Chapter 10
Chapter 10
"Sabihin mo na kase yung pangalan Asseth!"
Nakakailang pilit na saken si ate sa kabilang linya pero ayoko parin sabihin. I mean hindi naman importante yung pangalan ng mga unggoy na yun. Hindi ko nga alam kung bakit ditto napunta yung usapan naming eh.
"Wag na nga Ate Gale, It's nothing important." Sabi ko naman kaya nakita ko siyang nag pout sa screen.
"Thessalonians Faith Austria." Sabi niya na parang nagbabanta na nagagalit kuno.
Sus! Siya pa, Eh kahit langgam nga ayaw niya patayin eh baka daw kase may pamilya yun at kawawa naman daw. Diba? Banal masyado, Saka never pa kaya ako niyang pinagalitan.
"Galatians Hope Austria." Ginaya ko naman yung tono ng boses niya kaya napairap nalang siya.
"Asseth naman, Nagtatanong lang ako kung anong nangyayari sa'yo sa bagong school na nilipatan mo ayaw mo namang sumagot ng maayos."
"E-Eh ate sinabi ko naman sa'yo, Nothing new happened, yes may nameet akong bagong kaibigan and her name's Miriam tas meron namang magbabarkadang unggoy. Yun lang." I said then rolled my eyes.
"Kung maka-unngoy ka naman wagas!" Sabi niya sabay cross arms.
"Eh ang yayabang ate! Saka mukhang mga playboy!" Sumbong ko naman.
"Wag kang judger Asseth! Saka ano ngang pangalan at ise-search ko sa facebook para matignan ko ng maayos." Sabi niya nang parang naiinip na.
"Wag na ate, mamaya mabiktima ka lang." Katuwiran ko nalang. Aba't mahirap na noh! Mamaya mapabilang pa ang ate ko sa mga napaiyak nilang babae.
No Freaking Way.
"Ikaw talaga, Akin na bilis para pag gwapo i-add ko pero pag chaka i-block ko." Sabi niya sabay tawa.
Judger din ang isa na to eh, Binabawi ko na pala yung sinasabi ko na banal siya kanina, Magkapatid nga kami.
"Wag na ate, Mag concentrate ka nalang jan sa OJT mo para makauwi ka na dito, Miss ka na namin ni mama, Wala na kaming taga-luto, taga-hugas, taga-laba, taga-plantsa, taga-tupi, taga-linis ng bahay saka taga-pakain kay simba."
"Grabe ka Asseth ginawa niyo pa kong katulong ah!" Sabi niya sabay irap.
"Joke lang ate, Pero seryoso nga uwi ka na. Mga two years kana din diyan ah!"
Pano ba naman last 2 years ago nabigyan si ate ng offer na mag-aral habang nag-oojt sa ibang bansa. ayaw niya pa nga nung una kase madami siyang maiiwanan dito pero tinanggap din niya sa kalaunan kase sayang naman daw yung ganong opportunity. Bihira lang daw yun dumating.
"Ita-try ko umuwi next year promise." Sabi niya with matching taas pa ng right hand niya.
"Siguraduhin mo lang ate!" Sabi ko ng na-eexcite.
"Oo na ang kulit neto, Pero Asseth mag-ingat kayo diyan ni mama habang wala ako sa tabi niyo, okay?"
"Yes ma'am."
"Saka Asseth wag kang laging nagmumuk-mok sa bahay. Enjoy your life!"
Tss. Ito nanaman po tayo.
"Hindi nga ako palaging nanadito sa bahay, Sabi ko naman sa'yo minsan lumalabas din naman kami ni Miriam para mamasyal at mag-shopping."
Rason ko naman.
"Mabuti kung sa ganoon, Bata ka pa Asseth dapat mag go with the flow ka lang."
"Grabe ka! Eh two years lang naman ang tanda mo saken!" Kung makabata kase wagas parang ang tanda tanda na niya eh hindi naman.
"Mas matanda parin ako sa'yo uy!" Sabi niya sabay dila.
Hala. Sino kaya ang isip bata samin?
"Tse! Opo Lola!" Asar ko naman kaya napa-irap nalang siya.
"Ang point ko Asseth, Don't be afraid to try something new. Yung kinuwento mong tatlong unggoy with no name tingin ko naman mabait talaga sila lalo na yung leader na gorilla with no name din." Sabi niya ng seryoso pero tumawa sa huli. Luh!
"Playboys yun ate. Mga cheaters. And I don't like cheaters." Sabi ko naman sakanya. I mean kahit hindi na kami palaging nag-sasagutan ni jeremiah, at nag ngingitian na kami minsan, Still we're just acquaintances, we're not friends.
"Pano mo naman nalaman aber? Malay mo mababait naman sila, Hindi porket naloko ka na dati at iniwan hindi mo na susubukan pang mag tiwala sa iba. Magkakaiba lahat ng tao Asseth, Wag mo silang lahatin. Hindi lahat kagay ni daddy at ng ex boyfriend mo pati ex best friend mo. Give them a chance Asseth malay mo sila na talaga yung mga tunay na kaibigan na matagal mo ng hinahanap."
"Pag-iisipan ko..." I trailed off.
"Tama yan Asseth. People change, tandaan mo lagi yan. Hindi porket iniwan ka ng bwiset na ex boyfriend mong si gab lahat na rin iiwanan at lolokohin ka. Wag kang masyadong cold hearted..."
Bigla naman akong nakaramdam ng inis sa mga sinasabi niya.
"Madali lang yan sabihin para sa'yo ate, Palibhasa ikaw yung nang iwan hindi ikaw yung iniwan." Sabi ko.
Bigla naman siyang tumahimik sa kabilang linya, I even saw her facepalm then muttered a curse afterwards.
I hit a nerve big time.
"Pagod na'ko. Night." Sabi ko sabay sarado sa laptop ng hindi hinihintay yung response niya.
Pagkapikit ko ng mga mata ko, Naalala ko lahat ng mga sinabi ko sa ate ko, yes naguilty ako pero totoo naman. Madali sakanyang sabihin yun palibhasa hindi siya yung iniwanan, minsan kase kahit anong gawin ko, hindi niya ako maintindihan kase magkaiba kami ng sitwasyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top