WITID 14

Dear Joy,

Sorry kung nangialam ako sa gamit mo.

Nakita ko kasing naiwan mo itong notebook mo. Tinatawag kita kanina pero hindi ka naman lumingon.

Sorry pala ulit, kasi nabasa ko 'yong huling entry mo... Hindi ko naman sinasadya. Nahihiya nga akong aminin sa'yo ng harapan kung isasauli ko na ito kaya naisipan kong isulat na lang.

Wala namang kaso sa akin kung hindi pa payag ang Tiya mo. Alam ko namang mga bata pa tayo at natitiyak kong iniingatan ka lang niya. Kahit pa siguro mangako ako sa kaniyang susungkitin ko ang mga bituin para sa'yo ay hindi pa rin siya papayag na maging tayo kaya naiintindihan ko ang sitwasiyon mo.

Asahan mo, hindi ko pa man makamit ang matamis mong oo ngayon ay mananatili akong nandito at maghihintay sa'yo hanggang sa maging puwede na ang tayo.

Your future boyfriend,
Anton

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top