Chapter 4
"Thessalonians Faith Austria. Asseth for short."
Ngumiti lang ako ng unti mamaya masabihan pa akong stiff eh. Nagulat naman ako ng biglang tumawa ng malakas yung lalaking tall, fair and handsome. Isaiah ba pangalan nung clown na yun? Aish nevermind, Nakita ko namang nakipag high five pa siya kay Jeremiah. Napatingin tuloy sakin yung Jeremiah saka binigyan ako ng friendly na ngiti. Hindi ko nalang pinansin at umupo nalang ako.
Really Friendly smile? Style mo! Malandi ka! Friendly my ass, Mukha palang halata ng mga manloloko ang mag babarkadang iyon. Jusq akala nila ah! Expert nako sa mga ganyan! papano ilang beses na akong naloko. Aish, Mga Unggoy! Style niyo bulok!
Nagpatuloy na yung mga nagpapakilala kaya dun ko nalang binaling yung atensyon ko. Then dahil wala pang maayos na schedule kase first day palang naman pinayagan na kami ng professor naming umuwi dismissal na daw. Tuwang tuwa naman ang mga kasama ko, madami ng nagkayayaan para gumala, Meron namang pupunta ng gym para manood ng practice game sa basketball. Parang ang aga naman ng practice game? First day palang ah.
"Girl make it fast naman, Hindi pa ko nakakapag-retouch oh! We will go pa sa gym to watch their practice game. Bilis I still need to see the player's yummy abs! Mamaya mawalan pa tayo ng chair sa sobrang slow mo!" Rinig kong sabi nung Micah.
Well sila yun dahil kailangan ko ng umuwi at inaantok nanaman ako. Mabilis akong inayos ang bag ko at ambang aalis na ng bigla akong kinausap nung katabi ko kanina, Yung simple pero maganda.
"Uhmm. Asseth Gusto mong sumama sakin manonood ako sa gym ng practice game."
"Sorry, Hindi ako pwede may gagawin pa ako eh." Sabi ko naman in an apolegetic manner.
"Ay, Ganun ba sayang naman. Sige next time nalang."
Nginitian ko nalang siya at nagpaalam ng umalis.
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay bagsak ako agad sa kama. Grabe kahit wala namang masyadong ginawa ngayong araw pagod na pagod parin ako.
Kinabukasan maaga na akong nagising, aba mahirap na mamaya malate nanaman ako, nakakahiya na yun. Strike two na. Pagkadating ko sa school meron na kaming kaniya-kaniyang schedule at aba may pinapamigay ng map! Biruin mo yun! nakita siguro ako sa CCTV kahapon na parang pusang ligaw. Pagkapunta ko sa assigned classroom ko una kong nakita si Miriam, Yung babaeng simple lang pero maganda. kumaway naman ito sakin at inoffer niya ang upuan sa tabi niya.
"Asseth, Dito kana maupo oh!" Turo niya, Napansin ko na masyado siyang masiyahin na tao. kaano-ano niya kaya yung magbabarkadang model ng toothpaste kahapon? Kase palagi siyang nakangiti, Nahiya tuloy yung mukha kong may pagkamataray.
"Thanks." Sabi ko nalang sabay ngiti.
Maya-maya kung ano-ano na ang kinukwento niya, Naku di lang pala toh masiyahin madaldal pa! Kwento siya ng kwento sa practice game ng basketball players kahapon sa gym. Hindi naman ako makasabay dahil unang-una hindi ako fan ng players nila kahit di ko alam kung sino-sino yung mga yun. Atsaka pagkaka-alam ko mahigpit na rivals ang school ko dati sa school nila lalo na pagdating sa sports. Kaya oo na lang ako ng oo.
Hindi naman nagtagal at dumating na yung professor para sa subject namin. Unlike sa kahapon naming professor ngayon mej matino naman ang itsura nito, Di niya kamukha si Jollibee.
As usual dahil kakasimula palang ng klase mej chill muna kami, wala muna masyadong ginagawa. Pagkatapos ng klase ni Sir. Ocampo agad na akong tumayo para pumunta sa next class ko dahil nung chineck ni Miriam yung schedule namin kanina mga tatlong subject lang kaming magkaklase. May naalala tuloy ako sakanya napaka masiyahin, parang si Rebe-- Aish! nevermind, No need to talk about bitches baka ma-bad vibes pa ako mahirap na.
Pagkapunta ko sa next class ko nagulat nalang ako ng halos puno na yung classroom wala na akong makitang vacant seat, Isa nalang dun pa sa napapagitnaan nung si Jeremiah na chinito na yummy. W-Wait pinuri ko siya? Yuck! Joke lang yun. Di ko siya type, Tss. So yun nga napapagitnaan nung Jeremiah saka nung clown na Isaiah na ngiting-ngiti naman ngayon. Pag sinuswe-- Ay pag minamalas ka nga naman oh!
"Asseth, Dito ka na umupo oh!" Sigaw nung si Jeremiah sabay flash nanaman yung mala close-up smile niya sa akin. Napatingin tuloy sa amin ang buong klase buti nalang wala pa yung professor.
Tinanguan ko nalang siya sabay upo sa upuan na sinasabi niya. narinig ko naman siyang may binubulong sa sarili niya.
"Suplada.." Sabi niya gamit ng mahinang boses akala niya siguro hindi ko maririnig yun, Pwes akala niya lang yun!
"May sinasabi ka ba?" Nanliliit na matang tanong ko sakanya.
"H-Huh? Wala ah!" Sabi niya sabay tawa. Damn ang gwapo talaga nito. Aish! manloloko naman! Wag nalang. No Freaking Way.
Naalis naman yung atensyon ko sakanya ng may tumapik sa balikat ko, Pagtingin ko may tatlong gwapong nilalang na nasa harapan ko pare-parehas silang nakaupo at tinititigan ako para bang nakasalang ako sa hot seat. At W-Wait Gwapo ba sabi ko? Unggoy pala, May tatlong unggoy sa harapan ko na pare-parehas may malaking ngisi.
Kumunot naman ang noo ko kung bakit ganun yung mga ekspresyon nila.
"What?" tanong ko ng nakataas ang kilay.
"Ikaw ah, Mabilis ka palang kumilos ah. ganyan pala ang style mo ah!" Akusa sakin nung si Isaiah habang tinataas baba pa ang kilay niya.
Ano daw?
"Ang bilis mo naman atang manligaw kay Jeremiah, Second day palang ah!" Tukso naman nung si Timothy yung parang nangangampanya kahapon.
"WHAT!?" Hindi ko na napigilang mag taas ng boses dahil sa mga narinig ko. Aba! Ako nanliligaw kay Jeremiah!? Aba matinde.
"Yieee!" Sabi naman nung Hot Nerd kahapon.
Seriously? Para silang hindi mga lalaki kung maka-tsismis. Psh.
Bago ko pa sila mapatay biglang may nagsalita sa likuran ko.
Si Jeremiah Ishmael De La Vega
"Ano ba kayo! Wag niyo ngang pinagloloko si Asseth, Ako lang ang pwedeng manloko diyan!" Sabi naman niya sa mga kaibigan niya. Okay na sana eh kaso lang ampanget ng pang dulong sinabi niya!
"Yieeeeeee!" Aba, Sumali pa yung mga bwiset kung kaklase.
"Wag nga kayong maingay nakakirita na kayo." Sabi ko nalang sabay cross arm. Tumigil naman sila tapos narinig ko pang sinasabi na ang sungit ko daw. Grabe ang tibay!
Lalo tuloy akong nainis, Kakausapin pa sana ako nung apat na unggoy kundi lang dumating yung professor namin. Lecture dito, Lecture doon. Aish! Nakaka-antok. Buti nalang mabilis na tapos ang klase kaya mabilis din akong nag-ayos ng gamit. Nang biglang lumapit sakin si Isaiah, Timothy, Acts at Jeremiah.
"Napikon ka ba? Sorry na Asseth." Biglang sabi ni Acts. Yung nerd.
"Peace na tayo!" Sabi naman nung clown na si Isaiah.
"Joke lang yun, Asseth Sorry." Seryosong sabi nung si Timothy na parang nangangampanya palagi.
Tinanguan ko nalang sila dahil mukha naman talaga silang sincere sa pagso-sorry nila at kinuha ko na yung bag ko at ambang aalis na dahil may next class pa ako.
Kaso lang may biglang humawak sa braso ko.
"I'm really sorry Thessalonians." Biglaang sabi niya sakin kaya nagulat naman ako at di nakapagsalita agad. Lalo na kase kung makatitig siya sakin wagas.
"A-Ah Ano ba kayo, Okay lang yun. Don't take it too seriously." Sabi ko to eased the tension.
"R-Really?" Parang batang tanong ni Jeremiah. Kaya napatitig naman ako sakanya. Damn must resist temptation, Manloloko yan Asseth.
"Y-Yeah really. So bye!" Di ko na kinaya ang pakikipag-staring contest sakanya kaya aalis nako, mahirap na.
"Ihahatid na kita." Offer naman ni Jeremiah
"Hindi na."
"Peace offering namin sayo, Kaya ihahatid na kita." Seryosong sabi ni Jeremiah.
"Wag n--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng kinuha na niya yung bag ko at nauna palabas.
What The Hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top