Chapter 17
And if you like cameras flashing every time we go out,
Oh, yeah....
And if you're looking for someone to write your break-up songs about
Baby, I'm perfect Baby, we're perfect
Nakaupo ako ngayon sa mga nakahilerang bleachers habang nakikinig ng music.
Ugh! Miss na miss ko na talaga ang "Haylor"
Hays, sana lagi nalang ganito ang buhay. Chill lang!
Sumasabay ako sa kanta ng biglang may humatak ng earphone sa kaliwang tenga ko.
Huh? what the? Pati ba naman earphone inaagaw?
Agad na kumunot ang noo ko ng makita ko kung sino yung nasa harapan ko ngayon.
"Oy, Ikaw Asseth ah! Cutting ka."
"Excuse me?" Aba ako daw cutting!?
"Oh daan na." Pilyong sabi sa akin ni Jeremiah.
Inirapan ko nalang siya. "Tss. Free cut kami ngayon."
"Ganun ba? Eh parehas pala tayo wala yung professor ko ngayon absent." Tuwagang tuwang sabi niya.
"So anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Samahan mo ako kumain." Sabi niya sabay puppy eyes.
Oh God! Ang gwa-- panget grabe!
"Hindi effective saka may klase pa din ako mamaya."
Mukha namang nalugi yung itsura niya sa sinabi ko.
"Sige na Asseth wala akong kasama!" Pilit niya.
"So? anong pake ko? hindi naman tayo close."
Aba hindi porket nag-uusap na kami paminsan-minsan sa school ibig sabihin nnun close na kami. Feeling close talaga ang isang toh.
"Grabe ka naman, Sige na ililibre naman kita." Pangungulit niya parin.
Oy! Libre daw oh!
"Fine." Sabi ko sabay ayos ng gamit ko para makaalis na kami at malibre na niya ako.
"Nakarinig lang ng libre eh."
"May sinasabi ka ba?" Parang narinig kong may binubulong siya eh.
"W-Wala, sabi ko ang bait mo kase sasamahan mo ko." Sabi niya sabay alalay sa akin bumaba sa bleachers.
Huh!? Gentleman pala toh?
"Yung reaksyon mo naman gulat na gulat! Mabait naman talaga ako ikaw lang tong hindi..."
"Ano may sinasabi ka?" Parang may narinig nanaman akong hindi kanais-nais.
"Wala alika na sabi ko." Sabi niya tapos nauna ng nag lakad.
Tss. binabawi ko na yung sinabi ko kanina na gentleman siya!
Nag lakad kami patungo sa sasakyan niyang pang rich kid, pagkapasok ko sa loob nagulat nanaman ako ng makitang malinis ni walang kahit isang kalat.
Huh? Diba karamihan ng kotse ng lalaki lalo na kapag athlete magulo? Bakit wala tong kalat?
"Hindi lahat ng lalaki pare-pareho."
OH MY! Nasabi ko ng malakas!
"Psh, Edi fine." Yun nalang yung nasabi ko.
"San ba tayo pupunta? Siguraduhin mo lang malapit lang yan ah." Mamaya kung saan pa ako dalin nito eh may klase pa ko mamaya.
"Basta chill ka lang akong bahala." Sabi niya tapos bukas ng radio.
Hindi ikaw yung tipong niloloko
At hindi naman ako
Yung tipong nagseseryoso
At kahit
Sulit sana sa'yo ang kasalanan
Lolokohin lang kita
Kaya't kung pwede wag nlang dahil
Ayoko ngang masaktan ka
Wag kang maniniwala
Hindi ako santo
Nagulat naman kami pareho sa kanta, napabusina pa nga siya sa gulat.
"Damn." Sabi niya sabay ayos ng upo.
Hala bat ganito yung music? Nananadya ka ba talaga tadhana?
Psh. Hindi nalang namin pinansin yung music.
Mga sampung minuto na yung lumipas pero wala paring nag-sasalita sa amin puro lang siya drive. Kaya nagulat ako ng bigla siyang mag tanong.
"Nakapunta ka na ba sa Holy Gardens?" Sabi niya sabay sulyap saken habang nagda-drive.
"Huh? Oo dati." Bat naman kaya toh nagtatanong ng tungkol dun?
"Dun tayo pupunta."
Ah yun naman pala ehh--!?
"Sementeryo yun ah!? Anong gagawin natin dun?" Hala hindi pa naman undas para pumunta dun saka diba sabi niya ililibre niya ako?
Hindi kaya papa-----
"Walanghiya ka! Ibaba mo ako!" Sabi ko habang sinasabunutan siya.
Tinatanggal naman niya yung kamay kong nakasabunot sakanya.
"A-Aray ko Asseth! Wag kang magulo mababangga tayo."
"Ayoko walanghiya ka! Bata pa ko madami pa kong pangarap sa buhay!" Bakit pa saken mangyayari toh Lord? Madami namang ibang masasamang loob diyan!
"Ano bang sinasabi mo hah!?" Sigaw naman niya pabalik saken habang nakafocus yung mga mata sa daan.
"Papatayin mo ako diba? Kaya mo ko dadaling sementeryo!?" Lord wag niyo po sana hayaang mangyari yun masyado pa po akong bata! Hindi pa po ako nakaka-graduate at hindi ko napapakasalan ang oppa ko!
"Huh? Ahahahahahahaha!" tawang-tawa ang loko kahit wala namang nakakatawa.
"Wag kang tumawang killer ka!" Sabi ko sabay batok sakanya.
Aba kulang pa nga yan!
"Aray! Sh*t!" Napahawak naman siya sa batok niya tapos tinignan ako ng masama.
"Ano? Ikaw pa yung may ganang gumanyan?"
Hininto niya yung sasakyan tas tumingin saken."You're so stupid."
"Wow! Ako pa ang stupid?" Ang kapal talaga ng gorilla slash killer na toh.
"Look kung nasaan na tayo ngayon." Sabi niya sabay turo sa labas ng sasakyan.
Huh? Ano daw?
Sumilip naman ako sa bintana at laking gulat ko kung nasaan na kami ngayon.
"Kainan ni Mang Kanor"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top