WITID 26
Ako si Joy Miracle Olanda, nakatira sa San Pablo street, San Juan, Capistrano. Si Tiya Estheria na lang ang kasama ko sa bahay at ang nag-iisang pamilyang kasama ko. Mayroon akong kapatid sa mama ko, ang pangalan niya ay Roselyn Almira, gusto kong makilala muna siya bago ako mawala sa mundong ito. Mayroon akong sakit sa utak at taon o buwan na lang ang bibilangin bago ako tuluyang lumisan.
Gustong gusto ko noong mamatay na lang dahil parang walang gana na ang mabuhay, hindi ko kasi alam kung mayroon ba akong patutunguhan o wala. Hindi ko man lang naisip na bata pa pala ako para isipin ang mga bagay na 'yon, hindi ko man lang naisip na baka sa pagdating pa ng panahon saka ko maiintindihan ang totoong halaga ng buhay ko sa mundong ito.
Ngayong nabigyan na ako ng limitadong oras, saka ko pa lang naintindihan ang halaga ng buhay ko. Marami pa pala akong gustong gawin, gusto kong makilala ang mama at papa ko, kahit makita lang sila saglit. Gusto kong maranasang magkaroon ng kapatid, na tatawagin akong ate. Ayokong dumating sa punto na bago ko pa siya o sila makita sa personal ay nalimutan ko na sila.
Kaya salamat sa 'yo, diary nang dahil sa 'yo magkakaroon pa ako ng matibay na ala-ala tungkol sa kanila at sa aking sarili. Huwag lang dumating sa punto na pati ikaw ay aking malimutan dahil hindi ko na alam no'n kung ano'ng mangyayari sa akin. Pupuwedeng maging isa na lang akong bakas ng kahapon at isang taong wala nang halaga at mananatili na lang na isang ala-ala na kaluna'y kalilimutan din nila.
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top