Chapter 1
*years ago*
"A-Akala ko ba mahal mo ako bat mo ko nagawang lokohin?"
"S-Sorry please patawarin mo ako, Natukso lang ako di ko sinasadya..."
"Natukso?! Sakanya pa? Saka di mo sinasadya? Sinong niloloko niyo? Mga walanghiya kayo! Pagbabayaran niyo ang panlolokong ginawa niyo sakin!"
"P-Please wag maawa ka sakanya buntis siya.."
Nagulat nalang ang dalawang batang babae sa gilid na matagal ng nakikinig sa pag-aaway ng kanilang mga magulang, Hindi nila alam kung ano na ang nangyayari, At kung bakit umiiyak nanaman ang mommy nila.
"D-Daddy, Ano pong ibig sabihin nito? N-Niloko niyo po si Mommy?" Hindi makapaniwalang tanong ng walong taong gulang na batang babae sa kanyang ama na nakaluhod sa harapan ng kanyang mommy na umiiyak.
"I-I'm sorry anak, patawarin mo si daddy.."
"A-Anong ibig sabihin nito daddy , Aalis ka ? Bat ang dami mong dalang gamit?" Tanong naman ng isa pang batang babae na anim na taon pa lamang.
Hindi na napigilan ng babae at niyakap na ang dalawa niyang anak na umiiyak dahil hindi makapaniwalang iiwanan na sila ng daddy nila sa murang edad pa lamang.
"P-Patawad mga anak hindi sinasadya ni daddy na saktan kayo nila mommy..." Naluluhang sabi ng ama sa mga anak niyang umiiyak.
"Wag kang umalis daddy! Wag mo kaming iwanan ni ate at ni mommy! S-Sabi mo lagi mo kaming pro-protekatahan!"
Tumingin ang tatay sa anak niyang iyak na ng iyak...
"I'm really sorry anak but daddy cannot be with you anymore, balang araw maiintindihan niyo din ako. Mahal na mahal ko pa rin kayong tatlo ng mommy mo kaso kailangan ko tong gawin.. I'm sorry anak."
"Umalis ka na! Wag ka nang babalik ayaw na kitang makita kahit isang beses!" Galit na sigaw ng asawa ng lalaki.
"P-Patawarin mo ako Ruth, mahal pa rin naman kita kaso nangyari na ang nangyari..." sambit ng lalaki pagkatapos ay naglakad na palayo.
"D-Daddy ! Wag mo kaming iwanan ni Mommy! Daddy Wag!"
Nagising nalang ako ng pawis na pawis dahil sa napaginipan ko. Ilang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon hindi parin mawala-wala lahat ang sakit na iniwan ng daddy ko saken. Why do people cheat? Was it because of self-satisfaction? Lust? Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung paano nagawang lokohin ng daddy ko ang mommy ko. Parang kailan lang ang saya-saya namen tapos bigla nalang nawala ang lahat.
Simula ng umalis si daddy naging workaholic na si mommy lagi na siyang wala sa bahay, Kung nandito naman palagi lang nasa kwarto at umiiyak. kaya kadalasan kami lang ng ate ko ang magkasama. Akala ko nga totoo yung sinasabi nila na "Time heals everything" Pero hindi pala kase kung ganoon edi sana matagal ko na natanggap ang panlolokong ginawa ng daddy ko samin pero hindi, dahil hanggang ngayon hirap na hirap parin akong patawarin siya.
Taga naalala ko lahat ng nangyari nung gabing yun, Hindi mapigilan na mamuo ang galit sa puso ko, Dahil sakanya hirap na hirap ako mag-tiwala sa ibang tao dahil natatakot ako na pag napalapit ako sakanila ay iiwanan din nila ako kagaya ng daddy ko, Pag binigyan ko sila ng pagkakataon makapasok sa buhay ko lolokohin lang din nila ko kagaya ng ginawa ng daddy ko sa mommy ko.
Hindi parin ako makapaniwala na nag-taksil ang daddy ko sa kapatid pa mismo ni mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top