Chapter 6

Chapter 6

"He's my cousin."

Ano daw? Nagkamali ba ako ng rinig? Anong sinabi ni Miriam? He's her what?

Cousin...

Cousin...

Sus! Cousin lang naman pala eh----

Wait. WHAT?

Seriously!? He's her cousin? Magpinsan sila? Paano? Kelan pa? 

Napatingin ako ng pabalik-balik kay Jeremiah at kay Miriam.

Aish! Ang stupid mo talaga Thessalonians Faith Austria. How could I noticed it? Parehas chinito at chinita parehas ding mestizo at mestiza. Arghhhh! Mapapatay ko talaga toh si Miriam ni hindi manlang sinabi sakin na pinsan niya pala tong gwapong chimpanzee na toh.

Hindi pala gwapo, Pangit pala pangit.

Lagi ko pa man din nilalait ang pagkatao nitong si chimpanzee sa harapan niya, Kaya pala lagi niyang pinagtatanggol. Pinsan niya pala, Akala ko naman isa lang siya sa mga die hard fangirl nitong unggoy na toh! Gosh, ang tanga ko talaga.

Nang binalik ko naman ang tingin ko kay Jeremiah malaki na ang ngisi niya. Tss, Yabang!

"Surprised?" Tanong niya habang ngiting-ngiti. Tss, mukha kang chimpanzee.

"No, not really." Sagot ko naman, Akala mo ah.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo sila Isaiah,Timothy at Acts.

"Oorder muna kami ah." Ngiting-ngiting sabi ni Timothy,  Yung mahilig mangampanya.

"Babalik din kami." Acts said to no one in particular, Tss. Alangan namang hindi.

"Mocha Frappe Dude!" Pahabol na sigaw ni Jeremiah. Wow may tagabili si kuya, Ang taray dinaig pa ako.

Kami nalang tuloy tatlo ang natira sa table. "Asseth-Miriam-Jeremiah"

SPELL AWKWARD.

Papatayin ko talaga tong si Miriam pag ito umalis----

"Uh, Nauuhaw pa pala ako.. Oorder paulit ako guys ah." Sabi nito sabay tayo ng mabilis at halatang-halata namang umiiwas tumingin saken. Psh! pano may kasalanan, Humanda ka talaga saken mamaya!

Dahil wala na akong ibang choice napilitan tuloy akong tumingin kay Jeremiah.

Seriously? 

Titig na titig ang chinitong unggoy sakin para ba kong subject na pinag-aaralan niya. Damn, I don't know if I should be flattered or what. Parang may kakaiba sa titig niya eh, seryosong-seryoso. Tapos maya-maya ngumisi na siya, Tapos binigyan ako nang *may-alam-ako-pero-hindi-ko-sasabihin* look.

Seriously dude? 

"What's your problem? Tanong ko ng nakataas ang kilay.

"Hmmm, Nothing."Sabi niya tapos nilapit pa yung mukha sa akin.

What The Hell!? Naconscious tuloy ako kaya mabilis akong lumayo, Nasagi ko pa tuloy yung tinidor kaya tuloy nalaglag. Damn, ang tanga mo talaga Asseth. Halatang-halatang affected ka sa mokong na yan! Mabilis ko nalang itong dinampot, Tss.

"Ahahahaha. You're cute." I heard him say.

Ano daw? Nabingi ba ako?

You're cute

You're cute

You're cute

Hindi ako cute maganda ako! maganda ako! Gusto ko sanang sabihin kaso wag na baka bawiin pa niya yung sinabi niya.

"You don't look so bad yourself." I counter him.

"Am I supposed to take that as a compliment, Thessalonians?" Sabi niya sabay lip bite.

What The Hell? Kailangan talaga mag-lip bite? Hindi pa siya nakuntento at mas nilapit niya pa ang mukha na niyang kanina pa sobrang lapit saken.  0_0

Sa sobrang gulat ko tuloy napatayo ako ng wala sa oras, Aalis na sana ako at oorder nalang ulit  para makaiwas dito sa pacute na toh. 

Kaso lang bigla siyang nagsalita...

"You're going. Why do I make you feel uncomfortable?" Tanong niya with matching taas ng kilay. Aba't ginaya pa ang move ko. Plagiariarism! Kaano-ano kaya nito si Tito Sotto!? Mamaya ma-ano siya niyan kaka-ano niya. Naku pag siya talaga na-ano ah!

Napaupo tuloy ako bigla dahil sa sinabi niya, You want war De la Vega? I'll give you war!

"Of course not, Nauuhaw lang talaga ako at gusto ka pang umorder ulit" Take that asshole.

"A'right. Palusot 101." Sabi niya sabay ngisi ng nakakaasar, Tusukin ko yang mata mong maliit eh!

"You know what De La Vega, Let's stop playing games."

"What's your point Austria?"

"Just admit it."

"Admit what?"

"Admit that you like me." Damn, saan nang galing yun? I got too caught up in the situation kaya tuloy kung ano-ano na ang nasasabi ko. Well, There's no going back now.

"Wow. I didn't peg you as a GGSS type, Austria." Sabi niya na parang natatawa.

At anong sabi niya? GGSS?

"What!? GGSS." Nanlilisik na matang tanong ko sakanya.

"Yeah. Gandang Ganda Sa Sarili." Sabi niya sabay smirk.

"Wow. Ang kapal mo pala talaga De La Vega." Akala mong unggoy ka magpapatalo ako ah! 

"Ako pa?" Tanong niya na parang nang-aasar.

"You know what, Hindi naman kita lolokohin pag sinabi mong gusto mo ako ehh, No biggie." 

I countered him again.

"Why would I like you Austria? You're not even my type."

Note to self: Never make assumptions.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top