WITID 12


Dear Diary,

Tama nga ang hinala ko!

Parang isang taon na ang lumipas samantalang isang araw lang akong absent!

Si Jonathan saka si Rebecca nagkabalikan na, eh no'ng last na pasok ko galit na galit si Rebecca kay Jonathan at parang wala nang planong balikan ang lalaki pero pag pasok ko kanina, oh my goshness! Ang harot nilang dalawa. Sa sobrang harot nga nila ay sumakit ang aking mga pretty eyes.

Tapos ito pa! Lahat daw ng pumasok sa specialization subject namin kanina ay mayroong plus ten sa summative quiz! Paano naman ako na absent? Hindi ako nakareklamo kay ma'am dahil wala kaming subject sa kaniya kanina. Sana ako rin may plus ten!

Ito pa ang pinaka sa lahat!!!

Si Anton my bebe crush na manliligaw ko na ngayon...

Kami dapat partner sa laboratory, eh! Kaso... dahil nga absent ako, 'yong malditang may crush sa kaniya ang naging partner niya?

Napapakanta na lang talaga ako ngayon, eh...

Pa'no naman ako~~

Ako 'yong nililigawan...

Pero iba ang partner sa lab...

'Di ko kayang tanggapin~~

Sana hindi na lang ako umabsent,
Joy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top