Chapter 12


Chapter 12

Buong araw, nasa bahay lang ako. Hindi ako pumunta ng mall o kaya gumala kung saan-saan. Pano parang binugbog yung katawan ko ng sampung sumo wrestler dahil pagod na pagod sa dami ng nangyari buong linggo. Buti nalang hindi ako gaanong bored dito sa bahay dahil pinagkaka-abalahan ko tong si Simba yung pusa ko. Pinapataba ko dahil parang isang taon nang hindi kumakain, ang laki ng pinayat pano hindi ko na naasikaso.

"Simba alika nga dito at isusuot ko sayo tong bagong collar na bili ko!" Tawag ko sa pusa kong tulog nanaman.

Pagkakabit ko ng collar sakanya agad naman tong sumiksik saken para bang yun yung sign niya ng pagti-thankyou saken.

Ang cute talaga ng mga pusa, Mas cute pa sa mga tao.

"Pag yan nawala mo ulit wag ka ng magpapakita saken, Aba't binibenta mo ba yan? Bakit linggo linggo nalang nawawala?" Sabi ko habang hinihimas yung ulo niya.

Papano ba naman kakabili ko lang ng collar niya last week. Actually pang anim na nga tong collar na bili ko lagi kaseng nawawala. Hindi ko nga alam kung sinasangla niya ba yung mga collar niya.

Posible kaya yun? Nagsasangla ba ang pusa? O.o

Pagkatapos ko siyang asikasuhin, Nag shower lang ako saglit pagkatapos nag browse na ako sa facebook.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng facebook ko eto agad yung bumungad saken.

Hala ka... 7k likes, 365 comments at 246 shares!

Napakadami naman nitong fans, grabe sobrang famous pala nitong unggoy na toh! Pati profile picture niya sini-share!

Eh di siya na famous, Tss. Famewhore

Nag react tuloy ako yung angry emoticon, Buti nga sakanya.

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari nung nasa library kami.

*flashback*

"So,your place or mine?" Sabi niya sabay lip bite.

What The Hell?!

"Napakabastos mo talagang gorilla ka!" Sabi ko tapos pinagpupukpok ko siya nang hawak kong binder saka T-square ruler.

"A-Aray Asseth! Masakit!" Ilag siya ng ilag habang tumatawa.

Nasasaktan ba talaga tong isa na toh? Bakit tawa parin ng tawa?

"Tama lang yan sayong pervert na gorilla ka!"

Akmang hahampasin ko ulit siya ng T-square ruler sa ulo pero napigilan niya yung kamay ko.

"Ano ba Asseth? Sadyang green minded ka lang." Sabi niya sabay baba sa kamay ko.

Wow. Ako pa daw ang green minded?

"Ang kapal mo. Totoo naman!"

"Tinatanong ko lang naman kung san mo gustong gawin yung project naten sa math na next week ipapasa, Kung sa bahay mo o sa bahay ko."

"Huh?"

Pinitik niya yung noo ko. "Ikaw kababae mong tao ang green minded mo!"

Yun ba talaga yung ibig sabihin niya dun?

Green minded ba talaga ako?

Nakakahiya ka talaga Thessalonians!

"Ano? Ikaw kase kung ano-ano ang iniisip mo!"

Ako pa tuloy yung nasisi. Shocks nakakahiya.

"Pero ikaw ah! Nag-iisip ka ng dirty thoughts tungkol saken!" Tukso niya habang tumatawa.

"Tumigil ka nga, Masyado ka lang talagang feeling!"

"Wow, Asseth. Ako pa talaga ah?"

Buong araw niya akong inasar tungkol dun kahit saan kami magkita yun yung bukambibig niya, Hindi siya maka-get over grabe!

*end of flashback*

Pagkatapos kong mag-stalk este mag browse sa facebook pinahinga ko muna yung mga mata ko saglit tapos kumuha ako ng librong babasahin.

To all the boys I've loved before by Jenny Han

This is my favorite book kaya hanggang ngayon paulit-ulit ko pa rin itong binabasa. Lalo na yung mga sweetest moments and quotes dito.

"What must it be like, to have a boy like you so much he cries for you?"

Now that I think about it, meron pa bang ganung lalaki sa panahon ngayon? Yung iiyakan ka talaga ng sobra kase gustong-gusto o kaya mahal na mahal ka?

Tss. Syempre wala na Asseth wag ka ng umasa masasaktan ka lang. Ang babae na ang laging umiiyak ngayon, Papano laging niloloko pati iniiwanan.

Ewan ko ba kung bakit feel na feel ko ang pagbabasa ng romance stories lalo na kung stress ako, siguro gusto lang mag unwind kahit papano.

"It's not that. It's scary when it's real. When it's not just thinking about a person, but, like, having a real live person in front of you, with, like, expectations. And wants."

I somehow agree with her siguro dala na rin ng madaming experiences ko, Mas mabuti na nga sigurong hanggang imagine nalang o kaya hanggang pangarap nalang kase pagdoon hindi ka iiyak kase walang expectations na hinihanap wala ka ring heartbreak na makukuha.

Grabe yung feels ko talaga dito sa libro na toh!

"If love is like a possession, maybe my letters are my exorcisms. My letters set me free. Or atleast they're supposed to."

Kung ikukumpara ko yung sarili ko sakanya, I can say that we're almost the same. Well I don't write letters unlike her, I write poems to set me free from a heartbreak.

Well hindi ako tuluyang na set free pero at least nabawasan yung saket kahit papano.

"Plenty of people are good-looking. That doesn't make them interesting or intriguing or cool."

May naalala naman ako pagakabasa ko nito kaya agad akong na bad trip kaya binalik ko nalang yung libro.

Tss. Gorillang Chinito.


**********

Hindi namang halata na pino-promote ko yung libro noh? Ahahahaha maganda po kase talaga yang libro na yan, light lang yung feels! Lara Jean and Peter K. OMO! Yung third book talaga eh! Favorite ko sa lahat yan! And btw sorry kung maikli yung chap. wala na kase akong maisip ahahahaha.... Yung video fan made yan, ang galing! Always and Forever Lara Jean  ^o^

xxx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top