What is Love?
Paano ba magmahal? May mga palatandaan ba para malaman? May dapat bang mangyari para masigurong pagmamahal nga iyon?
Sapat na ba ang pagbilis ng tibok ng puso? O ang pag-slowmo ng paligid sa tuwing nakikita mo iyong tao? Totoo ba ang mga iyon?
"Beh, tama na 'yang iyak. Hindi ka niya deserve no! Tatadyakan ko talaga ang lalaking yan kapag nakita ko." Pag-aalo ni Stacey kay Joana. Kanina lang nalaman na may iba pala ang boyfriend niya.
Sabi niya noon, siya na, umabot rin ng taon ang relasyon nila. Parang dati, nakatira sa fairytale, ngayon nag-iiyak na siya.
Required bang masaktan kapag nagmahal?
Kamot ulo kong iniligpit ang mga mga nagamit na libro. Maaga kong isinara ang coffee shop dahil kanina pa namin hindi mapatahan si Joana. Ang hirap namang magfocus habang nakikita siyang ganito.
"Uy Bella, isip ka rin naman ng paraan para mapatahan mo ito. Naubusan na ako." Reklamo ni Stacey.
Napakamot naman ako ng ulo. "Anong sasabihin ko? E wala akong alam sa mga ganiyan. Alam niyo naman, igagawa ko na lang kayo ng maiinom." prangkang sabi ko.
Totoo naman eh, wala akong alam sa ganiyan. Ano nga ba ang pag-ibig? Sa dinami dami ng taong nagtanong sa social media ng What is Love? Wala pa yatang nakabigay ng pinakatamang sagot. Kung meron man, malamang ay hindi ko lang naintindihan.
Habang patungo sa counter ay siyang pagdating naman ni Jorge, ang boyfriend ni Stacey. Bago pa lamang silang magkasintahan, wala pang dalawang buwan. Ngunit mahigit isang taon siyang niligawan ng binata. Sabi niya nga, love waits at pinatunayan niya iyon. Kaya naman si Stacey, hulog na hulog na rito.
Nagdagdag na lamang ako ng ginawang inumin para rito. Nang balikan ko sila sa mesa ay tumahan na si Joana. Mukhang naubusan na rin ng iluluha. Bakit ba kase iiyakan niya pa iyong walang hiyang lalaking iyon? Dati pa sinabi ko nang may masama akong kutob rito pero mapilit siya. Na love at first sight daw ang loka. Kaya eto siya ngayon lagapak dahil hindi marunong makuntento ang lalaking minahal niya.
Napansin ko nga na magkaiba sila umibig. Si Joana kasing bilis ng kidlat nagtagal naman ngunit hindi nga lang ito ang endgame niya, habang si Stacey ay kasing bagal naman ng pagong, at sana umabot sila hanggang dulo.
"Salamat Bella ha, mauuna na kami." pagpapaalam nila. Mukhang nahimasmasan na si Joana. "Ayaw mo bang sumabay? Dala naman ni Jorge ang kotse niya." Pag-ooffer pa ni Stacey na agad ko naman tinanggihan.
"Magsasara pa ako, at saka pupunta naman rito ai Alex." sagot ko. Mapanuri naman ako nitong tiningnan. "Bakit?"
"Sure ka ba na kaibigan lang si Alex?" napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Oo, bakit mo naman natanong?"
"May iba eh, napapansin ko iyong ngiti at tingin mo sa kaniya hindi pangkaibigan lang." Seryoso niyang sabi. "I know you are unaware but you are my friend kaya ko ito sinasabi. I don't want to see you hurting." Iyon lang at tuluyan na silang itong umalis.
Saktong nalock ko na ang store ay pagdating naman ni Alex. May kaangkas ito sa motor. Wala namang nangyayari ngunit parang pinipiga ang dibdib ko habang tinitignan sila. Todo alalay si Alex sa babae. At kitang-kita ko kung paano niya tingnan ang babae. Hindi sa paraang tumitingin siya sa akin. Iba, tila ba may malalim na ibig sabihin.
"Bella!" Napapikit ako nang bigla na lang nitong pinitik ang akin noo. "You're spacing out." natatawang sabi niya nang tingnan ko siya ng masama. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang kaniyang sasabihin. "I thought, bukas pa ang shop. Pinagmalaki ko pa naman sa girlfriend ko ang drinks niyo dito."
May ideya na ako ngunit, lalong nanikip ang dibdib ko nang marinig mismo sa bibig niya na girlfriend niya ito. Ito ba ang sinabi ni Stacey? Mahal ko ba si Alex? Kaya ba may nararamdaman akong sakit ngayon dahil minahal ko na siya hindi bilang kaibigan, kung 'di bilang lalaki?
"Bella girl!" Liningon ko si Joana at Stacey na ngayo'y papalapit sa puwesto ko. "Nako Alex, pasensiya na. Medyo masama pakiramdam ni Bella eh. Dadalhin namin siya ngayon sa clinic.
Parang hindi gumagana ang utak ko ngayon. Masyadong puno ito ng katanungan. Masyado akong nasasaktan sa hindi ko malamang dahilan. Basta namalayan ko na lang na nasa loob ako ng sasakyan ni Jorge, umiiyak habang yakap nila Joana at Stacey.
Ito ba ang love? Bakit ang unfair naman? Bakit kung kailan ko napagtanto ang aking nararamdaman, doon rin ako nasaktan? Bakit parang hindi ko namalayan? Bakit naman biglaan? Bakit wala naman akong nakita signs?
Ano nga ba ang love?
I think love can only be defined by the person who felt it. It may be fast, or it may be slow, and sometimes it's painful.
Wakas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top