WITID 18


Dear Diary,

Nasaktan na ako noong simula pa lang ng paglayo ko kay Anton pero mas masakit pa rin pala talaga kapag ang matalik mo ng kaibigan ang hindi mo kasundo o makausap.

Isang araw na akong hindi pinapansin ni Jenny at sobrang nalulungkot ako. 'Yong kaisa-isang kaibigan na mayroon ako ay parang unti-unti na rin akong iniiwan. Alam kaya niyang iiwan ko rin siya at inuunahan niya lang ako?

Hindi. Malabo iyon. Usapan namin ni Tiya Esther na walang puwedeng makaalam. Sumang-ayon siya sa akin at alam kong hindi niya babaliin ang aming usapan.

Nag-iisip ako ngayon ng puwedeng gawin para suyuin ang kaibigan ko... pero wala akong maisip, diary. Ni hindi ko na nga maalala kung ano bang mga paborito niya. Naalala ko tuloy kahapon noong lumapit ako sa kaniya at ibinigay ko sa kaniya yung soft drinks at piatos. Inirapan niya ako at nagalit siya. Tinanong niya pa ako kung gusto ko na siyang mamatay, siyempre "hindi" ang isinagot ko pero mas lalo siyang nairita sa akin.

Mayroon pala siyang UTI, diary. Sobrang upset niya siguro sa akin. Kaya nagagalit din ako ngayon sa sarili ko. Kasi 'yong importanteng bagay na tungkol sa kaibigan ko ay nakalimutan ko. Nagiging walang kuwenta na ako ngayon.

Gustong gusto ko nang pagsabihan at pagalitan si Tiya Esther na huwag nang mag-ipon. Hayaan na lang namin ang tadhana na magpasiya. Kung hahayaan niya pa akong mabuhay o kung hahayaan na niya akong mamahinga habangbuhay.

Walang kuwentang kaibigan,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top