WITID 21
Dear Diary,
Masaya ako ngayon kahit papaano dahil nagkausap na ulit kami ng kaibigan ko. Kakasumbong ko pa lang sa'yo kahapon na namimiss ko na siya ng sobra... tapos ayon! Ayos na kami kahapon. Balik na sa dati ang closeness namin pero kami naman ni Tiya Esther ang medyo malayo ngayon sa isa't isa. Actually, hindi naman siya lumalayo sa akin... ako lang talaga...
Kasi sobrang nahihiya na ako sa kaniya. Sa kanila ni mama Marilou—tiya Marilou rin pala. Hindi ko naman talaga siya mama kasi ampon ako, eh!
Oo! Ampon lang nila ako at sobrang nahihiya ako at nagiguilty dahil nahihirapan sila nang dahil sa akin. Kung sana ay hindi na lang nila ako inalagaan at hinayaan na lang nila ako, eh 'di sana hindi na sila nahihirapan ngayon pero hindi, eh! Kinupkop pa rin nila ako, inalagaan at minahal na parang tunay na pamilya.
Alam mo, diary? Naiinis ako sa kanila! Lalo na kay Tiya Esther! Bakit sobrang bait niya? Bakit ganito sila sa akin? Bakit nila ako kinupkop at minahal ng ganito gayong hindi naman nila ako kaano-ano? Mayroon ba silang espesiyal na nakita sa akin? O sadyang suwerte lang talaga ako dahil sa kanila ako napunta?
Kaya ba Miracle ang pangalan ko? Kasi sa gitna ng kawalan ay nagkaroon ako? Sa kabila ng kawalan ko ng tunay na pamilya ay mayroong tumayo sa tabi ko para punan ang mga bagay na hindi maibigay ng mga totoo kong magulang dahil wala sila sa tabi ko?
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ba talagang dapat kong maramdaman ngayon, hiniling kong maging maayos na ulit kami ng matalik kong kaibigan at naging toto 'yon sa pamamagitan ng pagkaalam ko sa katotohanang ampon ako at hindi dapat narito sa bahay ni Tiya Esther.
Nalilito na naman,
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top