Chapter 14

Kaya lang muntik na akong mabilaukan ng may marinig ako......

"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen."

Oh My Gosh.

Si Jeremiah Ishmael De La Vega na mayabang na may pagka-playboy na mahilig mang-asar...

NAGDADASAL BAGO KUMAIN!?

Buti nalang nakapikit ito kaya hindi niya nakita ang gulat na gulat na expression ko, Nang tumingin ako kay Miriam nag kibit balikat lang siya saka sumubo ng fries.

Nahiya naman ako dahil kababaeng tao ko nauna pa ang pagkain kesa sa dasal kaya nag sign of the cross nalang ako.

Lord patawarin niyo po ako nasobrahan po ata ako sa pagiging judger ko at sobrang takaw ko din po. Sorry.

Hindi naman ako nagpapahalata na sinusulyap-sulyapan ko siya habang inaayos yung pagkain niya, pano hindi parin ako maka-get over sa ginawa niya kanina.

Kase sino bang hindi magugulat? That's so not him!

Pinilit ko na lang hindi pansinin at nilantakan ko nalang yung burger ko.

Nakita kong isusubo niya na yung cheeseburger niya kaya....

"Oy! P195 yan!" Sabi ko sabay turo sa cheeseburger niya. Akala niya hah!

Napatawa naman siya sa sinabi ko. "Grabe ka naman Asseth hindi ko pa nga nakakain pine-presyuhan mo na."

"Mabuti ng nagkaka-alaman tayo, mamaya tumakas ka pa eh."

"Opo mam." Sabi niya tapos sarap na sarap nginuya yung burger niya.

Pinagtuunan ko nalang din ng pansin yung cheeseburger ko, grabe ang sarap talaga ng burger dito! Nilagyan ko pa ng fries sa loob. Ayos walang nang tatalo sa sarap. The best in the west!

Sinuway naman ako ni Miriam. "Hinay hinay lang Asseth mamaya mabilaukan ka, Hindi ka naman mauubusan."

"Gutom na gutom ako eh."Aba! Ang tagal na kaya akong nagki-crave nito. At last nakuha ko na din.

Natawa naman si Jeremiah saken kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Aba tumatawa pa!

Biruin niya na ang lahat wag lang ang taong gutom baka makakita siya ng tigre ng wala sa oras!

Pagkatapos ko kainin yung cheeseburger ko sinunod ko namang kainin yung ecstacy fries. Yummy! Napapalakpak pa nga ako sa sarap kaya natawa na din si Miriam sa reaksyon ko. While si Jeremiah naman nakatingin saken ng may amusement sa mga mata niya.

Huh? Bakit kaya?

Tss. Who cares? Uunahin ko pa ba yun kesa sa fries ko!

Syempre hindi noh.

Fries before guys sabi nga nang mga single.

Habang kumakain ako ng fries napansin kong iinumin na ni Jeremiah yung Sex Berry Shake niya kaya....

"Oy, P185 yan ah!" Sabi ko sabay turo sa iinumin niya.

"Oo na, para namang tatakas ako." Nag-roll eyes nalang na sabi niya kaya napatawa nalang ako pati si Miriam.

"Mahirap na!" Asar ko sakanya sabay subo ng fries ko. Hay heaven talaga toh!

"Nice, Sex Berry Shake ba toh Asseth?"

Muntik nanaman tuloy akong mabilaukan sa tanong niya.

"Oo. Baket may problem aka ba?" Tanong ko sakanya.

"Hmmm. Wala naman. Didn't you're that naughty." Pahina ng pahinang sabi niya.

"Ano yun!?" Nanlalaking matang tanong ko.

"Wala, Sabi ko ang sarap." Sabi niya habang wini-wiggle yung eyebrows niya.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya "Psh. Kumain ka na nga lang diyan."

Pagkatapos ng mga one hour isa-isa na kaming natapos kumain. Siyempre ang unang natapos ang nagda-diet kuno na si Miriam sumunod si Jeremiah at syempre dahil favorite ko lahat yung pagkain ako yung pinakahuling natapos ahahahaha.

"Grabe Asseth hindi na ata ako makaka-kain ng one year sa dami ng kinain ko." Sabi ni Miriam sabay hawak sa tiyan niya.

"Sabagay ako din eh, napasobra ata." Feeling ko magjo-jogging ako nito simula Manila hanggang Batanes sa dami ng nakain ko.

Napansin ko namang may binubulong bulong sa sarili niya si Jeremiah na gorilla. 

"Baka nga kulang pa sa'yo yun eh."

"May sinasabi ka ba Jeremiah?" Tanong ko sakanya ng nakataas ang kilay. Feeling ko talaga may sinasabi nanaman yung hindi maganda eh.

Nag-iwas naman siya ng tingin saken. "Wala, ang sabi ko busog na busog ako sa kinain naten."

"Naku, Tumigil na nga kayong dalawa ang mabuti pa mag-ligpit na tayo para makapagsimula na tayo sa research paper na gagawin natin." Saway nanaman samen ni Miriam.

Ito talaga ang peace maker samen.

"Opo."

"Okay."

Magkasabay na sagot namen ni Jeremiah kaya nagkatinginan kami, siya naman yung naunang nag-iwas ng tingin.

Weird.

Pagkatapos naming mag ligpit ng mga kalat agad naming nilabas yung mga laptops at books namin pati yung iba pa naming kakailanganin.

"So para mabilis tayo, hati-hatiin natin yung trabaho." Sabi ni Jeremiah tapos bigyan niya kami ng sari-sariling gagawin.

Naks! May leadership palng tinatago ang isang toh, naalala ko tuloy nung tinuruan niya ako sa library kaya napangiti nalang ako tapos nagsimula ko ng gawin yung naka-assigned na task saken.

Maya-maya pinagsama-sama na naming lahat yung ideas namin pati yung nagawa namin kaya madali kaming natapos sa research paper na pinapagawa samin ng professor naming magpapa-publish ata ng libro.

Pagkatapos naming mag-ligpit ng mga gamit, nag volunteer si Jeremiah na ihatid na kaming dalawa ni Miriam. Of course pinsan niya yun eh.

"Okay." Sagot ko nalang. Aarte pa ba ako?

Pagkadating naman naming sa pinag-parkan niya hindi ko maiwasang mamangha sa kotse niya. Well hindi ko naman kase siyang napapansin na pumapasok na nakakakotse sa school kaya hindi ko alam na ganito pala kaganda ang sasakyan ng unggoy na toh.

Diba nag-aaral pa lang ang isang toh? Bakita ang gara agad ng sasakyan?

- Porsche Macan -

Sa back seat ako umupo, alangan namang sa passenger seat eh hindi naman ako yung pinsan? Ang kapal ko naman masyado pag ganun.

Tahimik lang yung buong byahe dahil nakatulog din si Miriam sa harapan.

Kaya napagpasyahan kong mag music nalang.

"Jeremiah pake on ng yung radio."

Sinunod naman niya ako, siguro na-aawkwardan na rin siya dahil sa sobrang tahimik. Hindi kami sanay, Puro kase kami asaran.

Parehas naman kaming nagulat sa kanta.

Seriously? Ngayon pa talaga?

Foolish heart, hear me calling
Stop before you start falling
Foolish heart, heed my warning
You've been wrong before
Don't be wrong anymore

I'm feelin that feelin again
I've been playin a game I can't win
Love's knockin on the door
Of my heart once more
Think I'll let him in
Before I begin

Damn. Foolish Heart by Nina

Ipapatay ko na sa yung music kaya lang siya ni mismo yung nag-patay.

Naku po!

AWKWARD.

**********

Ahahaha sana nagustuhan niyo! Madaling araw ko na toh ginawa kaya mej magulo ahahaha....

xxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top