WITID 27
San Pablo Street, purok 2, Baranggay San Juan, Capistrano.
Mayroong madadaanang malaking tindahan, at sa susunod na kalye ay isang trucking. Sa susunod na kanto naman ay isang simpleng simbahan na mayroong maraming welcome plants at kulay pusyaw na dilaw ang pintura.
Mayroong malaking puno ng mangga sa gilid ng daan, kung saan doon nakaparada ang mga tricycle.
Dalawang compound matapos sa paradahan ng tricycle ay ang compound ng kinatatayuan ng bahay namin ni Tiya Estheria.
Nasa ilalim ng kaniyang paboritong halamang nasa paborito niya ring paso ang aming susi sa bahay.
Halamang walang katulad sa alinmang naroon,
Hindi man namumulaklak ay mayroon namang karismang 'di mapapantayan,
Itabi mo man siya sa iba't ibang uri ng mabubukaklak na halaman,
Mananatili siyang katangi tangi sa lahat ng naroon maging sa aming paningin pa man.
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top