WITID 20


Dear Diary,

Natutuwa ka ba na madalas na ang pagsusulat ko sa'yo?

Wala, eh... Hindi pa rin ako kinakausap ng taong kailangang kailangan ko ngayon.

Miss na miss ko na ang bawat lambing niya. Kahit mabigat ang mga braso niya kapag nakadantay sa akin. Miss na miss ko na ang kadaldalan niya. Miss ko na rin ang karupukan niya, 'yong kilig at hampas niya sa tuwing kinikilig siya sa mga napapanood, nababasa o sa ka-chat niya. Miss na miss ko na 'yong kaibigan kong pinipili pa rin akong kasama kahit pa ang sungit ko, kahit pa minsan ang nega ko at wala akong kuwentang kausap. Sobrang Miss ko na 'yong kaibigan kong ang pangalan ay Jennelyn.

Nalulungkot,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top