WITID 17
Dear Diary,
Iniiwasan ko na si Anton. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko 'to ginagawa pero alam kong ito rin ang makabubuti para sa amin. Hindi ko na dapat siya bigyan pa ng rason na umasa sa akin. Na hintayin pa ako gayong alam kong darating ang araw na iiwan ko rin siya.
Alam mo ba, diary? Noong bata pa ako... mga panahong nasa elementarya pa lang ako at wala pang masyadong alam sa mundo... sa tuwing tinatanong ako ng teacher namin kung anong gusto kong maging paglaki, hindi ako nakakasagot. Hindi dahil wala akong pangarap kundi dahil pakiramdam ko'y maaga akong mawawala. Ano pang saysay ng mga magiging pangarap ko gayong hindi rin naman sila matutupad?
Mas mabuting hayaan ko na lang ang sarili kong mag-enjoy sa kung anong mayroon ako ngayon kaysa sayangin ang oras ko para sa isang pangarap na wala pa namang kasiguraduhan.
Joy
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top