Chapter Two

Cairo's POV

After two more hours of the morning class, lunch came. I silently keep away my things that I used in the previous class and walked out the classroom. I went down the ramp and just as I look by the cafeteria area. My jaw dropped, ang haba na agad ng pila! Kaka dismissal lang ng afternoon class ah?

I hissed and tilted my head, ano pa nga ba magagawa ko? Edi pumila, bumaba na ako ng ramp at pumila na, naghintay ako nang naghintay nang naghintay. Hanggang sa ako na ang kukuha ng pagkain ko, munggo ang ulam and I have no problem with it. Hindi naman ako picky sa pagkain.

Umupo ako sa bakanteng upuan, halos wala na rin eh, mapupuno na ang mga seats. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay may biglang pinggan na lumapag sa harap ko, sa gulat ko ay halos mai-ubo ko yung munggo.

"Paupo," ani ni Lux, inirapan ko lamang ito. Napatingin ako sa pagkain ko, nawalan yata ako ng gana. Tumayo ako at iniwan na si Lux sa lamesa. Na-aalibadbaran ako sa mukha at presensya niya.

Uminom ako ng tubig at umakyat na pabalik sa room, kinuha ko ang vanity bag ko na laman ang toothbrush ko at iba pang panlinis at pumunta na sa banyo.

Ilang minuto ay may pumasok sa CR, pag-tingin ko sa salamin ay agad kong nakita si Lux. Napa-ismid ako, naghugas ako ng kamay at aktong aalis na ng hinawakan ni Lux ang braso at isinandal sa lababo.

Nang tingnan ko siya ay kakaiba ang tingin niya sa akin. Animo'y may kakaibang ipinapahayag ang mga mata niya. Kung baril lang ang mga ito ay baka kanina pa naglabas ng mga bala.

"Galit kaba?" Tanong niya, may halo pa itong inis, napakunot ang noo ko nang mag mistulang malalim ang boses niya. Ibang-iba sa boses kanina.

"Bakit naman ako magagalit?!" Tanong ko, ano bang pumasok sa isip niya, baka ngayon ay magalit pa ako. Saka ano bang pake niya? Feeling niya ba okay na kaming dalawa? I mean, feeling niya friends na kami? Nagkausap lang kanina friends na agad?! Di lang pala mayabang 'tong lalaki na ito eh. Feelingero rin.

Utay-utay siya lumapit sa akin, bahagyang nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang hininga niya sa tainga ko.

"Baka nagseselos ka kay Trixie." ani niya at napa-awang ang labi ko. Aba'y kakaiba pala siya! Pake ko sa Trixie niya?

Muling nanlaki ang mata ko  at itinulak siya papalayo, "Ano ba naman 'yan Lux?! Ano bang pinagsasabi mo? Are you out of your mind Mr.  Conde?! First of all why would I get jealous with that girl?! We aren't close nor friends. I don't know you personally! Assumero! Kapal ng mukha!"

Grey's POV
Hindi naman pala ganon kahirap ang college. O dahil first day lang? Tama, tama, first day palang, kaya hindi pa namin nararansan ang hirap. Uwian na ngayon, naglalakad ako papalabas ng main building nang may humaripas ng takbo sa likod ko. Freshman din 'to ah!

"Hoy! Tingnan mo naman dinadanan mo!" Pabiro kong sigaw sa co-freshman ko.

Tumigil ito at saka ako nilingon, bahagya itong napangiti, "Sorry." ani niya habang naglalakad papalapit sa akin.

"Grey diba? Nakalaban na kita dati sa isang contest." ani ni Code habang nakaturo sa akin.

"Oo naman, Nicodemus Ace Costa." I replied, giving him the same cocky attitude he's giving.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ng bahagya ang mata niya, "Wow naman memoryado pa, crush mo ako 'no?!" tanong niya at nagpa alon-alon pa ang mga kilay nya.

Napasinghap ako bago umirap, "Ang bakla mo!" sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Napatawa siya, "Basketball naman tayo!:" Pag-aaya niya, napakunot ang noo ko, pwede pa naman siguro akong sumama maglaro. Maaga pa at hindi naman ako gagabihin sa daan.

Tumango ako, "Sige," Sabay na kaming naglakad papunta sa ring na malapit sa gate ng school.

Pag dating namin doon nakita ko ang isa kong kaklase. Bakit andito 'tong mokong na 'to?

"Lux!" sigaw ko sabay takbo papalapit sa kaniya.

 
"Bakit mag-isa ka?" Taka kong tanong habang tumitingin tingin sa paligid. May hawak siyang bola pero walang kasama.

 
"Tuluyan ka nang hindi pinansin ni Cai 'no?" Pang-aasar ko, alam ko kasi ang nangyari sa dalawa, lalo na't madaldal si Lux ay isang tanong ko lang kung anong nangyari ay nag kwento ito agad. Para rin naman kasi siyang tanga sa ginawa niya.

"Yep, hindi ko na nakita eh." he replies, a hint of disappointed in his voice. If I was Cai, I would have punched him already.

"Maglalaro ba kayo?" tanong niya at napatingin ako kay Code.

"Oo daw, aya ni Code." sagot ko, saka tumango si Lux at inihagis sa akin ang bola.

" Oh, ito na ang bola. Aalis na ako." ani niya bago tumayo, pinagpagan muna nito ang pantalon bago tuluyang umalis.

Pinanood ko siyang maglakad papalayo, nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay napatingin ako kay Code. Kami nalang ni Code? Ang boring naman, mas masaya sana kung marami kami.

"Tara na?" Pag-aaya ko at tumango siya bago ibinaba ang mga gamit niya. Nag simula na kaming maglaro ni Code. 

"Ano ba talaga itatawag ko sayo? Code? Nicodemus? Ace? Ang dami mong pangalan pare." tanong ko habang siya naman ay nagdi-drible, medyo napapagod na ako at pawis na pawis.

"Code nalang p're, pwede rin Ace, ikaw bahala." sagot niya sabay shoot ng bola.

Napangiwi ako nang mag shoot ang bola, "Pagod na ako!" sigaw ko sabay punta sa direksyon ng bag ko at uminom ng tubig.

Lumapit si Code at tumabi sa akin,

"Gutom kana?" tanong niya, napatingin ako sa kaniya at tumango, "Yes, any idea?" sagot ko.

Tumango siya, "Sige pustahan, ang unang maka shoot ng lima, manlilibre. Konting points lang, pagod na rin ako." Paghahaamon niya.

Napataas ang isa kong kilay. "Saan naman tayo bibili?" tanong ko.

"May nagtitinda sa labas, ang dami pa, game?" tanong niya, pinanliitan ko siya ng mata.

 
"Game!" sagot ko sabay tayo, nagsimula na ang laro at nauna ako tumira.

Sa pagtira ko ay sa simula pa lamang ay alam kong patalo na ako. Sa score ko na 2 points ay alam kong wala na itong patutunguhan. Limang tira lang pero dalawa lang ang pumasok? Bwiset talaga!

"Ako naman." ani ni Code at pinulot ang bola.

Nang tumira siya ay sigurado na ang panalo niya. Sa limang tira ay 1 lang ang hindi pumasok. Akala ko ba ay pagod na rin siya?

Mukhang may maililibre pa ako.

"Paano ba 'yan?" Pagmamayabang ni Code.

Napairap ako, "Sige na, panalo kana." sabi ko sabay kuha ng bag ko.
"Saan ba?" tanong ko. Hindi pa ako pamilyar sa lugar na 'to.
"Tara." ani niya sabay kuha sa pulso ko at hinatak ako habang siya'y tumatakbo.

Parang gago! Nagmumukha kaming mga sira dito!

"Sandali! Bitaw nga! Para tayong mga sira! Para kang bakla sa ginagawa mo." singhal ko,  nakatingin lang siya sa 'kin na parang nagtataka.

Sabay lapit niya sa'kin na naging dahilan ng pag-urong ko.

"Don't worry, if you fall, I'll catch you." bulong niya na ikinalaki ng mga mata ko. Itinulak ko siya papalayo sa akin.

"Gago!" sigaw ko sa kanya sabay sinuntok-suntok siya ng pabiro.
"Aray! Aray! Masakit! Parang sira 'to! Binibiro ka lang, eh! Pikon ka masyado." sabi niya sabay tinigilan ko na siyang suntukin.

"Sa susunod kasi 'wag ka magbibiro ng ganun! Para kang gago." singhal ko sabay lakad, pag labas namin ng campus ay nakita ko na ang sinasabi niya na tindahan.

Naglakad ako papunta doon. "Ano sayo tutoy?" tanong ng lalaking tindero.

Napatingin ako sa menu, "Fries nga po, 120 pesos." sagot ko bago umupo sa isang bangko.
"Flavor?" tanong ng tindero.
Muli akong napatingin sa listahan, "Cheese po." sagot ko at tumango ang tindero.

"Cheese rin sa 'kin." Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Code.
"'Wag nga Code! Ano ba!? Para ka talagang sira." Inis kong turan habang nakakunot ang noo.

 
Nginitian lang ako nito, "Libre mo na ako." sabi niya sabay tingin sa mga tinda.
"Ano gusto mo?" tanong ko habang tinitingnan ang ibang menu.

"Fries po cheese, 100 pesos." sagot niya at napatingin ako sa kaniya, kapal naman ng mukha, 100 pesos talaga.

Hindi na ako nakapag reklamo, napatawa na lamang ako ng mapait at napa-iling, ibinigay na sa amin ng tindero ang aming mga order ag binayaran ko na ang mga iyon.

Naglakad na kami pabalik sa loob ng campus ng biglang magsalita si Code.

"Uy Grey! Sorry! Binibiro ka lang!" bigkas ni Code ngunit hindi ko din siya pinapansin. Patuloy ako sa paglalakad patungo sa isang direksyon.

"Uy Grey!" sigaw niya sabay takbo sa harap ko.

Nang tumigil siya sa harap ko ay maski ako ay natigilan. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. "Sige na, sige na! Okay na, tumigil kana sa ginagawa mo na  katangahan." sabi ko sabay dirediretso ng lakad hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, natatandaan ko nalang ay pumasok ako sa isang gate at matapos nito ay damo na ang natatapakan ko.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Code.
Natigilan ako at napatingin sa paligid, "Nasaan ba tayo?" tanong ko, napatawa naman si Code.

"Bakit ka pumunta dito kung di mo alam kung ano 'to?" tanong niya na matawa-tawa pa sya.

Napairap ako. "Gusto ko lang naman mag explore sa bago kong university! Bawal ba?! Alam mo nakakainis kana!" sagot ko dito.

"Sus! Sabihin mo nag-iinarte kalang." sagot nya bago umupo sa damuhan.
Napakunot ang noo ko, "Bakit naman ako magiinarte eh lalaki ako!?" Inis kong turan.

"Bakit? Pwede naman na mag-inarte din lalaki diba?" Pang-aasar pa lalo ni Code.
"Bahala ka nga dyan!" sabi ko sabay tayo mula sa pagkakaupo. Hindi ko pa alam kung ano tawag dito.

"Sandali, ano ba tawag dito? I'm serious, where are we?" Pagbalik ng tingin ko kay Code ay nakahiga na siya.

"Huh?" Inangat niya ang kanyang ulo.

"Halaman," sagot ko sabay tawa.
Narinig ko nalang din siyang tumawa at umiling. "Garden of Vill." sagot niya sabay muling inihiga ng ulo.

Napatango nalang ako,  "Aalis na ako." Paalam ko, tumango siya at tumayo na ako bago  lumabas sa sinasabing 'Garden of Vill' at umuwi.

Pag-uwi ko ay ilang segundo akong natitigilan, hindi ko pa rin malimutan ang hitsura ni Code tuwing iniinis niya ako. Lalo noong inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at naramdaman ko ang pag-init nito. Ang sarap sapakin ng mukha niya!

Napa-iling ako bago ibinagsak ang sarili ko sa kama, "Napakagago talaga!" I groaned and ruffled my hair in annoyance. Ano ba 'yan Code? What the fuck man?! Bakit ba ang hilig mong mang-inis?

Nagulat ako ng biglang tumunog phone ko. Agad ko itong dinampot para makita ang notification.

Nicodemus Ace Costa sent you a friend request.

Napaupo ako sa kama ko habang nakatingin sa phone ko, binasa-basa ko ang mga katagang nakasulat sa cellphone ko.

Nang biglang may lumabas na message sa taas.

From: Nicodemus Ace
Uy! Accept mo naman friend request ko!

At muli itong tumunog.

From: Nicodemus Ace
Uy! 'Wag suplado!

From: Nicodemus Ace
May assignment tayo sa Mathematics baka malimutan mo.

Nang mabasa ko ang message niya na iyon ay napa-iling ako. Ipina-alala pa nga.

Binitawan ko na ang phone ko at pumunta ako sa bag ko ay kukunin ang notebook ko muling tumunog ang cellphone ko. Muli akong lumapit sa gawi ng nito at dinampot bago binasa ang message niya.

From: Nicodemus Ace

Babe, pansinin mo naman ako.

Nanlaki ang mata ko at napasinghal. "Gago!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top