.

Pagdating sa bar, sinalubong agad siya ng tawanan ng mga kaibigan. Nakakabingi na ang ingay doon, hindi kagaya dati na wala siyang pakialam at parang nahihilo na rin siya sa iba't ibang ilaw.

"Uy, bro, ano? Tapos na ba ang 'nurse duties' ng babae mo sa condo mo?" biro ng isang nakakita sa kanya, habang ang iba ay tumatawa.

"Anong problema n'yo?" tanong ni Jay, malamig ang tono ngunit halatang puno ng galit.

"Relax, Jay! Joke lang, masyado kang pikon. Like, is she that special para ipagtanggol mo nang ganyan? Baka empleyado mo lang naman 'yon. Bakit parang big deal?"

"Hindi 'yon nakakatawa. Wala kayong karapatan na bastusin si Marla. Wala siyang ginagawa sa inyo." Kumuyom na ang mga palad ni Jay. Isang salita pa ng mga ito, alam na niya ang dapat niyang ibigay. He can take any insults; everyone can question him for his stupid decisions but when it comes to Marla, being insulted, without them knowing her pain, it bothers him a lot. Parang gusto niyang ipaglaban ito nang patayan.

"Bro, chill. Bakit ka defensive? Mukha bang big deal? O baka naman—"

Hindi na natapos ang sinabi ng kaibigan dahil sinuntok na ito ni Jay. Sinubukan siyang awatin ng iba, pero tuluyan nang nauwi sa rambulan ang lahat. Sa gitna ng gulo, ilang tao sa bar ang nag-record ng video, na mabilis ding kumalat sa social media.

***

Kinabukasan, nagising si Jay sa condo niya, puno ng notifications ang phone. Ang video ng gulo sa bar ay trending, kasama ang headlines na: "CEO-in-training or troublemaker?" at "Another Guillermo in trouble."

Habang binabasa niya ang mga komentaryo at paninira, hindi niya alam kung paano ito haharapin. Pero hindi niya kayang dibdibin. Hindi siya nahihiya. Ang intensyon niyang ipagtanggol si Marla ay nauwi sa eskandalo, pero alam niya na tama lang ang ginawa niyang 'yon.

Nagulat siya nang tumawag si Marla. Doon na siya nagsimulang kabahan.

"Jay," malamig ang boses nito. "Ano na naman ang ginawa mo?"

Nag-aalangan si Jay habang hawak ang phone niya. Napakaraming gusto niyang sabihin kay Marla. Pero nang sagutin nito ang tawag, hindi siya binigyan ng pagkakataon.

"Ano bang iniisip mo? Bakit ka nakipagbasag-ulo? At bakit kailangang lumabas pa ang pangalan ko sa kalokohan mo?" malumanay ngunit puno ng pagkabigo ang boses ni Marla.

"Marla, hindi mo naiintindihan—"

"Hindi ko ba naiintindihan? Jay, hindi mo kailangang gumawa ng eksena. Hindi ko kailangan ng knight in shining armor. Hindi mo na inisip, pinagbibilinan ka pa naman ni Sir William na hindi ka pwedeng gumawa ng gulo dahil sira na ang image ng family mo at pwede ka pang hindi ma-qualify sa nilalaban mong posisyon."

"Pero hindi ka nila dapat binabastos! Pinagtanggol kita dahil—"

Hindi na siya pinatapos ni Marla. "Huwag mo na lang akong ipagtanggol kung ganyan ang resulta. Sa susunod, isipin mo muna ang magiging epekto ng mga ginagawa mo bago ka kumilos."

Bago pa man makasagot si Jay, ibinaba na ni Marla ang tawag. Naiwan siyang tulala at puno ng inis, hindi lamang kay Marla kundi pati na rin sa sarili niya. There's a need to explain himself. Nasaktan siya sa pangangaral ni Marla, pero mas masakit na parang binalewala lamang nito ang pagtatanggol sa kanya.

***

Kinabukasan, kahit masakit pa ang braso at may sugat na hindi pa lubos na gumagaling, pumasok si Jay sa opisina. Tumanggi siyang manatili sa condo kahit na pinayuhan ng doktor na magpahinga muna. Isang bahagi ng kanya ang gustong makita si Marla, kahit pa malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Pero may isa pang bahagi ng isip niya na nagsasabing kailangang magpakita siya ng tapang—hindi para magalit, kundi para patunayan na kaya niyang humarap sa sitwasyon. Unbothered king things.

Pagpasok niya sa logistics floor, napansin agad ni Marla ang presensya niya. Napakunot ang noo nito. Lumapit sa kanya, dala ang checklist na hawak. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko sa'yo na magpahinga ka muna?"

"Bakit, concerned ka ba?" sagot ni Jay, bahagyang nanunudyo. Pero sa loob-loob niya, gusto niyang malaman kung may pakialam pa ba si Marla sa kanya.

"Hindi ito tungkol sa concern, Jay. Tungkol ito sa responsibilidad. Kung hindi ka pa maayos, paano ka makakapagtrabaho nang maayos? 'di ba" Sinalubong ni Marla ang tingin ni Jay. Napansin niya ang galos sa mukha nito at ang pasa sa bandang labi. Mukhang malala nga talaga ang naging rambulan. Pero nasasaktan din siya na malamang siya pa ang ginawa nitong excuse para masangkot sa gulo.

"Eh ikaw, Manang Marla?" diretsong tanong ni Jay, tumititig sa mga mata nito. "Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili ko. Hindi mo ba naisip na unfair 'yon?"

Natahimik si Marla, tila nagulat sa biglaang tanong ni Jay. Pero sa halip na sagutin ito, umiwas ito ng tingin. "Pero bakit mo naman kasi ginawa 'yon? Pwede mo namang palagpasin na lang."

"Hindi ko pinalalampas 'yong mga pang-iinsulto ng mga taong mahalaga sa'kin, especially when it's you," biglang nasabi ni Jay, kahit na dapat ay 'draft' lang sana 'yon sa utak niya.

"Sanay na ako sa mga gano'n," mahinang tugon ni Marla. "Lahat ng insultong narinig ko, pinalakas lang ako."

'Pero nanghihina ako kapag ikaw 'yong iniinsulto, kasi hindi ka nila kilala. Hindi nila alam kung paano mo binago ang mundo ko.'

Nagawa ni Jay na hindi masabi ang salitang iyon. Tinalikuran niya si Marla at pumunta na lang sa garahe para gawin ang iba niyang naiwan na trabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top