Chapter 8
2 months later...
Recently palagi akong tumatambay sa condo ni Miriam o kaya siya naman sa condo ko lalo na pag-weekends o kaya after ng classes, Well wala naman kaming masyadong ginagawa kundi mag movie marathon o kaya maglaro ng cards tapos minsan nagni-nail art din kami.
Yung sagutan namin ni Jeremiah hindi na naulit yun, Kadalasan pag nagkaka-salubong kami sa hallway nag-ngingitian lang kami. o kaya he will just waved at me. That's it we were just being casual with each other. Dahil hindi nanaman ulit nangyari yung meet-up namin na kami kami lang, Well except today dahil inimbita ni Miriam yung pinsan niyang si jeremiah kasama yung tatlo pang unggoy. Ni hindi ko nga alam kung anong okasyon ang meron ngayon eh!
*Ding Dong* *Ding Dong*
Naku ayun na ata ang mga chimpanzeeng gwapo, Sasabihin ko sana kay Miriam na nandito na yung pinsan niya pati kasama neto kaso lang nasa banyo nga pala ang loka at naliligo, Tss. Ako tuloy yung nagbukas ng pintuan.
Unang bumungad sa akin ay yung mukha ni Jeremiah na maaliwalas tapos nakafriendly smile na naman siya, Katabi niya naman si Timothy na kumindat pa sakin! Sumunod naman si Acts na tinanguan lang ako, Tapos si Isai---
"Hello Thessalonians!" He greet me lively while laughing. Tawa nanaman tong isang toh. Dapat talaga sa mental toh pumunta hindi dito eh!
"Hi, Nasa banyo pa si Miriam kaya pasok muna kayo."
"Salamat Asseth!" Sabi ni Isaiah na ngiting-ngiti. Wala namang pinagbago ganito talaga tong kumag na toh.
"Thanks." Sabi naman ni Jeremiah na may friendly smile nanaman. Tss!
"No prob." Sabi ko nalang.
Nagkwentuhan muna sila dun sa living room ng condo ni Miriam habang ako naman naghahanda ng pagkain para mamaya nga biglang lumabas na si Miriam, Naks tapos na ata maligo ang loka!
"Uy Jeremiah! Nandito na pala kayo, Buti pinapasok kayo nitong si Asseth!" Sabi naman nito tapos sabay tingin sakin ng nang-aasar. Tss.
"Oo nga! Akala ko hindi na kami pa-papasukin nitong si Asseth eh!" Sabi naman ni Jeremiah sabay tingin sa akin ng nakakaloko. Duh.
"Kung Condo ko toh hindi ko talaga kayo papasukin lalong-lalo ka na, kaso lang condo toh ni Miriam saka inimbita niya kayo." Sabi ko naman sabay irap.
"Burn pala si Captain eh!" Tukso naman ni Isaiah kay Jeremiah. Habang sila Acts at Timothy naman tumatawa-tawa lang.
"Pagbigyan babae eh." Sabi naman ni Jeremiah sabay ngisi sa akin.
Tss. Really that's all you got? Loser.
Magsasalita pa sana ako kaso lang naunahan nako ni Miriam.
"Tumigil na nga kayo dyan, Manood nalang tayo ng movie."
Wala na kaming nagawa kundi pumunta sa blanket fort na inayos namin ni Miriam kanina, Psh. Dapat kami lang dito eh, Kami lang naman nag-ayos ng lahat ng ito.
"Anong papanuorin natin?" Tanong nung Gorillang Jeremiah na nasa gilid ko nakahiga.
Wait What? Magkatabi kami!? Kelan pa?
Nanlaki naman ang mga mata ko nang tignan ko ang arrangements namin.
Isaiah-Timothy-Acts-Miriam-Asseth-Jeremiah
What The Hell? Papano ko naging katabi ang kumag na toh dapat katabi siya ng mga kaibigan niya. Atsaka papano ako makakapag-concentrate sa papanuorin ko kung magdamag ko tong kadami?
"Lumayo ka nga saken, dun ka tumabi kay Isaiah!" Sabi ko sakanya sabay tulak sa dibdib niya.
Oh God. Nahawakan ko yung dibdib niya.
Mukhang napansin naman ni Jeremiah yung pagkabigla ko ng mahawakan ko ang dibdib niya kase ngumisi nanaman siya ng nakakaloko.
"Naks naman Asseth, Tumatsansing ka pa ah!" Tukso niya saken.
"K-Kapal mo! Anong tsansing pinagsasabi mo? Pinapalayas lang kitang unggoy ka!" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
Aba't dibdib niya nga lang ang nahawakan ko, Buti sana kung pati abs o kaya triceps niya eh! W-Wait eww ayoko pala siya mahawakan mamaya mavirus pa ako. Tss. HIV
"Okay lang Asseth sanay na ako sa pagiging indenial mo." Sabi naman niya sabay kindat.
Aba't may pakindat-kindat pang nalalaman tong gorillang chinitong toh! Hindi naman ganun kahalata kasi singkit siya.
"Hindi ako indenial, Sadyang ayoko lang talaga kita katabi." Sabi ko sabay simangot. Alangan namang kindatan ko din siya eh di para naman akong shunga nun!
"Okay, Sabi mo eh." Nagkibit-balikat nalang ito pero hindi parin umaalis sa tabi ko.
Aba't ang tigas talaga ng ulo!
"Jeremiah Ishmael De La Vega hindi ka ba talaga lilipat? Gusto mo pa ba talagang masaktan?" Sabi ko ng pahamon, Akala niya ah! Austria ata toh.
"Saan mo ba ako gusto lumipat? Sa ibabaw mo?" Sabi niya saby ngiti ng nakakaloko.
Ano daw? Nabingi ba ako? Sa ibabaw ko daw!?
What the Hell! Bastos!
"Nakakainis ka----" Naputol naman ang sasabihin ko ng biglang nag-sisigaw yung tatlo.
"Uy kayong dalawa tumigil na nga kayo diyan magsisimula na yung movie oh!" Saway saamin ni Miriam sabay turo sa screen. Uh Oh. Magsisimula na nga.
"Kung gusto niyong mag-away sa labas nalang kayo." Sabi naman nung si Timothy. Psh, ikaw kaya lumabas.
"Wag kayong maingay dalawa baka hindi natin maintindihan tong papanuorin natin, Kung gusto niyo mag-solo, may spare room naman dun nalang kayo." Sabi naman ni Isaiah sabay tawa. Tss. Ikaw ikulong ko sa spare room diyan eh!
"Oo nga quiet kayo." Sabi naman nung si Acts. Seriously mema lang ang peg, Para lang may masabing nacontribute ang lolo niyo. Psh nerd.
Magsasalita pa sana kami ni Jeremiah kaso lang tinignan kami ng masama nung tatlo tapos nilakasan pa ni Acts yung volume ng movie. Mapapatay ko talaga tong nerd na toh eh!
Wala tuloy akong nagawa kungdi umayos nalang ng higa, Habang yung katabi ko namang unggoy mukhang namang naubusan ng space dahil kung makasiksik sakin wagas!
"Hoy Jeremiah baka naman gusto mong umusog kung hindi naman nakakahiya sayo?" Mariing bulong ko sakanya.
"Ayaw. Natatakot ako." Bulong niya sabay pout.
What The Hell?
"Papano ka matatakot eh kakasimula palang ng movie, Saka ano naman kayang nakakatakot sa pinapanood naten aber?"
Tanong ko sabay taas ng kilay. I mean hello? The Purge lang po yung pinapanood namin kung maka-react to wagas, Umiistyle pa.
"Basta." Yun nalang yung sinabi niya, Ni hindi manlang umusog ang loko.
Pinabayaan ko nalang siya mamaya sabihin niya affected nanaman ako sa presence niya eh kahit hindi naman, Well slight lang.
Maya-maya habang nanonood kami ng movie hindi ko na napigilang mag-kumento ng mahina.
"Pano ba naman? Ang shunga-shunga ng bata, Buksan ba naman? Dapat sumama nalang yan sa ilalabas eh!"
Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko naman akalain na maririnig pala yun ng unggoy. Unggoy ba talaga toh o elepante? Bakit ang lakas ng panrinig?
"Sana sinabi mo sa director para nagawan niya ng paraan." Sabi niya sabay tawa ng mahina.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin, Psh.
Nung nandun na kami sa climax ng movie bigla namang nag-salita tong katabi ko.
"Asseth nagugutom ako." Sabi niya sabay hawak sa tiyan niya.
"Eh di kumain ka, Bakit hawak ko ba ang ref?" Tanong ko sabay irap. Aba't hirap na hirap na nga akong mag-concentrate sa movie iniistorbo niya pa ako.
"Ehhh.. Ikaw ang gusto kong kainin." Bulong niya saken ng nakakaloko.
WHAT!? ANO ULIT?
Ako kakainin niya? Sure why not! W-Wait mali! Yuck.
"Ako ang kakainin mo!?" Pinigilan ko talang hindi lumakas yung boses ko mamaya marinig nung tatlo eh. Malay ko ba kung may elepante instinct din yung mga yun!
"H-Huh? Sabi ko ISAW hindi IKAW!" Tanggi naman niya.
Isaw ba talaga sinabi nun? Bakit parang iba yung pagkakarinig ko?
Kailangan ko ba ng Hearing Aid?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top