WITID 23
Dear Diary,
Gusto ko na lang mawala sa mundong ito... puwede bang kunin mo na lang ako, Lord?
Hindi ko na po kasi kaya 'yong sakit dito sa puso ko, eh. Pati 'yong isip ko sobrang gulo na. Nagbuhol buhol na nga po yata ang mga brain cells ko. Ayaw pang tumigil ng utak ko sa kakaisip. Gusto ko na nga munang magpahinga!
Nakakainis na... sobra. Bakit mo ba ginawang ganito ang buhay ko? Ako dapat ang bida pero ginagawa mo akong kontrabida!
Masaya ka ba sa tuwing umiiyak ako? Na-e-entertain ka ba lalo na kapag mugto ang mga mata ko?
Ayaw mo ba akong maging masaya? Kung oo, eh 'di sana kasi hindi mo na lang hinayaan na maipanganak ako sa buwiset na mundong 'to! Sana sperm pa lang ako ay hinayaan mo na akong mamatay!
Gusto nang mamatay,
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top